Chapter 36

50K 1.4K 459
                                    

WARNING: SPG.

Higit isang oras na kaming nag-tatawanan nina Julia at Cindy. Higit isang oras na din simula nang sumali ako sakanila. May kakaiba sa aking pakiramdam ngayon. Konting pag-bibiro lang nila Julia ay tawa na ako ng tawa. Mabibigat na din ang talukap ng aking mga mata.

Kaharap namin ang mga lalaking nag-uusap tungkol sa kung ano. Kanina ko pa napapansin ang kakaibang tingin ni Julius sakin. Nang nakita niyang nakatingin ako sakaniya ay ngumisi ito at kumindat. Napa-ngisi din ako at umiwas ng tingin.

"God! I can't believe we just finished one bottle of wine!" Maarteng humagikhik si Julia at tinungga ang pang-huling laman ng kaniyang baso.

"Atleast, alam na natin ang pakiramdam ng malasing." Tumawa si Cindy. Natawa rin ako. Bumibigat na talaga ang katawan ko pero sa hindi malamang dahilan ay nagustuhan ko ang pakiramdam.

"Yeah..."

Biglang may sumipol kaya napatingin ako sa harapan. Titig na titig si Julius sakin. Hindi niya na kausap sina Nielo at Mark. Ngumiti ako sakaniya.

"Ubos na sayo?" Tanong niya. Napatingin ako sa baso kong konti na lang ang laman. Tumango ako sakaniya at nagkibit-balikat.

"Here. Ubosin mo 'tong sakin." Inabot niya ang baso niya. Walang dalawang isip ko itong tinanggap. Ililipat ko na sana ang laman niyon sa baso ko ng pinigilan niya ako.

"Diyan ka na uminom." Aniya. Wala sa sarili naman akong sumunod at tumungga mismo sa baso niya. Ngumisi siya.

"Masarap?"

"Oo." Tumango ako at tumungga pa. Parang dumulas ang kamay ko't natapunan ang uniporme ko ng inumin. Gulat akong napatingin sa dibdib ko na may mantsa na.

"Shit. Dwayne!" Nataranta si Nielo. Humagikhik lang ako at inirapan siya.

"Okay lang." Sabi ko.

Biglang tumayo si Julius at lumapit sakin. May dinukot siya sa bulsa niya at nakita kong isang panyo iyon. Napaatras ako ng sinimulan niyang punasan ang dibdib ko.

"Mag-ingat ka." Magaspang ang boses na sabi niya.

Napa--igik ako ng may mahawakan siya sa dibdib ko na napaka-sensitibo habang nag-pupunas siya. Napatingala ako sakaniya at naabutan siyang kagat ang labi habang malagkit na nakatingin sa dibdib at leeg ko. Uminit ang pisngi ko at umilag.

"O-okay na. Salamat..." pigil ko na. Umiling siya at hinawakan ang balikat ko.

"No, punasan natin.." ngisi niya. Pula ang kaniyang mga mata at kumi-kislap pa ang mga ito.

Sobrang lapit namin sa isa't isa habang ginagawa niya iyon. Nagulat na lang ako ng may kumalabog sa kung saan. Napatingin ako sa pintong papasok ng mansion at nakita ang madilim na madilim na mukha ni Rocco. Na-umid ako ng sariling laway at lumayo kay Julius.

"Uh... tama na."

"Sandali lang, basa ka pa-"

Hindi na natapos ni Julius ang sinasabi ng bigla itong bumagsak sa sahig. Sobrang lakas ng pagkaka-suntok sakaniya ni Rocco na rinig na rinig ko ang pagtama ng kamao niya sa bungo ni Julius.

"Kuya!"

"Oh my gosh!"

Nag-singhapan ang dalawang babae habang mabilis namang dumalo si Nielo sa galit na galit na si Rocco. Sinubukang hilahin ni Nielo si Rocco pero hindi ito natinag at nilapitan pa ulit ang naka-handusay na si Julius. Sunod-sunod na sapak ang iginawad ni Rocco at halos mawalan ako ng hininga nang nakitang duguan na ang labi ni Julius.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon