Chapter 70

70.8K 1.7K 915
                                    

You are now at the last chapter. Thank you for you have reached this far.

-

Nakatanaw ako sa malawak na kapatagan mula sa bintana ng simpleng bahay namin dito sa probinsya. Mapayapa at tahimik, tanging mga lagaslas ng mga dahon ng puno at mga huni ng ibon ang maririnig sa paligid. Napapikit ako ng tumama ang malamyos na hangin sa mukha ko at dinama ang natural na amoy ng bukid.

Isang linggo na ang nakalipas simula nang umuwi ako dito sa Cagayan. At isang linggo na rin akong nagda-dalamhati sa nangyari sa amin ni Rocco. At halos araw-araw akong umiiyak sa tuwing naiisip ko siya. Ang mga alaala namin. Nami-miss ko na rin siya at labis akong nangungulila sa presensya niya.

Humilig ako sa gilid ng kahoy na bintana at agad nag-lakbay ang isip ko sa sumunod na nangyari ng araw na iyon.

Iyak ako ng iyak habang nagmamaneho palabas ng syudad ng Maynila. Humahapdi na ang gilid ng aking mga mata sa kakapunas ko dahil natatakot akong ma-aksidente dahil sa pan-lalabo ng aking mga mata. Ilang beses rin akong muntik na maka-bangga at mabangga ngunit salamat sa Diyos ay ligtas naman akong naka-labas ng syudad.

Tanging ang bag ko lamang ang aking dala dahil naiwan at nasira ang maleta ko. Hindi ko na rin alam kung maayos bang naisarado ang bahay ko dahil sa huling pagkakaalala ko ay pareho naming iniwang naka-bukas iyon ni Rocco. Nandun ang lahat ng gamit ko maliban sa mga personal na bagay na nasa loob ng bag ko.

Walang hinto kong binyahe ang probinsya kahit na sobrang naninikip ang dibdib ko. Hindi rin ako nakaramdam ng gutom at tanging iyak lamang ang nagawa ko sa loob ng ilang oras na byahe. Nang nakarating ng probinsya ay parang nabawasan ang sakit na nararamdaman ko sa isiping makikita ko si Nanay.

Ang kalinga at bisig ng isang Ina ang nakapag-palubag ng loob ko. Hindi ko lubos maisip na kahit noon, noong nag-hiwalay kami ni Rocco, si Nanay ang naging takbuhan at sandalan ko. At hanggang ngayon, siya pa rin ang tinatakbuhan ko. Para akong isang bata na nadapa at umiiyak na umuwi sa bahay upang mag-sumbong at ipahalik sa Nanay ko ang aking sugat. Iba lang talaga ang nagagawa ng yakap ng isang Ina sa isang anak na katulad ko.

Nahintakutan si Nanay nang pinag-buksan niya ako ng pinto at nakita ang hilam sa luha kong mukha. Namumugto rin ang mga mata ko at sobrang dungis kong tingnan dahil ang ginawa kong pampunas ng luha ko ay ang aking suot na T-shirt.

Agad akong yumakap kay Nanay at humagulhol habang naka-subsob ang mukha ko sa dibdib niya. At sa panahong iyon, parang ako iyong batang Dwayne na itinapon palabas ni Rocco sa mansion nila nung nahuli niya akong naka-silip mula sa garden. Hindi nakapag-salita si Nanay. Niyakap niya lang ako at hinaplos-haplos ang ulo ko.

Ilang oras pa akong umiyak habang naka-yakap kay Nanay. Hindi siya nangiming mag-tanong sa problema ko. At pakiramdam ko ay hinihintay niya lang akong kumalma at mag-kwento sakaniya.

Nang kumalma na ako ay humarap ako sakaniya at nahihiyang yumuko. Nang nag-angat ako ng tingin ay halos mapaiyak na naman ako ng makita ang ekspresyon ng mukha ni Nanay. Ang ekspresyon ng mukha niya ay katulad noong araw ng byahe namin pauwing probinsya nang kami ay pinalayas sa mansion.

At para bang alam niya na ang iniiyakan ko dahil ganito rin ang pag-iyak ko noon. At hindi ko makakalimutan ang sinabi niya. Na nanggaling ako sakaniya at alam niya ang nararamdaman at tumatakbo sa utak ko. And that time, I couldn't love her more. Hindi ko yata kakayanin kung mawawala si Nanay sa buhay ko. Iyong lumaking walang Ama, kinasanayan ko na rin iyon. Pero ang isiping wala si Nanay? Parang ayoko na ring mabuhay.

Kahit nahihiya ay lakas loob kong kinwento sakaniya ang nangyari. At habang nagkwe-kwento ako ay hindi ako nakakita ng pagka-disgusto at pang-huhusga sa mga mata niya. Tanging awa, simpatya at pagmamahal lamang ang nakita ko.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon