Chapter 54

36.7K 1.1K 399
                                    

Umiindayog ako habang nakatingala at nakataas ang kanang kamay sa ere. Hawak ko sa kabilang kamay ang aking Champagne at pa-minsan minsang sumisimsim dito habang sinasabayan ang malakas na tugtugin.

"Whoooo!" Hiyawan ng mga tao sa dancefloor nang mag-palit ng tugtugin at nag-play ang isang sikat na kanta ngayon. Bahagya rin akong napa-hiyaw at humagikhik. Ang gaan sa pakiramdam. Sa loob ng ilang taon, nakasanayan ko na rin ang gawing pampa-relax ang pagpupunta sa mga bar at ang uminom. Pakiramdam ko'y winawala nito ang mga problema ko. Winawala nito ang lahat ng sakit, pagsisisi at pangamba sa puso at isipan ko.

Nahagip ng tingin ko ang isang babae at lalaki sa gitna ng dancefloor. Nag-hahalikan sila at nakita kong pinasok ng lalaki ang kamay nito sa loob ng damit ng babae. Hindi na rin bago sa akin ang mga ganitong eksena at tagpo. Pero minsan ay naiilang parin ako. Hindi parin nawawala ang pagka-insonte ko kahit mulat na ako sa realidad at katotohanan.

Inangat ko ang aking baso at sumimsim. Habang umiinom ay may biglang marahas na dumaan sa harap ko kaya natapunan ang dress ko ng inumin.

"Hey!" Saway ko at hindi makapaniwalang sinundan ng tingin ang lalaking lasing na pa-gewang gewang na naglalakad palayo sa kinatatayuan ko. Ugh!

Bumaba ang tingin ko sa suot ko at napa-simangot. Nabasa tuloy ang damit ko! Actually, ang malaking parte ng dibdib ko. Naka-suot ako ng white sleeveless top na pinaresan ko ng isang simpleng gray tulip skirt. Naka-stilletos din akong kulay puti. Mabuti na lang at puti itong top ko at hindi masyadong halata ang pagkakabasa.

Pumihit ako at bumalik sa U-shaped sofa kung saan naroroon ang mga kaibigan at mga empleyado ko. Naka-upo ang nakangising si Shai habang pinag-lalaruan ng kaniyang fiancè ang mahaba niyang buhok. Sinimangutan ko siya.

"Oh? Anyare, bakla?" Bungad niya. Umismid lang ako at inabot ang diamond studded kong purse. Kinuha ko mula sa loob ang aking handkerchief at ipinam-punas sa basa kong dibdib.

"Nabasa lang naman, Madame!" Patuya kong sagot. Tinawanan niya lang ako at sumimsim rin sakaniyang inumin.

"Nasaan ba si Apple? Mukhang iniwan ka na naman, ah?" Aniya. Tiningnan ko siya ng makahulugang tingin at napa-ngisi lang siya.

"Ayun! Kinaladkad na naman nung Engineer. Magkatabi lang kaming nag-sasayaw kanina, eh." Sabi ko at umupo na rin sa sofa. May distansya akong nilaan sa gitna namin ni Shai dahil ayokong dumikit sakaniya dahil naaalibadbaran ako sa ka-sweetan nilang mag-kasintahan.

"Parang ewan din 'tong si Apple, eh! Galit-galitan dun sa Engineer pero halatang patay na patay. Bakla talaga!" Si Shai at dinampian ng halik ang naka-abang na nguso ng fiancè niyang si Mark. Oo, si Mark. Iyong classmate ni Nielo noon, iyong kasama ni Julius. Akalain mong sakaniya babagsak itong babaeng ito?

Nandito kami ngayon sa bar dahil 2nd Anniversary ng event organizing business ko. Noong nakaraang Anniversary din ay sa isang high-end bar din namin idinaraos ang selebrasyon. Hindi lang ako ang nagmamay-ari ng negosyo kong ito, may business partner ako. Si Miguel Lancheco. Anak ng isang sikat na business man. Nakilala ko si Miguel dahil kay Mark. Mag-pinsan ang dalawa. Noong nag-invest kasi si Mark sa papa-simula ko pa noong business ay naging interesado din itong si Miguel. Hanggang sa nag-alok siyang maging business partners kami.

Nung umalis kami ng Manila, pitong taon na ang nakalilipas ay wala kaming ibang napuntahan kundi ang probinsyang pinanggalingan namin.

Mabuti nga't may kumopkop pa samin ni Nanay, ang malayo naming kamag-anak na si Tiya Belen. Mabait ito at ang kaniyang pamilya. Tinulungan nila akong maipag-patuloy ang pag-aaral ko. Naging scholar ako sa isang Community College dun at nag-sikap hanggang sa makapag-tapos.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon