Chapter 37

47.9K 1.3K 147
                                    

Umangat ako galing sa pagkaka-subsob sa dibdib ni Rocco. Namumungay ang kaniyang mga matang naka-tingin sakin. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Nakabalot ang ibabang bahagi ng puting kumot. Ganun din ang sa'kin.

Tinalikuran ko siya at tumayo. Rinig ko ang pag-bangon niya mula sa pagkakahiga.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Nang akmang lalakad ako ay bigla akong napa-upo sa sakit.

"A-ahh..." ngumiwi ako sa hapdi ng pang-upo ko. Parang nabiyak na ewan.

"What happened?" Natatarantang tanong ni Rocco at dinaluhan ako. Hinawakan niya ang balikat ko.

"Huwag mo 'kong hawakan!" Inis kong inalis ang kamay niya at matalim siyang tiningnan. Napa-nganga siya at gulat ang mukha.

"H-hey... what's wrong?" Nag-aalala niyang tanong at umambang lalapit ulit. Inirapan ko siya at sinubukan ko ulit tumayo.

Dahan-dahan akong tumayo at nang nakatayo ay naka-ginhawa ako. Humakbang ako at agad natigil ng bumalik na naman ang parang nabiyak kong pakiramdam.

"Ah!" Humikbi ako pero walang luhang tumulo. Ang sakit! Jusko. Ano bang nangyari sakin?

"Hon.."

"Tumahimik ka!" Agad kong sigaw. Parang tutang napa-atras si Rocco at namumutla habang maingat na nakatingin sakin.

Sinubukan ko ulit humakbang at napahiyaw na naman ako sa hapdi. Ano bang ginawa ni Rocco sakin at bakit halos hindi na ako makalakad?

Lumapit ako sa dingding at kumapit dun habang naglalakad patungong banyo. Baka kung sakaling matumba ako sa sobrang sakit.

"L-let me help you, hon." Nag-mamakaawang sabi ni Rocco. Uminit na ang ulo ko sakaniya. Ang tigas ng bungo!

"Tumahimik ka sabi eh!" Bulyaw ko. Naguguluhan niya akong tiningnan.

"W-what did I do? Ba't ang sungit mo?" Ngumuso siya at kinamot ang kilay. Nainis ako sa mukha niya. Sarap sampalin!

Binalewala ko na siya at nag-pokus na lamang sa paglalakad. Sobrang masakit talaga mag-lakad. Parang kada hakbang ko ay may blade na humihiwa sa pang-upo ko.

Nang nakarating sa banyo ay mabilis akong pumasok. Agad akong napapikit sa hapdi sa biglaang pag-galaw. Umupo ako sa inidoro at napa buga ng hangin. Oh my god.

Napa-nganga ako ng biglaan akong nag-bawas. Kanina pa ako natatae at parang may gusto talagang lumabas sakin. Napatingin ako sa nanginginig kong mga binti at kitang kita ko ang pamumula ng mga hita ko.

Kasalanan ito ni Rocco, eh! Ang rahas-rahas niya! Halos bumakat na ang mga daliri niya sa hita ko. Sobrang higpit kasi ng pagkakahawak niya sa mga ito kanina. Uminit ang pisngi ko ng maalala ang lahat ng nangyari.

Sinuri ko pa ang ilalim ng mga hita ko at namutla ako ng makita ang linya ng dugo na mahinang umaagos galing sa pwet ko.

"Aaaahhhhh!" Sigaw ko sa takot. Ramdam ko ang pamamanhid ng mukha ko sa takot. Sigurado akong putlang-putla na ako ngayon. Nakarinig ako ng kalabog sa labas.

"Hon! What happened?" Malakas na kinatok ni Rocco ang pinto ng banyo.

"R-rocco..." kinakabahan kong tawag. Mas lalong lumakas ang pag-kalampag niya sa pinto.

"Fuck! Open the door!" Galit niyang sigaw. Napapikit na ako sa takot. Hindi ko magawang tumayo para pag-buksan siya bukod sa hindi pa ako nakakapag-punas. At masyadong malayo ang pinto! Natatakot akong mag-lakad baka kung ano pang mangyari sakin.

"Putangina, Dwayne!" Isang beses niya pang sinuntok ang pinto at nawala na ang ingay. Kinabahan ako. Nasaan na iyon? Iniwan ako?

"Rocco!"

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon