17

4.3K 223 22
                                    

Nang narinig ni Kid ang kanyang numero ay nagulat siya.

"A-ako?!" Tanong niya sa priest. Tumango naman si Priest Meng bilang sagot at hudyat narin para pumunta siya sa entablado.

Pag akyat niya, nakatingin ng masama ang halos lahat ng mga nanonood sa kanya. Nakatawa ang kanilang mga mukha dahil hindi ito maipinta sa sobrang pait ng kanilang mga mukha.

"Buti nga sa kanya! Masasaktan siya ng lubusan!" Sabi ng mga nanonood.

Pag akyat ni Kid sataas ng entablado, agad na tumayo si Priest Xiao sa pagkakaupo para matunghayan ang mga mangyayari.

"Haha! Tignan nalang natin ang magiging kakalabasan ng labang ito." Aniya sa sarili.

Isa isa nang hinamon ng natirang pitong kalahok si Kid. Nauna ang pinakaunang nanalo sa unang patimpalak. Ang lalaking may malaking katawan. Umakyat na ito sa entablado kaharap si Kid.

Hindi alam ng karamihan na ang lalaking ito ay nakaabot na sa 2nd Mortal Realm peak at kaunting cultivation nalang ay makakaabot na siya sa 3rd Mortal Realm.

Ang mga nakakaalam lang ng cultivation ng lahat ng mga kalahok sa paligsaghan ay sila Priest Meng at Priest Xiao na may mas mataas na Cultivation sa lahat. Dahil nasa mas mataas na realm na sila, halos lahat ng mga.nasa ibabang realm nila ay kaya nilang malaman ang presensya pati ang cultivation maliban nalang kung mag aaral sila ng Martial Art Skill na magtatago nito.

Naghudyat na si Priest Meng para simulan ang laban. Agad na sumugod ang lalaki kay Kid para atakihin ito.

"3 Force Step!" Sigaw niya. Bigla namang bumilis ang kanyang kilos pero hindi parin natinag si Kid sa kanyang kinatatayuan. Nang makalapit ang lalaki, sinumulan na niya ang kanyang pinakamalakas na Skill.

"5 Inch Punch!"

Pagsigaw niya nito, aakmang aatakihin na niya si Kid pero kapansin pansin ang pananatili ni Kid sa pagkakatayo. Dahil sa napansin ay ipinagpatuloy ng lalaki ang kanyang atake papunta kay Kid.

"Free Wave Step!"

Pagbitaw ng lalaki ng suntok, napansin niyang wala siyang natamaan na katawan. Napansin niya na ang kanyang paligid ay medyo malamig kumpara sa ibang parte ng entablado.

Ilang sandali pa ay maririnig ang tunog ng rumaragasang tubig na parang mga alon sa kanyang likod pero nang humarap siya doon, wala siyang nakita.

"Anong nangyayari?!"

"Nasaan ang kalaban niya?"

Inikot ng lalaki ang kanyang ulo ngunit huli na nang makita niya si Kid

"Calamity Punch!"

Tumama ang kamao ni Kid sa sikmura ng lalaki bago pa ito makaiwas. Pumait naman ang mukha ng lalaki nang maramdaman ang sakit nito. Unti unting dumaloy ang mainit na liqido sa bibig ng lalaki at di kalauna'y tumalsik na ang dugo sa paligid ng entablado.

Tumalsik ang lalaki palayo kay Kid. Lumagpas pa ito sa entablado at bumagsak sa maputik at maduming lupa sa Barracks.

"Anong nangyari?!" Tanong ng mga manonood.

"Panalo si Kid. Sunod!" Sigaw ni Priest Meng. Inaasahan na niya ang ganitong kakalabasan dahil sa ipinakita ni Kid sa pagsusulit noong nakaraan.

Base rin sa kanyang nakuhang impormasyon, hindi galing sa Gaia si Kid at kasama siya sa mga pumasok sa Portal papunta sa mundong ito, ang Eye of Hamlet. Ang edad nito ay 15 anyos na. Bukod sa dalawang impormasyong kanyang nakuha, wala na siyang ibang alam sa binata.

Si Priest Xiao naman, na kanina lang natunghayan ang kakayahan ni Kid ay nagulat sa ipinakitang abilidad ni Kid. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan pero kahit kaunti ay hindi parin nababawasan ang kanyang panliliit sa binata.

SpiritsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora