Chapter 4

38.5K 1.5K 315
                                    

Alas singko ng hapon na ako natapos sa paglilinis ng kwarto ni Rocco. Hindi naman madumi ang banyo niya kaya madali lang akong natapos dun. Natagalan lang ako sa loob mismo ng kwarto dahil may mga nakakalat pa pala sa mga kasuluk-sulukan. Nang ma kontento na ako sa linis ng kwarto ay lumabas na ako.

Nagpupunas ako ng pawis habang pababa ng hagdan ng maabutan ko si Nielo at Rocco na naglalaro sa harap ng TV. Xbox ata tawag dun. Wala naman ganun samin sa probinsiya kaya napatulala ako sa nilalaro nila. Nahagip ako ng tingin ni Nielo at agad naman siyang ngumisi.

"Dwayney!!" Pasigaw niyang bati. Napalingon din si Rocco at tinaasan ako ng kilay. Umiwas ako ng tingin at lumapit sakanila.

"Ano iyang nilalaro niyo, Nielo?" Kuryuso kong tanong. Sumulyap siya sa TV at ngumiti.

"Ah, ito? Tekken. Marunong ka?" Tanong niya. Umiling lang ako at tipid na ngumiti. Hindi ko naman hilig ang mga ganiyan. Tanging nilalaro ko lang ay iyong manika na bigay ni Nanay.

"Eh, ikaw? Ba't pawis na pawis ka? Saan ka galing?" Sunod sunod niyang tanong. Napasulyap naman agad ako sa katabi niyang seryosong naglalaro. Tss. Ang sungit talaga.

"Naglinis ako ng kwarto ng kuya mo." Sabi ko. Umawang naman ang mga labi niya at sumulyap din sa kuya niya.

"Talaga? Pwedeng linisin mo rin kwarto ko?" Umaasang ani niya. Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita ng pabulyaw si Rocco.

"No! Hindi pwede." Mariing bulyaw niya at sandaling tumigil sa paglalaro. Kumunot naman ang noo ni Nielo at ngumuso.

"Bakit hindi? Nilinis niya nga iyong sayo." Naguguluhang tanong ni Nielo.

"Ah sige, Nielo. Bukas lilinisin ko ang kwarto mo." Ngumiti ako sa mabait na del Francia. Oo nga, bakit naman hindi? Nilinis ko nga ang kwarto ng kuya niyang suplado. Siya pa kaya na sobrang cute at sobrang bait?

Nakita kong tumalim ang tingin sakin ni Rocco. Na para bang may mali sa sinabi ko.

"Humanap ka ng ibang katulong. Marami pa akong ipagagawa diyan bukas at sa mga susunod na araw." Seryoso siyang nakatitig sakin habang sinasabi iyon kay Nielo. Tsk. May balak ba talaga siyang pahirapan ako?

"Sige. Pero kung wala ka ng iuutos sakaniya. Ako naman ah?" Inosente namang sagot ni Nielo. Hindi na siya sinagot pa ni Rocco at bumalik na ito sa paglalaro. Nagpaalam na din ako at tumungo sa Maid's quarter upang magbihis. Naabutan ko si Nanay na hinihilot ang sentido.

"Oh, anak. Saan ka nanggaling? Ba't ang dungis mo?" Gulat na tanong ni Nanay. Ngumiti ako ng pagod at umupo sa tabi niya.

"Pinaglinis po ako ng kwarto ni Rocco." Humikab ako at humiga. Kumunot naman ang noo ni Nanay at hinarap ako.

"Rocco? Iyong panganay?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ako at pumikit.

"Aba! 'Wag kang maglalapit lapit dun! Nakalimutan mo na ba ang ginawa sayo ng batang iyon?" Bakas sa mukha ni Nanay ang pangamba at pag-aalala.

"Nay, hindi po. Pero wala naman tayong magagawa kung uutusan niya ako. Amo natin siya." Inaantok ko ng sagot. Napabuntong hininga naman si Nanay.

"Basta pag may ginawa siyang masama sa'yo, isumbong mo sakin ah? Kahit na malaki ang sahod dito ay hindi ako mangingiming umalis dito pag inapi ka na naman niya." Mahabang litanya ni Nanay. Ngumiti lang ako ng tipid at niyakap siya sa beywang.

"Nay... Kaya ko po ang sarili ko. Tsaka mabait naman sakin iyong bunso. Si Nielo." Hinahaplos ni Nanay ang buhok ko na lalong dumagdag sa antok ko.

"Oh siya! Basta wag kang matatakot na magsumbong sakin ah." Tumango na lang ako at tuluyan ng hinila ng antok.

Nagdaan ang ilang linggo at nagsimula na ang pasukan. Naging magaan naman para sakin ang lahat at marami na rin akong naging bagong kaibigan sa bago kong paaralan. Ngunit napapawi ang saya ko sa tuwing uuwi na sa mansiyon. Talagang tinotoo ni Rocco ang sinabi niyang marami pa siyang iuutos sakin. Naglilinis ako ng kwarto niya kahit hindi naman na madumi. Tatlong beses ko iyong nililinis sa isang linggo. Kahit mga hindi ko naman trabaho ay pinapagawa niya sakin. Minsan pag may project siyang nangangailangan ng mga disenyo ay ako ang gumagawa dahil hindi raw siya marunong.

Nagalit nga siya sakin nung pinagawa niya sakin iyong portfolio niya sa Filipino. Masyado raw girly dahil pinuno ko ng pink butterflies na gawa sa construction paper. Pero hindi naman na niya pinagawa ulit at hinayaan na lang. Napangisi ako ng maalala iyon.

"Dwayney! Patulong naman nitong assignment ko." Bungad sakin ni Nielo na nakadapa sa carpet ng sala at nakasimangot na nakayuko sa notebook niya. Pareho kaming nasa Grade 3 kaya paniguradong alam ko iyang assignment niya. Lumapit naman ako sakaniya at inagaw ang notebook niya.

"Ah eto ba? Sus, ang dali nito eh." Sabi ko habang inaalisa ang mga tanong. Ngumisi naman si Nielo at nilapit pa ang mukha niya sakin.

"Matalino ka kasi kaya madali lang sayo." Bulong niya at humagikhik. Namula naman ako at umiwas dahil sobrang lapit ng mukha niya sakin.

"Matalino ka rin naman ah! Tamad ka lang talaga katulad ng kuya mo." Bulong ko rin baka marinig pa ako ng isang iyon. Tumawa naman siya at pumangalumbaba.

"Mas gwapo naman ako dun!" Mayabang niyang sagot at tinaas baba pa ang dalawang kilay. Napatawa na ako at ginulo ang buhok niya.

"Mas mabuti pa rin iyong gwapo na matalino pa." Sabi ko habang sinasagutan na ang mga tanong.

Nag-kulit pa si Nielo habang sinasagot ko ang assignment niya. Tumulong din naman siya kaso ang kulit niya kaya ako na lang ang sumagot at hinayaan siyang kulitin ako. Nabigla ako ng kilitiin niya ako kaya napa tili ako at napahiga sa carpet. Hinahampas ko siya pero mas malakas siya sakin kaya nadaganan niya ako. Hindi ko na napansin ang posisyon namin dahil tawa ako ng tawa dahil kung saan saan umaabot ang mga kamay niya upang mangiliti.

Pareho kaming napapitlag ni Nielo ng may malakas na kumalabog. Sabay kaming napalingon doon at nahintakutan ako ng makitang nakatayo sa unahan si Rocco at madilim ang mukhang nakatitig samin. Agad kong naitulak si Nielo at agad napatayo. Pinasadahan ko ang nagusot na uniform at nahihiyang nag iwas ng tingin.

"Hey, kuya! Kararating mo lang?" Bati ni Nielo na parang walang nangyari. Nilipat ni Rocco ang tingin kay Nielo at kumunot ang noo.

"What the hell are you doing?" Matigas na tanong niya kay Nielo. Sumulyap naman si Neilo sakin at ngumiti.

"We're just playing, kuya." Maligaya ang tono ni Nielo samantalang parang nagpupuyos na ang kuya niya.

"Go back to your room." Mando niya at hinagis ang bag sa malaking sofa.

"But we're still doing my assignment!" Protesta ni Nielo at umupo na ulit sa carpet. Nanatili akong nakatayo at nakatingin sakanila.

Bumaba ang tingin ni Rocco sa notebook ni Nielo at tumingin sakin.

"Do it yourself, Nielo. May ipapagawa pa ako kay Dwayne." Sabi niya ng hindi tinatanggal sakin ang tingin. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Na naman? Nag-aral pa siya kung ako lang naman pala ang gagawa ng mga aralin niya!

"Sige. Next time na lang, Dwayne." Bigong sabi ni Nielo at umakyat na sa itaas. Naiwan akong nakatingin sa papalayong si Nielo at nagulat ako ng lumapit sakin si Rocco.

"May gusto ka ba sa kapatid ko?" Diretsong tanong niya na ikinaluwa ng mga mata ko. Uminit ang pisngi ko at umiwas ng tingin.

"W–wala ah!"

Tinaasan niya lang ako ng kilay at matalim na tinitigan.

"Ito ang tatandaan mo. Hindi ka pwedeng magkagusto kay Nielo. O kahit sa sinong lalaki. Kuha mo ba?" Mababa ang boses niya kaya kinilabutan ako. Awang ang bibig ko siyang tinitigan.

"Anong pinagsasabi mo..." Halos bulong ko ng tanong sakaniya. Ngumisi siya pero iyong tipong delikado.

"Batas ko para sa'yo..." Bulong niya ring sagot.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon