Chapter 66

64.3K 1.5K 583
                                    

Buong araw akong umiyak at nag-kulong sa kwarto ko. Hindi ko na inalala ang naiwan kong trabaho at itinuon na lamang ang pansin ko sa pagpapa-kalma sa sarili ko. Kinakabahan na ako dahil parang aatakehin na ako sa puso sa sobrang pananakit nito. Hindi ko makalimutan ang lahat ng sinabi ni Rocco sa akin.

P.A lang ako. Wala akong pakialam sa kung ano man ang gagawin niya. Hindi ako si Shantelle para mag-react ng ganun. Hindi ako ang girlfriend niya. Alam ko naman iyon, eh. But I just can't stop myself from hurting! Mahal na mahal ko siya. Seeing him with Shantelle is one thing, but seeing him with another woman is another. And it hurts so much.

Ang galit at poot na nakita ko noon nung araw na nakita niyang hinalikan ako ni Axel ay nakita kong muli kanina sa kaniyang mga mata. Pure rage and hatred. Na para bang sa loob ng ilang taon ay nag-tanim siya ng galit sakin. Na hindi kailanman humupa ang galit na iyon para sakin.

He really believed that I cheated on him. Iyon ang tumatak sa utak niya. Hindi niya ako pinakinggan noon kaya hanggang ngayon ay mali ang pinapaniwalaan niya. At kanina, sa lahat ng masasakit na salitang sinabi niya, tila nalagasan ang pag-asa na namumuo sa puso ko. Pag-asa na may mag-babago kapag sinabi ko na sakaniya ang totoo.

Dahil sa galit na nakita ko sakaniya kanina, parang imposible pang may magbabago kahit na malaman niya pa ang totoo. Na parang wala nang silbi ang katotohanan dahil matagal niya na akong kinamumuhian. Magkahalong kaba, pangamba at kawalan ng pag-asa ang lumulukob sa puso ko ngayon.

Naka-titig lamang ako sa kisame ng aking kwarto habang tahimik na bumubuhos ang luha ko sa magkabilang mata at sumasagi sa teynga ko pabagsak sa kutson ng aking kama. Pinangako ko sa sarili ko na titiisin ko lahat ng sakit. Na kakayanin ko. Pero hanggang kailan? May patutunguhan nga ba itong ginagawa ko? May mapapala nga ba ako sa huli?

Unti-unting nawawala ang pag-asa sa puso ko. Ayokong sumuko. Gusto ko pang lumaban. May munting pag-asa pang natitira. Kahit iyon na lang, kakapitan ko pa rin. Gusto kong maubos ako. Gusto kong lumaban hanggang sa maubos ako. Iyong walang-wala na. Iyong tipong kahit pigain pa ako na parang damit, wala nang tubig na papatak.

Huminga ako ng malalim at inangat ang kaliwang kamay ko. I stared at my ring. Tinitigan ko iyon. Kumikinang pa rin ito tila bagong-bago. Sa loob ng ilang taon, hindi ko kailanman sinubukang hubarin ito. Pakiramdam ko, habang suot ko ito ay may koneksyon pa rin ako kay Rocco. Sa tuwing nararamdaman ko siya sa daliri ko, pakiramdam ko, kami pa rin. Na nasa malayong lugar lang siya at nag-mamahalan pa rin kami. I never lose hope.

Pero ngayon, parang namanhid yata ang daliri ko at hindi ko na maramdaman ang koneksyon ko kay Rocco. Na parang wala na siyang saysay at tanging palamuti na lamang sa aking kamay.

Inabot ng aking kanang kamay ang singsing at dahan-dahang hinubad ito. Nang nahubad ay pinaka-titigan ko muna bago ko iyon inilapit sa bibig ko at marahang hinalikan.

Bumangon ako at tinungo ang aking drawer. Binuksan ko iyon at inilagay ang singsing na matagal kong inalagaan. Pagkatapos ay sinaradong muli ang drawer. Tumayo ako at hinubad isa-isa ang aking damit. Gusto kong mag-babad sa bathtub.

Pumasok ako sa banyo at pinuno ng tubig ang aking tub. Pagkatapos ay pinatakan ko ng bubble bath. Kitang-kita ko ang pagkalat ng pink na kulay nito at ang pag-kalat ng mabangong amoy nito sa buong banyo.

Ibinabad ko ang aking katawan at dahan-dahang itinukod ang aking ulo sa dulo ng tub at pumikit. Hindi rin nag-tagal ay kinain na ako ng antok at tuluyang naka-idlip.

Pagkagising ko ay agad akong nag-banlaw. Nakatulong ang pag-idlip ko upang maibsan ang pananakit ng damdamin ko. Pakiramdam ko tuloy, ang bath tub na ang takbuhan ko sa tuwing masasaktan na naman ako. Mapait akong napa-ngiti at nakaramdam ng awa para sa aking sarili.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon