Chapter 48

32.1K 1K 136
                                    

Naka-higa ako sa kama habang pinaglalaruan ko ang cellphone ko. Pinapa-ikot ikot ko ito gamit ang aking hintuturo at hinlalaki. Nag-aantay ako ng text galing kay Rocco. Linggo ngayon kaya pupunta siya dito sa mansion para bumisita. Tanging ang araw ng linggo lamang kami nagkakasama ng matagal sa isang buong linggo. Kaya excited akong makasama siya ngayon dahil kahit pilit kong iniintindi ang sitwasyon namin ngayon ay hindi ko maitatanggi ang labis kong pangungulila.

Napaayos ako ng higa ng biglang tumunog ang aking cellphone. Halos dumikit na ang mukha ko sa cellphone.

From: Rocco D.F ❤

Lumabas ka na, Hon.

Agad akong napabalikwas at parang uod na tumayo sa harap ng salamin. Inayos ko ang may kahabaan ko nang buhok at hinilamos ang mukha sa maaaring dumi. Suot ko ang kulay gray na Nike t-shirt na bigay ni Rocco. Dalawa ito, nasa kaniya ang isa. Marami kaming couple shirts pero ito ang pinaka-paborito ko. Naka-maong shorts din ako. Hindi masyadong maikli dahil alam kong uusok na naman ang ilong ng isang iyon.

Aalis na sana ako nang maalala ko ang liptint na bigay ni Apple sakin. Kinuha ko ito sa loob ng bag ko at binuksan ang seal. First time kong gumamit ng ganito kaya kinakabahan ako baka hindi bumagay sakin. Ayoko naman talaga nito, eh. Kaso nakakahiya namang tumanggi lalo na't ibinigay ito ni Apple.

Binuksan ko ang liptint at pinahid sa ibabang labi ko. Agad kumalat ang pulang kulay kaya ikiniskis ko ang labi ko nang sa ganun ay mag blend ito. Namangha ako sa resulta. Hindi masyadong mapula! Parang natural lang at matamis-tamis pa ang lasa. Napa-ngiti ako at na-satisfied sa itsura ko. Ibinalik ko na ang liptint at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Naka-salubong ko si Ate Pasing na may bitbit na palanggana. Tumaas ang kilay niya sakin at mapang-asar akong tiningnan.

"Nasa bulwagan na si Rocco. Hinahanap ka." Aniya at ngumiti. Uminit ang pisngi ko at tumango.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan pa rin ako ng ganito sa tuwing magkikita kami ni Rocco. Hindi ako nasanay kahit kailan. Kahit noong huwebes lang ay natulog ako sa condo niya matapos may mangyari samin. Bakit ba kasi ang gwapo niya?

Malayo pa lang ay naaaninag ko na ang nakatayong si Rocco. Naka-pamulsa at tinitingnan ang bagong painting sa malapad na dingding. Naka maong pants, itim na V-neck shirt at ang mamahaling relo niya na gold. Simpleng-simple lang pero sumisigaw nang pagka-arogante at karangyaan ang presensya niya.

"Hon.." tawag ko. Agad kong naagaw ang atensyon niya. Kitang kita ko ang bahagyang pag-awang ng bibig niya at pinasadahan ang kabuoan ko.

Patalon ko siyang niyakap nang nakalapit. Sininghot ko agad ang natural niyang amoy na nahahaluan nang kaniyang mamahaling pabango. Nakakaadik naman talaga ang lalaking ito. Pumalibot naman ang kaniyang braso sa beywang ko gaya ng lagi niyang ginagawa.

"Hey.." magaspang niyang bati. Kumalas ako sa yakap. Nasa beywang ko pa rin ang braso niya. Tiningala ko siya at inabot ang makakapal niyang kilay para ayusin ang bahagyang pagkaka-buhaghag ng mga ito. Nagugulo talaga parati ang kilay niya dahil sa mannerism niyang kamutin ito.

"Kumain ka na?" Malambing kong sabi. Umiling naman siya. Napa-isip agad ako kung anong oras na.

"Ayokong kumain sa condo. Tsk. Sawa na ako sa mga processed foods. Gusto ko nang luto mo." Busangot niyang sabi. Naawa naman ako. Wala talaga siyang matinong pagkain dun sa condo niya. Puro instant foods. Kaya kapag nakakapunta ako dun, pinag-luluto ko talaga siya.

"Kawawa ka naman. Halika, nag-luto si Nanay Mercy ng monggo." Aya ko. Tumango naman siya. Nagpatianod siya sa hila ko. Pagkapasok namin sa kusina ay naabutan namin si Nanay at Nanay Mercy na nag-uusap. Pareho silang napabaling samin.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon