Chapter 22

44.4K 1.4K 114
                                    

Magda-dalawang oras na akong nandito sa kwarto ni Rocco. Tinutulungan siya sa project niya. At gaya nga ng sabi niya, tumulong siya. Pero sabi ko ako na lang at asikasuhin niya iyong mga graph niyang hindi pa nasasagutan ang iilan. Nakasalampak kaming dalawa ngayon sa malaking study table niya. Hindi naman kami magkatabi, nasa tapat ko lang siya pero minsan nagbu-bunggoan ang mga ulo namin.

Halos mapuno ko na ng designs ang folder niya. Tinanong ko nga siya kung okay lang ba iyon. Tumango naman siya.

Habang dinidikit ko ang isang palamuti sa folder ay sinulyapan ko siya.

Seryoso siyang naguguhit ng kung ano. Magkasalubong ang kilay at paminsan-minsang kinakagat ang labi. Gwapo talaga si Rocco. Sobra. Kaya hindi na ako magtataka kung marami nang nahulog sakaniya. Hindi ko rin masisisi si Megan kung ganun na lang siya maka-lingkis kay Rocco. At kung bakit nagawa niya ang malaswang bagay na iyon.

Mapait akong napa-ngiti. Sa loob ng ilang taon, napagtanto kong tama nga ang sinabi ni Shai. Crush ko siya. Noon pa. Noon pa kahit palagi niya akong ginagawan ng masama. Kahit lagi niya akong inaasar. Siguro nga iyon ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.

Pero itong nararamdaman ko ay hindi na kailangan pang malaman niya. Dapat ko na lang itong itago. At kung maaari pigilan. Dahil masasaktan lang ako sa huli. Hindi sa sinasabi kong hindi ako nasasaktan ngayon.

Kasi kahit kailan, kahit malaman niya man ang nararamdaman ko sakaniya. Hindi niya ako mamahalin pabalik. Kasi nga bakla ako. Hindi ako babae. Hindi ako ang tipo niya. Ganun naman talaga ang mga kagaya ko diba? Minsan, mas pinipili nating itago na lang. Kasi takot tayong masaktan, takot tayong mapahiya.

Iisipin ko na lang na ma-swerte pa rin ako kahit papaano. Dahil nakakasama ko siya araw-araw. Nakikita palagi. At nagkaka-lapit kami ng ganito. Mapait ulit akong ngumiti.

At iyong halik niya? Siguro paraan niya lang iyon ng pag-hingi ng tawad. Ayokong mag-assume. Mahirap na.

Nagpatuloy ako sa pagdidikit ng biglang may naalala. Tumikhim ako.

"A-ano nga palang sinabi mo kay Axel kanina?" Tanong ko. Napatigil siya sa ginagawa at matalim akong tiningnan.

"Wala ka na dun." Madiin niyang sinabi. Napapikit ako.

"G-gusto ko lang naman malaman."

"Amin na 'yon. Usapang lalaki 'yon, Dwayne." Sabi niya at nagpatuloy.

"A-ayoko lang kasi ng gulo. Alam kong ayaw mo s-sakaniya." Nanginginig ng bahagya ang kamay ko habang dinidikit ang palamuti. Narinig ko ang mabigat niyang hininga.

"Buti alam mo." Tipid niya sinabi.

Tinitigan ko siya. Seryoso pa rin siya sa ginagawa. Nakita kong masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa pencil niya.

"Kaibigan ko pa rin siya, Rocco..." mahinahon kong sinabi. Sinulyapan niya lang ako saglit.

"Kahit iyon lang, huwag mo naman sanang ipag-bawal. Hindi ko naman na siya tuturuan kung iyon ang ikinagagalit mo." Patuloy ko. Padabog niyang binitawan ang pencil at humarap na ngayon sa'kin.

"Hindi lang iyon, Dwayne!" Matigas niyang sinabi. Naguluhan ako.

"Huh? A-ano pa?" Lito kong tanong. Inusog niya palapit ang silya niya sakin. Umatras ako.

"Hindi mo ba alam? Tarantado 'yon! Bully! At rinig kong miyembro pa ng isang gang!" Siwalat niya. Nanlaki ang mga mata ko. H-hindi! Hindi iyan totoo.

"Ano? Gusto mo pang makipag-kaibigan dun?" Tanong niya. Umiwas ako ng tingin.

"Hindi iyan totoo. Sinisiraan mo lang siya, Rocco." Matigas kong sinabi. Patuya siyang tumawa.

"Hindi ko siya sinisiraan! Kahit magtanong ka pa sa iba! He's a deliquent person!" Aniya. Ngayon ay binitawan ko na rin ang mga papel. Gusto kong ipaglaban si Axel. Gusto kong ipaglaban ang kaibigan ko.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon