5

4.3K 233 3
                                    

Natapos na ang isang linggo at nasa daan na si Ana, kasama ang iba pang gwardya na galing sa Central City na maglilibot sa bawat bayan ay baryo na nasasakupan ng Capital city para mangalap ng mga kabataan at gawing sundalo ng Capital City.

Ang magsasagawa ng magsusulit ay ang High Priest na si Meng Dao. O mas kilala bilang Priest Meng. Mayroon siyang masungit na mukha bagay sa kanyang mataas na katungkulan. Mapili ito pagdating sa mga gwardyang kanyang tinitignan. Hindi ito mabilis na makumbinsi at mahirap mapahanga. Nang malaman ito ni Ana, nandilim siya dahil sa tingin niya ay wala nanamang makukuha sa kanyang baryo para maging gwardya.

"Ana. Ang baryo nyo na ang susunod." Aniya. "Baae sa sensus na nakuha ko, mayroon kayong labing- anim na kabataan na may edad 13 hanggang 18."

Ang mga edad na ito ay ang tamang edad para makapasok sa Central City bilang isang Gwardya. Nakapasok si Ana bilang Gwardya sa edad na 13 at dalawang taon nang nakakalilas mula iyon.

"Opo Priest Meng. Tama po ang impormasyong inyong nakuha." Aniya.

"Osya, dumiretso na tayocsa inyo." Blangko nitong sabi sa dalaga at itinuro na sa drayber ng kanilang sinasakyan na mahabang karwahe.

Hindi parin maalis ang pait sa mukha ni Priest Meng dahil walang nakakuha ng atensyon niya sa unang bayan na kanyang pinuntahan.

"Gin!" Pagtawag niya sa lalaking isang Gwardya rin katulad ni Ana. May suot siyang kulay pulang damit na katulad kay Ana na nagpapahiwatig na kasama siya sa sandatahang gumagamit ng espada.

"Nakakadismaya ang performance ng iykng bayan ngayong taon. Hindi ako natuwa. Walang nakatawag ng pansin sa akin at para bang may bumubulong sa akin na wala nang magaling na gwardya na manggagaling sa bayan mo." Aniya sa binata ng may awtoridad.

Nagkaroon naman ng tensyon sa loob ng karawahe sa sinabi ni Priest Meng.

"Sanayin mo ang mga bata sa bayan ninyo. Ilabas mo ang potensyal ng mga batang iyon. Bibigyan kita ng isang buong taon paga rawin iyon. Maliwanag?" Sabi nito.

"Masusunod po Priest Meng." Aniya. At humarap naman ito kay Ana.

"Ana, nakaraang taon ay wala akong nakuhang gwardya sa iyong baryo. Ngayon nalang ang natitirang pagkakataon na ibibigay ko sa iyo. Malibawag." Sabi nito kay Ana.

"Opo, Priest Meng." Sabi nito.

Sa nakaraan kasing mga buwan ay tinuruan niya ang ilang mga kabataan sa kanilang baryo sa paghawak ng mga armas. Sinanay niya ang mga ito para hindi na siya mabigo sa susunod na dumating ang ganitong pagkakataon.

Kasalukuyan namang nasa loob ng singsing si Kid at sinasanay niya ang kanyang katawan sa harap ni Master Val. Pinagmamasdan ng maigi ni Master Val ang bawat bitaw ng suntok ni Kid sa hangin at kapag nakapuna siya ng mga kahinaan ni Kid, ipupuna niya ito sa binata na sya namang naayusin nito.

"Napansin kong nagpo- pokus ka masyado sa lakas ng bawat suntok na iyong binibitawan. Hindi lahat ng pagkakataon nadadala ng lakas ang pagkapanalo sa isang labanan." Aniya na nagbigay kay Kid ng dahilan para pag isipan ito ng mabuti.

Nahinto kakaisip si Kid nang magsalita si Master Val. "Osya, mamaya mo na iyan pag isipan. Bumalik ka na sa labas at sa aking oagkakaalala, ngayon ang araw ng pagsusulit mo."

"Opo master. Mamaya na po." Sabini Kid sa kanyang Master.

"Sige. Galingan mo ah." Sabi nito sa binata. Tumango naman si Kid sa kanya at bumalik na sa labas.

Nang makabalik, naabutan niya ang mga kabataan na halos kanyang kaedad rin ay nasa labas na ng kaniyang mga tahanan at hinihintay ang pagdating ng High Priest para sa kanilang pagsusulit.

SpiritsWhere stories live. Discover now