Chapter 42

45.5K 1.1K 158
                                    

Kinagabihan ay nag-dinner kaming lahat sa malawak na terrace ng malaking bahay. Maingay ang mga lalaki habang kumakain. Puro seafoods ang nasa hapag at labis akong natatakam sa mga ito. Pwera lang sa nag-iisang putahe. Ang hipon. Allergic ako sa hipon. Na-diskubre iyon ni Nanay noong pitong taong gulang pa ako. Noong binigyan kami nang ulam nang Nanay ni Mella. Hindi ako halos maka-hinga sa sobrang kati.

Napatingin ako sa katabi kong si Rocco na nag-hihimay ng crabs at pagkatapos ay inilalagay sa plato ko. Napa-ngiti ako.

"Tama na iyan. Kumain ka na muna." Sabi ko. Umiling lang siya at pinag-patuloy ang pag-hihimay.

Kinain ko ang hinimay niyang crabs at sumubo nang kanin. Ang sarap pala dito. Bukod sa masarap ang pakiramdam dahil sa mapayapang lugar ay napaka-sarap din ng mga pagkain.

Pinanood kong muli si Rocco at namilog ang mga mata ko nang hipon naman ang hinihimay niya ngayon. Agad kong pinigilan ang kamay niyang akmang ilalagay ang hipon sa plato ko.

"Huwag, hon." Marahan kong suway. Kumunot ang noo niya.

"You don't like this? What do you want?" Agap niyang tanong. Umiling ako at tipid na ngumiti.

"Allergic ako sa hipon." Sabi ko. Namilog ang mga mata niya at agad binitawan ang hipon.

"Damn it. You should've told me earlier." Inis niyang sabi. Ngumisi ako. Ang bilis naman mainis nito.

"Hindi ko naman alam na ipag-hihimay mo 'ko niyan." Sagot ko at nag-patuloy na lang sa pagkain.

Napa-sulyap ako kay Megan at naabutan kong nakataas ang kilay na titig na titig samin ni Rocco. Pagkatapos ay palihim niya akong inirapan at kumain ng tahimik.

Kumunot ang noo ko. Kanina pa siya tahimik. Ni halos hindi siya nakikipag-halubilo sa mga tao dito. Sana ay hindi na lang siya sumama kung ganon. Parang hindi naman siya nag-sasaya, eh.

"Mag-iinuman kayo, boys, diba? After this?" Tanong ni Nica. Tumango sakaniya si Ash at kumunot naman ang noo ni Ross.

"Yeah, why?" Tanong ni Ash. Ngumisi si Nica at tumingin samin.

"Then, pwede din ba kaming mag-inuman?" Excited na tanong ni Nica at sumulyap sulyap pa sa ibang babae tila nang-hihingi nang pagsang-ayon.

"No!"

"Hindi."

Magkasabay na sabi ni Rocco at Ross. Napatingin ako sa katabi ko at naabutan siyang mariing umiling. Bakit ba ayaw na ayaw niyang uminom ako? Mga babae naman ang kasama ko.

"What? That's unfair!" Busangot ni Nica. Tumango naman si Ruth.

"Oo nga, hindi naman kami mag-lalasing gaya niyo." Patutsada pa ni Vivian. Napatingin ako kay Ross na kunot ang noo at kay Rocco naman na salubong ang kilay. Anong problema ng dalawang ito?

"No. Kapag sinabi naming hindi, hindi." Si Ross at matalim na tinitigan si Nica. Sumimangot si Nica at inirapan ang boyfriend. Natawa ako.

"Manood na lang kayo ng movie sa loob o mag night swimming kayo." Suhestiyon ni Troy na nakaakbay sa likod ng upuan ni Ruth.

"That's so boring!" Ani Ruth. Sinamaan naman siya ng tingin ni Troy.

Nag-talo pa silang lahat kaya bumaling ako kay Rocco na tahimik na nakikinig lang. Yumukod ako sakaniya at bumulong.

"Payag ka na, Hon. Hindi naman kami mag-lalasing." Sabi ko. Salubong ang kilay niya akong tiningnan.

"No. It's either susunod ka o matutulog ka ng maaga? Pili ka." Maangas siyang tumango. Napa-buntong hininga ako. Napaka-strikto talaga kahit kailan.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon