Chapter 68

65.9K 1.4K 419
                                    

Pagkatapos naming mag-usap ay binuhat ako ni Rocco papasok ng bahay. Naka-palibot ang dalawang paa ko sa beywang niya at nakakapit naman ako ng mahigpit sa leeg niya. Sobra akong napagod sa lahat ng nangyari ngayong araw. Hindi ko akalaing aabot kami sa ganito. Parang kanina lang ay nagsisigawan kami at sobra-sobra ang galit ko, ngayon naman ay kung maka-kapit kami sa isa't isa ay parang wala nang bukas.

Nakapahinga lang ang ulo ko sa kaliwang balikat niya habang nag-lalakad siya papasok sa loob ng bahay. Unti-unti na akong hinihila ng antok at bumibigat na ang talukap ng aking mga mata. Nakita kong pumasok na kami sa loob ng aking kwarto at agad sumabog ang amoy ko.

Iisa lamang ang kwarto sa bahay ko at hindi nakapag-tatakang nag-conclude agad siya na ito ang kwarto ko. Naramdaman kong yumukod siya upang ilapag ako sa kama. Nang na-ilapag niya na ako ay tiningala ko siya at nakita ang pagod niyang mukha.

Pinanood ko siyang umayos ng tayo at namilog ang mga mata ko nang bigla siyang mag-hubad sa harap ko. Hinubad niya ang suot niyang coat at basta na lamang iyon itinapon sa kama ko. Pagkatapos ay sinunod niya ang long sleeves polo niya.

"W-what are you d-doing?" Kinakabahang tanong ko. Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy sa pag-huhubad.

Isa-isa niyang binaklas ang mga butones ng polo niya habang naniningkit ang mga matang naka-tingin sa akin. Napalunok ako at bahagyang napaatras. A-anong ginagawa niya? May balak ba siya? Agad-agad? Jusko po. Nang nahubad niya na ang kaniyang polo ay tumambad sakin ang katawan niyang namumutok sa muscles. Nag-flex ang mga braso niya at nagsi-galawan ang kaniyang ma-umbok na dibdib. Napa-titig ako sa malaking tattoo na halos sakop ang buong dibdib niya.

Tumalikod siya sa akin at tinungo ang upuan ng vanity mirror ko. Pinaharap niya iyon sakin at swabeng umupo doon. Pagkatapos ay hinubad niya ang kaniyang black shoes. Nakagat ko ang aking ibabang labi habang pinagmamasdan siya.

Bumaba ang tingin ko sa pribadong parte ko at biglang kumabog ang dibdib ko. Gagalawin niya ba ako? Oh my god. Kakayanin ko ba? I mean, yeah, I had my sex changed last year. At sabi ng doktor ko rito sa Pilipinas, nung huli kong check up, ay magaling naman na daw ang sugat ko sa ibaba. Pero.. ugh! Kinakabahan ako!

Nag-angat ako ng tingin at pinanood muli si Rocco. Nahubad niya na ang sapatos niya at tumayo naman siya ngayon para hubarin ang black jeans niya.

"Rocco.." anas ko. Hindi ko alam kung protesta ba iyon o ungol. I'm so damn nervous!

Nang nahubad niya na ang jeans niya ay tumambad sa akin ang malalaki niyang hita at mabalbon na binti. Lalaking-lalaki siya tingnan habang tanging boxers niya na lamang ang natitira niyang saplot. Naka-titig lamang ako sa katawan niya ng bigla siyang naglakad palapit sakin. Agad akong napa-pitlag.

"Let's sleep, Hon.." pagod niyang sabi at hinapit ako sa beywang at isinabay sa pag-higa niya. Hindi ko alam kung giginhawa ba ang pakiramdam ko o pamumulahan ako ng mga pisngi! Matutulog lang, Dane! Huwag kang assuming!

He's lying on his stomach habang nakapulupot ang kaliwang braso niya sa beywang ko. Nakaharap ang mukha niya sakin habang naka-tingin naman ako sa kisame. Ramdam ko ang maiinit niyang pag-hinga sa teynga ko at mas lalo ko iyong naramdaman ng mas lumapit siya sakin at isubsob ang mukha niya sa leeg ko.

Napapikit ako at muling kinagat ang labi. Dito siya matutulog? Mag-tatabi kaming muli sa pagtulog pagkatapos ng ilang taon? Tama ba ito?

Agad akong napa-dilat at natauhan. Bumangon ako at tiningnan siya. Tumihaya siya at ginawang unan ang dalawang kamay sa likod ng kaniyang ulo. Naka-kunot ang noong tiningnan niya ako.

"What's the problem?" Nag-tatakang tanong niya. Bumuntong hininga ako at hinila ang binti niya.

"Hindi ka pwedeng matulog dito. Hindi ka pwedeng tumabi sakin." Sabi ko at patuloy siyang hinihila kahit hindi ko naman siya mahila. Nagpapa-bigat kasi siya.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon