Chapter 21

44.5K 1.3K 98
                                    

Buong byahe pauwi ng mansion ay hindi ko sinulyapan si Rocco. Ayoko. Natatakot akong tingnan ang galit niyang mukha. Palagi na lang kasi siyang galit. Konti na lang iisipin kong baka meron siya.

Natawa ako sa iniisip. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na napa-sulyap siya sakin. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang ngiti.

"Why are you laughing?" Baritono ang boses niyang tanong. Medyo napapaos din iyon kaya kinikilabutan ako. Ang gaspang ng boses niya.

Tiningnan ko siya at nakitang busangot na ang mukha. Ewan ko ba pero gusto ko na talagang matawa. Ang cute niya tingnan pag ganiyan.

"W-wala..." umiwas ako ng tingin at umayos ng upo.

"Are you thinking of that guy?" Diretsong tanong niya. Agad namilog ang mga mata ko at umiling. Ano bang pinag-iisip nitong lalaking 'to?

"H-hindi!"

"Eh, bakit ka tumatawa?" Naiinis niya nang tanong. Kumawala ang isang halakhak sa bibig ko kaya tinakpan ko na iyon gamit ang aking kamay.

Sumulyap ako sakaniya at nakitang halos magka-dugtong na ang kilay niya. Sungit nito.

"Pinag-tatawanan mo ba ako?" Nanliliit ang mga mata niya. Napa-singhap ako sa tanawin. Ang gwapo. Pinigilan ko ulit ang pagtawa.

"Humanda ka sa'kin mamaya..." bulong niya pero narinig ko pa rin.

Nawala ang sayang nararamdaman ko at napalitan ng kaba. Ayan! Ipinahamak ko na naman ang sarili ko.

Pumarada ang sasakyan sa garahe. Sabay kaming bumaba ni Rocco. Agad akong naglakad patungong bukana. Naka-sunod si Rocco at naririnig ko ang tunog ng sapatos niyang tumatama sa semento.

"Pagkatapos mong mag-bihis, punta ka ng kwarto. Hihintayin kita. 'Wag kang magtatagal." Natigil ako sa paglalakad ng magsalita siya. Nilingon ko siya at nakitang seryoso lang siyang nakatingin din sakin. Kahit nag-aalinlangan ay tumango ako. Nilagpasan niya na ako at umakyat na sa engrandeng hagdanan.

Napabuntong-hininga na lang ako at nagtungo na sa kwarto namin ni Nanay. Nadaanan ko ang abalang kusina. Nag-uusap si Nanay at Nanay Mercy ng lumapit ako sakanila. Nag-mano ako.

"Narinig kong nag-away sina Rocco at Nielo noong isang araw, Dwayne." Sabi ni Nanay Mercy. Kumabog bigla ang puso ko.

"P-po?"

"Ikaw ba ang dahilan?" Tanong naman ni Nanay. Yumuko ako at nag-iwas ng tingin.

"Sabi ko naman sa'yong iwasan mo iyang si Rocco." Matigas na sabi ni Nanay. Pinisil ko ang aking mga daliri dahil sa kaba.

"Delya, hindi niya maiiwasan si Rocco. Amo niya iyon." Mahinahong turan ni Nanay Mercy.

"Ayoko lang kasing may masabi ang mag-asawang del Francia tungkol samin, Nay. Kung ganitong palaging sangkot si Dwayne sa gulo nilang mag-kapatid." Suminghap si Nanay.

"Hayaan mo na. Likas na mainitin lang talaga ang ulo niyang panganay nina Remilyn. Kaya kahit walang kinalaman si Dwayne, nadadamay pa rin siya..." si Nanay Mercy at nagpatuloy sa ginagawa.

Nagpaalam na ako at tumungo na ng kwarto. Kahit kinakabahan ay mabilis pa rin akong nagbihis. Hindi ko alam kung anong pina-plano nitong si Rocco. Eh, diba hindi na ako ang pinag-lilinis niya ng kwarto niya? Eh anong gagawin ko dun bukod sa paglilinis?

Mahigpit akong nakahawak sa barandilya ng engrandeng hagdanan habang umaakyat. Habang papalapit kasi ako ay mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko maintindihan dahil sa loob ng ilang taon ay palagi naman akong pumupunta sa kwarto niya. Ewan ko ba ngayon kung bakit ako nagkaka-ganito. Para kasing simula noong hinalikan niya ako, parang takot na akong pumunta sa kwarto niya.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon