24

4.6K 236 25
                                    

------

CULTIVATION: 2ND ASCENDED MORTAL REALM

MARTIAL ART SKILLS:

Free Wave Step- 5★
Iron Fullbody- 5★
10 Folding Strength- 5★
Calamity Punch- 5★
Metal Fists- 5★
Light Floating Ferry-5★
Meteor Kick- 5★

STRENGTH: 46 FOLDS

------

Maaalala na binigyan si Kid ng pagkakataon ni Priest Meng na makakuha muli ng isa pang Martial Art Skill nang manalo siya sa patimpalak. Binigyan muli siya ng 30 minuto para makahanap ng kanyang magiging Martial Art Skillkung kaya't nagkaroon ng pagkakataon si Kid na makakuha ng tatlong panibagong Martial Art Skill.

Ang una ay ang Metal Fists. Isa itong Martial Art Skill kung saan tinitriple nito ang lakas ng kamay ng nagsanay nito.

3★- Unti unting mararamdaman ang pagbabago sa mga kamay. Dodoble ang lakas ng mga kamay.

5★- Permanenteng magbabago ang lakas ng mga kamay. Titriple ang lakas ng mga kamay.

Kinuha niya ang tier 2 Core Rank Martial Art Skill na ito dahil malaki ang maitutulong nito sa kanyang skill na Calamity Punch. Mapapalakas pa nito ang kanyang atake.

Ang sunod niyang kinuha ay ang Meteor Kick. Isa. Itong Tier 3 Core Rank Martial Art Skill na nakasentro sa mga paa ni Kid. Dahil wala pa siyang kahit isang Skill na ginagamitan ng kanyang paa, kinuha niya ang isang ito.

5★- Lalakas ng doble ang mga sipa na iyong gahawin.

Simple ang ang isang Skill na ito pero malaking tulong kay Kid. Ang pinakahuling Skill ay ang Light Floating Ferry. Nakatawag ng atensyon ito kay Kid dahil nakita niya ito nang hindi sinasadya.

Isa itong Martial Art Skill na hindi nakalagay sa isang istante kundi sa loob ng isang hunos sa ilalim ng kanyang mesang binabasahan noon. Nang makita niya ito, nagkaroon siya ng interes na basahin at sa duno ay hindi naman siya nagsisi.

Isa itong tier 2 Core Rank Martial Art Skill na may kakayahang makalutang ng ilang segundo ang nagsasanay nito.

3★- Mapapagaan ang sarili ng kalahati. Mas mapapabilis ang pagtakbo.

5★- May kakayahang mapalutang ang sarili ng limang segundo. Permanenteng pinapagaan ang katawan para mapabilis ang pagtakbo.

Natuwa si Kid sa lahat ng kanyang mga nakuha nong mga araw na iyon kung kaya't nang makapagsanay na siya, pinagtuonan niya ng pansin ang mga bagong Skill. At dahil nakaabot na siya ng Ascended Mortal Realm, hindi siya nakaranang hirap sa pagc cultivate ng mga Skill na ito.

Napanganga ang halos lahat ng mga nandodoon sa loob ng Beast Hall maliban sa dalawang High Priest. Nagulat si Priest Meng sa resulta ni Kid ngunit umaapaw ang kanyang tuwa dahil amg anak ng kanyang kaibigan ay sinlakas nito.

"Sing ganda ng kinabukasan mo noon ang kinabukasan ng iyong anak, Joshua. Pinatunayan mo lang sa akin na halimaw ang iyong pamilya, Joshua." Aniya sa kanyang sarili na para bang pinaparinig sa ama ni Kid. Napailing nalang ito sa tuwa.

Nanlaki naman ang mga mata ni Priest Xiao sa nakita. "Ilang buwan nalang at maaabutan na niya ang Cultivation ko! Nakakabilib ang batang ito!" Sabi niya sa sarili. "Mukhang kahit na hindi pandigmaan ang kanyang Fate Beast, kaya niyang mabuhay ng ligtas sa gitna ng mga labanan." Aniya sa sarili.

"Lumapit ka na dito Kid sa aking tabi at kasama ka na sa mga Official Guards ng Central City ngayong taon!" Sigaw ni Priest Xiao.

"Binabati ko kayong lahat!" Sigaw ni Priest Meng. Natuwa naman ang lahat ng mga bagong mga Official at Outer Guards at nagsigawan sa loob ng Beast Hall.

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon