Chapter 17

40.6K 1.3K 79
                                    

Kami ang magkasama buong araw ni Shai kinabukasan sa paaralan. Hindi nagpakita si Axel kaya tuwang-tuwa naman si Shai. Ewan ko ba kung bakit ayaw na ayaw niya dun sa tao. Sa 'twing nandiyan si Axel ay umiiwas siya kaya minsan hindi na talaga kami nagkakasama.

"Ang sarap sa feeling na wala ang asungot na 'yon!" Bulalas ni Shai nang mag-lunch kami. Ngayon lang kami ulit sabay na nag-lunch.

"Grabe ka naman." Tanging nasabi ko at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ako bumibili sa canteen. Nagbabaon ako para makatipid. Kahit kasi mura ang mga paninda dito ay mas gusto ko pa rin ang lutong bahay. Mas nabubusog ako.

"Siguro nambu-bully na naman 'yon." Hindi pa rin matigil si Shai sa kaka-salita.

"Tumigil ka nga, Shai. Wala na nga 'yong tao dito, ganyan ka pa." Napa-iling ako. Sumimangot naman siya sa akin at umirap.

"Siguro ikaw ang may gusto dun kaya pinaglalaban mo." Naniningkit ang mga matang sabi niya. Halos maibuga ko naman ang nginu-nguyang pagkain.

"Hindi kaya! 'Tsaka kaibigan ko rin 'yong tao. Kung ikaw pinag-uusapan ng iba, ipaglalaban din naman kita." Sabi ko. Lumambot naman ang mukha nito.

"Aww... Ang sweet mo, Dwayne. 'Tsaka ang ganda mo pa." Parang nata-touch na sabi niya. Pero agad ding sumimangot ulit.

"Ah, basta! Ayoko pa rin sa Axel na 'yon!" Aniya at sumubo. Napatawa na lang ako.

Subsob ako sa mga gawain sa paaralan buong araw. Habang nag-susulat ako ng notes ay naalala ko bigla si Rocco.

Kagabi, lumabas ako para uminom ng tubig sa kusina. Mag-aalas dose na rin non. Tahimik na ang buong mansion kaya nagulat ako ng may naririnig pa akong ingay galing sa likod ng mansion. Gising pa sila?

Pagkatapos kong uminom ay nagtungo ako sa malaking bintana na natatabunan ng makakapal na kurtina. Kita dito mula sa bintanang ito ang likod ng mansion. Malawak na bermuda grass lang ito na karugtong ng garden sa harap ng mansion.

Hinawi ko ang kurtina at sumilip sa labas. May monobloc chairs doon at lamesa. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may mga alak dun. Sumuway sila!

Nakatayo si Bruno habang nag-kwekwento ng kung ano. Tawa naman ng tawa ang mga lalaki. Parang lasing na sila kung gumalaw. Nahagip naman ng tingin ko ang tatlong babae na panay ang kuha ng larawan sa kanilang mga sarili. Iyong mataray na babae ay halos lumuwa na ang dibdib sa suot nitong seksing sando. Hindi naman ganiyan ang suot niya kanina.

Dumako ang tingin ko sa magkatabing sina Rocco at Megan. Dikit na dikit sila sa isa't isa. Nakapatong ang kanang kamay ni Megan sa dibdib ni Rocco at may ginu-guhit doon na kung ano. Kumirot ang dibdib ko sa tanawin. Mahal na mahal siguro nila ang isa't isa. Pinakilala na nga ni Rocco sa mga magulang niya eh. Ganun siguro ka-importante sakaniya si Megan.

Tumungga si Rocco sa lata ng beer. Namumula na ang mukha at leeg niya. Lasing na rin siguro siya. Sinong nagbigay sakanila ng inumin? O may dala na sila at tinago lang? Paano kung malaman na naman ng mga magulang niya ito? Matigas din ang ulo nitong lalaking 'to.

Nakita kong papalapit si Bruno sa pinto papasok sa mansion. Agad akong umatras at tumakbo patungong kusina. Pero naabutan niya pa rin ako.

"Hey, still awake?" Nagulat ito ng makita ako sa kusina. Namumungay na ang mga mata nito. Kinakabahan akong tumango.

"A-ah... Uminom lang ako ng tubig." Turo ko sa basong pinag-inuman ko. Tumango ito at tumitig sa akin.

"Are you really a boy?" Tanong nito at pumamulsa. Nabigla ako sa tanong niya.

"O-oo. Bakit?"

"You look like a girl. A very pretty girl." Ngumisi ito at umabante sa akin. Kinabahan na talaga ako kaya napaatras ako. Malaking tao itong si Bruno. Kasing katawan ni Rocco pero mas matangkad lang ang huli.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon