Chapter 32

40.5K 1K 164
                                    

Nang nag-lunch break ay sinamahan ako ni Apple. Napag-alaman kong ang totoo niyang pangalan ay Apolinario Sandova nang nasulyapan ko ang I.D niya. Binantaan niya nga agad akong huwag siyang tatawagin sa buo niyang pangalan kung hindi ay mag-papatayan kami. Natawa ako sa ka-bibohan niya.

Ang ingay niya habang kumakain kami sa Cafeteria. Marami din siyang kakilala at kada may dadaan ay binabati niya. Pinapakilala niya rin ako sa mga ito at tanging 'Hi' na lang ang nasasabi ko. Nahihiya ako't parang may mga kaya sa buhay ang mga estudyante dito.

Ayoko sanang dito mag-aral pero idiniin ni Rocco na dapat sa magandang paaralan ako mag-aral. Aniya'y huwag daw akong mag-alala dahil tutulong siya kung sakaling gipitin kami ni Nanay sa tuition fee. Tutol ako dun, pero sa huli ay siya na naman ang nanalo sa argumento namin.

Hindi ako bumili nang pagkain sa Cafeteria dahil may baon ako. Mas makaka-tipid at mas mabubusog pa ako dahil lutong bahay ito. Nag-order nang pasta si Apple at ang paraan nang pagkain niya dito ay sobrang maarte. Napa-ngiti ako.

"Alam mo, walang halong echos, ganda mo talaga." Aniya habang titig na titig sa'kin habang ngumunguya. Uminit ang pisngi ko sa ilang at tipid na ngumiti.

"Binobola mo lang naman yata ako." Sabi ko at pinunasan ang bibig. Umiling siya.

"Sabagay, half ka eh. Nakaka-inggit." Sabi niya at bumaba ang tingin sa katawan ko.

"Atsaka, napaka petite mo. Nagmumukha kang tomboy. Konti na lang ang babaguhin sa'yo kung sakali." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. Umayos siya ng upo at seryoso akong tiningnan.

"I mean, kung magte-take ka ng pills, mas gaganda ka at magkakaroon din ng curve iyang body mo." Sabi niya at tila sinusuri ang katawan ko.

"Para saan ba iyang pills? Hindi ba't para iyon sa mga babae para hindi sila ma-buntis?" Kuryoso kong tanong. Tumango siya.

"Yes, dear. Pero iba ang epekto nun sa'tin. Ang hormones natin na pang-lalaki ay mapapalitan ng hormones ng babae like estrogen and many more keme keme." Paliwanag niya na may pitik-pitik pa ng mga kamay. Tumango ako. Ganun ba iyon?

"At! Magkaka-dede ka pa." Dagdag niya at malakas na tumawa. Namilog ang mga  mata ko. T-totoo?!

"Hindi ba iyan delikado?" Tanong ko. Tumaas ang kilay niya at nagkibit balikat.

"Well, may side effects pero keri na 'yon. Hindi ka naman lalaklak nang marami! Konti na lang ang lulutuin sa'yo." Sabi niya at ngumisi.

"Nagte-take ka rin ba?" Tumingin ako sa katawan niya pabalik ulit sa mukha niya.

"Yes. Pero kaka-simula ko lang last month." Uminom siya ng tubig at nag-punas ng bibig.

"Pero kahit huwag ka nang mag-take, okay lang. Ganda mo na eh." Puri niya. Ngumiti ako at isinantabi na lang ang mga tanong sa utak ko.

Pagkatapos nang lunch break ay pumanhik na kami sa susunod na klase namin ni Apple. Pareho kami ng strand na kinuha. Tumabi na siya sa'kin nang upo ngayon. Natutuwa naman ako at parang mayroon na agad akong kaibigan unang araw pa lamang nang pasukan. Excited tuloy akong i-kwento mamaya kay Rocco.

Ilang minuto ang nag-daan at walang guro ang pumasok sa klase namin. Ang iba'y nagrereklamo habang ang iba'y tila natutuwa pa at nagsisimula nang mag-ingay.

"Kaloka!" Rinig kong sabi ni Apple. Hindi ko na siya pinansin at dinukot ko na lang ang cellphone ko sa bulsa ko at tiningan kung may text ba si Rocco. May isa, at kaninang alas onse pa iyon.

From: Rocco D.F ❤

Don't skip your lunch, hon. 7pm pa ako makakauwi mamaya. 

Magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman ko sa nabasa. Hindi na bago sakin ang ganitong mga text niya pero lagi pa rin akong napapangiti. Sayang nga lang at medyo matagal siyang makakauwi mamaya.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon