Chapter 63

52K 1.4K 352
                                    

Alas singko pa lang ng umaga ay nag-hahanda na ako. Napag-alaman ko kahapon na sa Tagaytay magaganap ang binyag at ang kainan ay sa isang private resort. Narinig ko lamang iyon kay Rocco ng may katawagan siya habang nanananghalian kami kahapon. At sabi niya ay pareho daw kaming Ninang at Ninong ni Baby Amythest- ang anak ni Ross at Nica. And it really excites me to hell dahil makikita kong muli ang mga kaibigan ni Rocco at ang mga ka-sintahan ng mga ito.

Napa-tingin ako sa wall clock ko at nakitang maga-alas sais pa lamang. Mamayang alas nuebe pa ako susunduin ni Rocco. Nagtaka nga ako dahil ni hindi man lang siya nag-tanong kung nasaan ang bahay ko. Siguro ay nag-tanong na siya kay Mang Ado?

Dahil matagal pa naman bago siya dumating ay nag-handa na lamang ako ng mga pagkaing babaunin namin sa byahe. Gumawa ako ng limang club sandwiches. Bolognese at Carbonara. Na-isip ko tuloy kung matutuwa ba si Rocco kapag nakita niyang ipinag-luto ko siya ng mga paborito niya.

Ipinasok ko sa microwavable tupper ware ang mga iniluto ko. Nag-linis na rin ako ng kusina at hinugasan ang mga pinag-lutoan ko. Nang napa-tingin ako sa orasan ng kusina ay nakita kong alas otso y media na. Agad akong napa-takbo pabalik ng kwarto ko at humarap sa aking vanity mirror. Gosh! Ang haggard ko na.

Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at itinali iyon sa isang messy bun. Hinubad ko ang malaking t-shirt na souvenir ng isang sikat na isla at isinuot ang aking off-shoulder dress na kulay pink. Isinuot ko rin ang aking kulay puting stilletos. Nag-baon naman ako ng sandals para mai-suot ko sa dagat. Nang natapos sa aking suot ay inabala ko naman ang aking mukha.

Nag-kilay na ako kanina at nag-apply na rin ako ng mascara. Nilagyan ko na lang ng cream ang aking mukha pagkatapos ay konting pulbo. Nag-apply ako ng nude matté lipstick at tiningnan ang aking repleksyon. Napa-ngiti ako nang ma-kuntento sa aking ayos. Inabot ko ang aking pabangong Chanel number five at nag-lagay sa leeg ko at batok. Napa-pikit ako sa malamyos na amoy nito.

Limang minuto bago mag-alas nuebe ay nakarinig na ako ng busina sa labas ng bahay. Nanlaki ang mga mata ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto bitbit ang bag ko. Nag-tungo muna ako ng kusina upang kunin ang mga niluto ko na nakalagay sa isang paperbag.

Sinigurado ko munang naka-lock ang lahat ng bintana ng aking bahay bago tuluyang lumabas ng bahay. Kita ko agad ang mamahaling sasakyan ni Rocco sa labas. Naka-sandal siya sa hood nito at naka-titig sa bahay ko. Tila sinusuri ang bawat detalye nito. Nahiya tuloy ako. Kung ikukumpara kasi ang bahay ko sa bahay niya ay sobrang layo talaga. Pero kung papipiliin naman ako, mas gusto ko pa rin ang simpleng bahay ko.

Pagkalabas ko ng gate ay agad ko iyong ikinandado. Pagkatapos ay naglakad na ako patungo kay Rocco. Kumalabog ang puso ko nang maabutan siyang titig na titig sa katawan ko. Alam kong medyo hapit sa akin ang dress at bakat ang bawat kurba ng aking katawan. Sanay naman na akong may tumititig sa akin pero iba talaga kapag siya na. Parang nanunuot sa kailalim-laliman ng mga kalamnan ko ang pamatay niyang mga titig.

"Good morning." Bati ko. Nag-taas siya ng tingin sakin pagkatapos ay umayos ng tayo. Naka-white long sleeves na itinupi hanggang siko at black jeans siya. Suot niya naman ngayon ang ibang pares ng top sider. Lalaking-lalaki siya tingnan sa ayos niya. Nakaka-intimidate pero nakaka-mangha pa rin. Tumango siya at pinag-buksan ako ng pinto. Ngumiti ako at pumasok ng sasakyan.

Nang nakapasok ay inilagay ko sa kandungan ko ang paperbag na may lamang pagkain at ang bag ko. Nang nakapasok na rin si Rocco ay tumingin siya sa paperbag na nasa kandungan ko at nag-taas ng kilay.

"Uhm, nag-luto ako ng mga pagkain para sa byahe." Sabi ko at tipid na ngumiti. Tumango lang ulit siya at pinaandar na ang sasakyan.

Napa-titig ako sa braso niyang halos pumutok na ang suot niyang long-sleeves sa sobrang laki ng mga ito. Sa bawat galaw at pagma-maniubra niya ng steering wheel ay umiigting ang kaniyang mga muscles sa braso. Parang nanuyo ang lalamunan ko sa tanawin. Agad kong iniiwas ang aking tingin at pinanood na lamang ang mga nadadaanan namin sa labas ng bintana.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon