Chapter 31

46.8K 1.1K 135
                                    

Malakas na kumakabog ang puso ko habang nakatanaw sa gusaling ilang metro na lang ang layo. Ang gusali nang bagong paaralan ko. Kung saan maninibago na naman ako. Bagong lugar, bagong mukha at mga guro at mga kaklase.

Naramdaman ko ang pag-higpit ng hawak ni Rocco sa kamay ko. Nilingon ko siya at nakitang mataman siyang naka-titig sa'kin. Ngumiti ako.

Tumingin ulit ako sa labas. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng gate ng paaralan. Ang mga nag-papasukang mga estudyante ay abala. Ang iba naman ay tila magka-kilala na dahil nag-babatian at nag-tatawanan na kahit unang araw pa lamang ng pasukan. Siguro ay galing sa iisang paaralan.

"Nandito na tayo, Dwayne." Ani Mang Ado. Tumingin ako sakaniya at tumango. Bumaling ako kay Rocco sabay nang mas lalong pag-higpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Papasok na 'ko..." ngumiti ako sakaniya. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin. Nagpakawala siya ng buntong hininga at binitawan ang kamay ko.

"Take care, please." Aniya. Tumango ako. Kahapon pa siya ganito. Parang ayaw yatang papasukin ako. Nag-aalala daw kasi siya sa'kin kasi baka walang kumaibigan sa'kin at baka ma out of place daw ako. Tinawanan ko lang siya nun at sinabing ganun talaga kasi unang araw pa lang naman. Pero hindi siya napanatag at maktol pa rin ng maktol.

Yumukod siya palapit sa'kin at pinatakan ako ng halik sa noo. Hindi na ako nag-alinlangan pang sumulyap kay Mang Ado. Sanay na ako. Simula nang maging kami ni Rocco ay ginagawa niya na ito kahit nandiyan si Mang Ado. Hindi naman nanonood si Mang Ado pero alam kong alam niya ang ginagawa ni Rocco sa'kin. Palagi niya naman akong sinasabihang ayos lang.

Hinaplos ko ang panga niya at ginawaran din siya ng mabilis na halik sa labi. Ngumiti ako.

"Huwag ka nang mag-alala. Dapat nga hindi mo na ako hinatid kasi alam kong magiging busy ka ngayon." Sabi ko. First year college na ngayon si Rocco. At masasabi kong marami na ang nag-bago sakaniya. Mapa-pisikal na anyo man o kilos. Mas abala na rin siya sa pag-aaral niya kumpara dati.

Hindi naman na siya sumagot. Lumabas siya sa kabilang pintuan, dala ang bag ko. Lumabas din ako at hinintay siyang maka-ikot patungo sa'kin. Hinila niya ang kamay ko patungo sa gate ng school. May iilang tumingin sakaniya at nanlaki ang mga mata. Paniguradong kilala siya. Hindi na ako nagulat pa kasi sanay na ako.

Nang nakarating na sa gate ay inilahad niya na sa'kin ang kulay peach kong bag. Pinasadahan niya ng kamay ang humahaba niyang buhok.

"I won't be able to fetch you later but Mang Ado will. May meeting pa kami nila Ross. Uwi agad, okay?" Aniya. Bahagya akong nang-hinayang pero agad kong iwinaglit. Naiintindihan kong abala na siya ngayon. Hindi rin naman ito ang unang beses na hindi niya ako masusundo.

"Okay." Ngumiti ako. Tumango siya at pumamulsa.

Nag-simula na akong mag-lakad. Nilingon ko siya at nakitang pinapanood niya pa rin ako. Binalewala ko na lang at tuluyan nang pumasok.

Mabilis na lumipas ang dalawang taon at Senior High School na ako ngayon. Hindi ko man lang namalayan ang panahon na lumipas nang ganoon ka-bilis. Tumangkad na rin ako ng dalawang pulgada pero hanggang baba pa rin ako ni Rocco. Mas lalo din kasi siyang tuma-tangkad.

Naging magaan at masaya naman ang relasyon namin ni Rocco sa loob ng dalawang taon. At gaya ng napag-kasunduan namin, wala pa ring nakakaalam ng relasyon namin bukod kay Mang Ado at Nielo. Sinabi ko rin sakaniyang ipagpaliban muna ang plano niyang ipakilala ako sa mga kaibigan niya. Pero may duda akong sinabi niya pa rin sa mga kaibigan niyang lalaki. Wala namang sumugod sa'king babaeng na-link sakaniya kaya hula ko'y wala siyang babaeng sinabihan.

Naging close na rin sila ni Nanay matapos niyang kumbinsihin ito na isabay na ako lagi sa sasakyan. Tumanggi si Nanay pero ginamitan ni Rocco nang 'charm' niya daw kaya napapayag. Palagi niyang binibilhan si Nanay nang mga kakanin. Pati sina Nanay Mercy. Hindi na rin siya nag-sungit pa sa ibang katulong. Napa-ngiti ako habang binabalikan ang mga iyon. Sinong mag-aakalang babait at titino ang lokong 'yon?

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon