Chapter 18

43.7K 1.4K 249
                                    

Tahimik ang byahe pa-uwing mansion. Minsan naman ay nagsasalita si Nielo. Laging tanong niya ay tungkol kay Axel. Kung minsan ba ako nitong na-bully at kung ano pa. Tipid ko lamang siyang sinasagot dahil hindi ako komportable sa loob ng sasakyan. Hindi ako komportable na nasa kabilang dulo lang si Rocco. Para akong nauubusan ng hangin.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking gate. Dahan dahan naman itong bumukas. Automatic ang gate at nase-censor nito ang plaka ng mga sasakyang pagmamay-ari ng mga del Francia. Kung hindi nito makilala ang plaka ay kailangan pa nitong pagbuksan ng gwardya.

Nang tuluyan nang nakapasok ang sasakyan ay huminto ito sa malawak na garahe. Una akong lumabas at sumunod naman si Nielo. Narinig ko ang lagapak ng pinto sa kabila. Lumabas na rin si Rocco.

Sabay kami ni Nielo na naglakad patungo sa tanggapan ng mansion pero hindi pa man ako nakakarating ay may humaklit na ng braso ko. Sa sobrang lakas ng pagkaka-haklit ay hindi ko na nalingon kung sino ito.

"T-teka!" Nagulat ako ng makitang ang namumulang si Rocco ang humaklit sa akin. Hindi niya ako nilingon. Malakas niya akong hinila papasok ng mansion. Nilingon ko si Nielo na gulantang sa nakita.

"Kuya!" Ang tanging nasabi ni Nielo. Sa kaba ko ay hindi na ako naka-alma.

Hinigit ako paakyat ni Rocco sa engrandeng hagdanan. Sinubukan kong bawiin ang aking braso pero mas humigpit lang ang hawak ni Rocco dito.

Nang nakaakyat na ay hinila niya ako patungo sa pinto ng kwarto niya. Nataranta na ako.

"T-teka lang, R-rocco! Ano ba..." Binawi ko ang kamay ko. Nabitawan niya ito kaya galit niya akong nilingon.

Hinaklit niya uli ako at marahas na binuksan ang pinto ng kwarto niya. Lumagapak sa dingding ang pinto kaya napapikit ako. Tinulak niya ako papasok at bahagya akong nadapa sa kama niya. Namumutla ko siyang tiningala.

Ang nakikita kong galit sa mukha niya ay hindi ko maintindihan. Galit na galit na para bang papatay na siya ng tao. Ang lakas na ng pintig ng puso ko. Diyos ko, kung ano man ang magawa sa akin ni Rocco ay sana'y gabayan ninyo ako. Hindi ko alam kung bakit siya nagkaka-ganito.

Inis niyang sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri at humarap sa akin. Mariin niya akong tinitigan at pumameywang sa harap ko. Ka-lebel ng aking mukha ang kaniyang ibabang katawan.

"Ano 'yong narinig ko? Tinuturuan mo ang lalaking 'yon?!" Bulyaw niya. Parang nag-vibrate ang puso ko sa lakas ng boses niya. Napakapit ako sa makapal na comforter ng kama niya.

"Really, Dwayne? Ang tarantadong 'yon?" Hindi makapaniwala niya akong tinignan. Napayuko ako. Ito ba? Ito ba ang ikina-gagalit niya? Pero... anong pakialam niya dun?

"Tinutulungan ko lang naman." Kahit labis na kinakabahan ay napanatili ko ang kalmadong boses.

"Putang ina! 'Wag mong idadahilan 'yan!" Malakas siyang nagmura. Parang gusto ko ng maiyak. Nagmumura na kasi siya.

"T-totoo! Ano bang masama dun?" Pilit kong pinatapang ang boses ko. Mas lalong tumigas ang mukha niya at humakbang ng isa palapit sa akin. Ang mga paa kong nakapahinga sa sahig ay naitaas ko sa kama. Umatras ako sa takot.

"You dare fucking ask me that stupid question? You're working for us! Kami ang amo mo. You should only give your services to us and not to that fucking dipshit asshole!" Tinuro niya ang labas ng bintana na para bang nandun si Axel. Nakita kong kumuyom ang kamao niya.

"Ano? Hindi ka makasagot? Come on! Bigyan mo 'ko ng valid reason. Magdahilan ka pa!" Hamon niya at umabante ulit. Napaatras na naman ako. Nasa kama na ang buo kong katawan.

Isang iglap ay naalala ko ang pagtrato niya sa akin sa mga lumipas na araw. Ang mga ginawa niya na hindi ko naman pinakialaman. Oo, hindi ako kelan man nakialam sakaniya kasi iyon nga ang ayaw na ayaw niya. Pero bakit sa akin, nakikialam siya? Matapang ko siyang tiningala.

"Ano bang pakialam mo?"

Umigting ang panga niya at kumunot ang noo. "Anong sabi mo?"

"Sabi ko, ano bang pakialam mo? Oo! Amo kita! Amo ko kayo! Pero may sarili rin akong buhay! May sarili akong desisyon. Sa labas ng mansiong ito, malaya din akong gawin ang gusto kong gawin. Atsaka, ano bang masama dun sa pagtulong ko kay Axel? Masama na ba ngayong tumulong, ganun ba?" Tumaas ang boses ko. Galit akong hinila patayo ni Rocco. Inilapit niya ako sakaniya.

"Axel? Is that the name of that guy? Bakit mo siya tinutulungan? Sine-sweldohan ka ba niya?" Mahina ang boses niya pero sobrang diin. Inilag ko ang mukha ko sa sobrang lapit ng mukha niya. Tinulak ko siya at nag-tagumpay naman ako.

"Hindi! Pero mabait siya sa akin! At kaibigan ko siya. Ngayon, kwe-kwestyunin mo pa rin ba 'yon?" Tanong ko at naghabol ng hininga.

"Kaibigan? Talaga? O baka naman gusto mo ang tarantandong 'yon?" Puno ng malisya ang tono ng boses niya. Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"A-ano? Ano bang sinasabi mo, Rocco?" Pumiyok na ang boses ko. Galit niya akong tinitigan.

"Baka nakakalimutan mo ang batas ko para sayo, Dwayne?" Naningkit ang mga mata niya akong tiningnan. Sa sinabi niya ay parang isang panaginip kong naalala ang nakaraan.

Sinabi niya noon na bawal akong magka-gusto sa kapatid niya o sa kahit sinong lalaki. Tila may isang punyal na sinaksak sa puso ko ng lubos ko na itong naintindihan. Ang sama niya. Galit ko siyang tiningnan.

"Bakit? Dahil ba bakla ako? Iyan ba? Bakit anong masama sa pagiging bakla? Hindi na ba ako pwedeng magka-gusto? Hindi na ba ako pwedeng magmahal?" Pumiyok ang boses ko sa huli at tumulo ang luha ko sa magkabilang mata.

Umatras ako at nanghihinang napa-upo na lang sa kama niya. Tinakpan ko ang mukha ko at mahinang humikbi. Ang sama niya. Kahit noon pa man. Ayaw niya sa bakla. Akala ko nagbago na siya. Na natutunan niya na akong tanggapin at ituring na kaibigan man lang. Pero hindi pala. Siya pa rin iyong masamang bata noon. Ang sama ng ugali.

"B-bakit ka ba nakikialam? Sayo nga hindi naman kita pinakiki-alaman, ah?" Humihikbing sabi ko. Hindi ko siya tinitingnan. Nakayuko lang ako.

Katahimikan. Hindi siya nagsalita. Tanging hikbi ko at malalalim niya lang na paghinga ang naririnig ko. Nakita ko ang sapatos niyang humakbang palapit sa akin. Nagulat ako ng bigla niyang inangat ang mukha ko. Kinulong niya sa dalawa niyang palad ang mukha ko. Pilit kong inilag ang mukha ko pero pinirmis niya ito.

"Look at me." Matigas niyang utos. Kahit ayaw ko ay tiningnan ko na lang siya. Nakita kong mapungay na ang mga mata niya. Pero halatang galit pa rin. Suminghot ako at kinamot ang ilong. Napatingin naman siya dun at kumibot ang labi niya.

"Listen to me, you cute little thing..." marahang sabi niya. Sa kabila ng iyak ay uminit pa rin ang mukha ko.

Hindi ko na rin alam ang dahilan ng bilis ng pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung kinakabahan pa ba ako o iba na 'to.

"Kung ikaw, hindi ka nakikialam sa'kin. Pwes, ibahin mo ako, Dwayne." Mariin niyang sabi at pinakatitigan na ako sa mga mata. Hindi ko magawang umiwas dahil para na akong nalulunod sa mapupungay niyang mga mata.

"Dahil makikialam at makikialam talaga ako sa'yo." Sabi niya at walang pasabing hinalikan ako sa noo.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon