Chapter 38

49.8K 1.2K 114
                                    

Tanaw ko ang mga ulap sa langit habang naka-higa sa bermuda grass ng parke dito sa exclusive village. Naka-patong ang ulo ko sa hita ni Rocco. Pinag-lalaruan niya ang mahaba-habang buhok ko.

"Hon..."

Lumipat ang tingin ko sa seryoso niyang mukha. Kumunot ang noo ko at nag-taas ng kilay sakaniya.

"Ano?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot at ngumiti lang. Tsk. Nagpa-pansin lang iyan. Hindi ko na lang siya pinag-tuonan ng pansin at binalik ang atensyon sa mga ulap sa langit. Ang ganda. Dapit hapon na pero nandito pa rin kami ni Rocco. Linggo ngayon. Galing kaming nag-simba at dito na dumiretso pagkatapos. Pina-una na namin si Mang Ado dahil malapit lang naman ang parke sa mansion. Lalakarin na lang namin.

Palagi namin itong ginagawa sa mga nakalipas na buwan. Minsan ay sa mall kami pumupunta pagkatapos. Pero mabilis akong napapagod. At wala rin akong binibili dahil sobrang ang mamahal at hindi ko naman na kakailanganin pa. Si Rocco lang itong pilit ng pilit na bumili ako. Kaya para matigil ay bumibili na lang ako ng kung ano.

Mas gusto ko dito sa parke. Tahimik lang at mapayapa. Naaalala ko din ang mga selebrasyon namin ng Valentines dito. Minsan nga nakakatulog ako sa sobrang tahimik ng lugar. Nagigising na lang ako at maabutan si Rocco na pinag-sasamantalahan ang leeg ko.

"Maga-outing ang barkada next weekend, Hon." Sabi ni Rocco habang kinukulot-kulot ang iilang hibla ng buhok ko.

"Oh? Saan?" Tanong ko. Bumuntong hininga siya.

"Sa Rest House nila Troy sa Batangas. May beach dun." Aniya. Tumango ako.

Summer na next week kaya bakasyon na namin. Hindi ako makapaniwalang mag gre-grade twelve na ako sa susunod na pasukan. Si Rocco naman magse-second year college na. Mabilis talagang lumipas ang panahon kapag masaya ka.

"Tapos?" Tanong ko ulit nang mapansin ang pananahimik niya. Tila may gustong sabihin.

"Ayokong sumama." Simangot niya at nag-iwas ng tingin. Nagulat ako sa sinabi niya kaya napa-bangon ako galing sa pagkakahiga.

"Ano? Bakit?" Nag-aalala kong tanong. Kumunot lang ang noo niya at pinag-bubunot ang maliliit na damo.

"Ayokong iwan ka dito." Mahinang sabi niya. Pumikit ako ng mariin at mas lumapit sakaniya.

"Ano ka ba! Okay lang. Dito lang naman ako." Sabi ko at hinaplos ang kamay niya. Mariin siyang umiling.

"Ayoko. Baka kung ano pang mangyari ulit sayo dito. Walang magba-bantay sayo." Matigas niyang sabi. Yumuko ako at huminga ng malalim. Ganiyan na siya simula nung nalasing ako. Bantay sarado na ako. Kung mahigpit na noon, mas humigpit pa siya ngayon. Halos hindi nga ako pina-palapit kay Nielo, eh.

"Hindi. Magbe-behave lang ako. Hindi ako gagawa ng ikagagalit mo. Atsaka, lagi naman tayong magte-text, eh." Mahinahon kong sabi. Hindi parin nagbago at matigas pa rin siyang umiling.

"No. Hindi ako sasama."

"Rocco... mga kaibigan mo iyon. Importanteng sumama ka. Bihira na lang kayong magkaroon ng time para mag-saya dahil lagi kayong abala sa school." Kumbinsi ko. Nag-iwas lang siya ng tingin.

"At ano? Ipagkakatiwala kita kay Nielo? I can't trust that kid anymore. Baka kung ano na namang mangyari. Baka mapalipad ko pa ang sasakyan ko pabalik dito." Umiling siya at pinag-patuloy ang ginagawa sa mga damo.

May sasakyan na kasi siya. Binilhan siya ng Daddy niya ng isang Honda Sedan. May lisensya na rin siya. Pero nagagamit niya lang iyon kapag walang klase. Si Mang Ado pa rin ang service niya. Kaya kung sasama siya sa Batangas, magagamit niya iyon.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon