Chapter 44

44.7K 1.1K 254
                                    

Nagmamadali akong lumabas ng gate ng school at agad nag-tungo sa nag-hihintay na si Mang Ado. Nang nakita niya akong palapit na ay agad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Salamat po, Mang Ado." Sabi ko at pumasok na ng sasakyan. Napa-buntong hininga ako pagka-upo ko. Hindi ako mapakali!

"Mang Ado, nasaan po si Rocco? Naka-uwi na po ba siya sa condo niya?" Tanong ko sa seryosong nag-mamanehong si Mang Ado. Tumingin siya sakin sa rearview mirror.

"Hindi ko alam, Dwayne. Pero ibinilin niya sakin na ihatid ka sa condo niya pagka-uwi mo." Ani Mang Ado. Napa-tango na lamang ako.

Sobra akong nas-stress ngayong araw! Ang raming activities, oral recitation at quizzes sa school. At ngayong araw din ang fifth anniversary namin. Ni hindi man lang ako nakapag-handa kaya hindi ako mapakali.

Nasaan na ba ang lalaking iyon? Hindi nagre-reply sa mga texts ko. Kailangan kong malaman para makapag-handa man lang ako kahit konti lang. Gusto ko sana siyang surpresahin gaya ng lagi kong ginagawa. Kaya lang wala talaga akong sapat na oras kanina dahil sobrang abala ako sa school.

First year college na ako ngayon. Si Rocco naman ay nasa third year niya na. Pareho kaming sobrang abala na sa pag-aaral na halos minsan ay hindi na kami nagkikita. Iyong tipong pagka-uwi ko galing school ay gabi na at pagkatapos kong kumain ay hihilahin agad ako ng antok.

Si Rocco lang naman ang ayaw ng ganun. Gusto niya magkita kami araw-araw kahit minsan ay napaka-imposible na dahil masyadong conflict ang mga schedule namin. Pagkauwi ko ng mansion, nagigising na lamang ako na nasa loob na siya ng kwarto namin ni Nanay at bumubulong sakin na gumising ako.

Hindi na kasi siya sa mansion nakatira, may sariling condo na siya sa Makati. Malapit sa unibersidad na pinapasukan niya. Kaya nag-aalala ako dahil bumibyahe pa siya ng gabi galing sa school niya papunta sa mansion para magkita lang kami. Ilang beses ko na siyang kinumbinsi na itigil na iyon at pwede naman kaming mag-kita tuwing weekends pero hindi siya pumayag. Bahala na raw na mapagod siya ng sobra, basta magkita kami araw-araw. Nakaka-kilig, oo. Pero kung kayo ang nasa sitwasyon ko, mamamatay kayo sa pag-aalala.

May isang beses nga, nag-inuman sila nila Ross pagkatapos nila mismo sa school. Mga bandang alas dose na, pumunta pa rin siya sa mansion para lang makipag-kita. Inaway ko siya nun kasi halos magkanda-utal utal na siya sa pag-sasalita. Ngisi pa ng ngisi na para bang hindi siya bumiyahe ng ilang oras papuntang mansion ng lasing!

Tapos halik pa ng halik, amoy na amoy ko tuloy ang alak na ininom niya. Kung hindi pa lumabas si Nanay at tinawag ako ay hindi pa uuwi si Rocco. Gusto ko nga sanang sa mansion na lang muna siya mag-palipas ng gabi pero maaga pa raw siya kinabukasan at male-late siya pag sa mansion siya matutulog dahil bibiyahe pa siya pa Makati.

Kumuha ako nang kursong Accountancy sa iisang paaralan kung saan ako nag Senior High. Wala akong partikular na gustong kurso pero sa lahat ay Accountancy lang ang medyo bagay sakin kaya iyon na lamang ang kinuha ko. Si Rocco naman ay Business Administration. Hindi na nakakapagtaka dahil may malaking negosyo sila. Napapa-ngiti ako sa tuwing maiisip ko na balang araw, gra-graduate kami ni Rocco at sabay namin iyong masasaksihan. Una siya tapos ako naman.

Pumasok ako sa matayog na condominium building kung saan naka-tira si Rocco. Nasa twentieth fourth floor iyon at masasabi kong masyadong malaki ang unit niya para sa iisang tao. Noong isang taon lang siya lumipat dito at masasabi kong nami-miss ko na siya sa mansion. Hindi na kagaya dati na isang akyat ko lang sa engrandeng hagdanan ay makikita ko na siya. Ngayon, pahirapan na kaming pumuslit para lang makita namin ang isa't isa araw araw.

Ang bilis ng panahon. Hindi ko akalaing darating ang araw na ito. Ang araw ng ika-limang taon namin bilang magka-sintahan. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa tuwing naiisip ko iyon. Para kasing panaginip lang ang lahat. Parang kailan lang noong nahuli niya akong sumisilip mula sa isang sulok sa garden noong kaarawan niya. Noong pinag-bintangan niya akong magnanakaw at kinaladkad palabas ng mansion.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon