Chapter 6

37.1K 1.4K 324
                                    

Agad akong nag-iwas ng tingin at hinagilap ang mga papel sa study table. Malapit nang matapos ang ginagawa kong portfolio, kulang na lang ng konting design. Tumikhim si Rocco pero hindi ko pa rin siya tinataponan ng tingin.

"Bakit mo binabanggit ang pangalan ko sa pagtulog mo? Hmm?" May panunuya sa tono ng boses niya. Argh! Nakakahiya! Bakit ko ba kasi napanaginipan yon?

Sinulyapan ko siya. Nakahalukiphip siya at nakansadal ang kanang bahagi ng katawan niya sa pader. Mataman siyang nakatitig sakin at may mapaglarong ngisi sa kaniyang mga labi. Kelan pa siya naging ganito? Nung mga nakaraang buwan at linggo, eh ang sungit sungit niya.

"Anong sinasabi mo?" Maang-maangan ko at pinagpatuloy na ang pagdidikit ng mga gagambang ginuhit at tinupi ko.

"Aha! Patay malisya ka ah!" Tumawa siya at kinamot ang makapal niyang kilay. Dahil sa ginawa niya ay nabuhaghag ang kilay niya. At napaiwas ako ng tingin sa nakita. Ang pogi!

"Hindi ko naman talaga alam iyang pinagsasabi mo." Sabi ko sabay irap. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. At hindi iyon dahil sa kaba na kadalasan kong nadarama pag nandiyan siya sa paligid. Ibang kabog.

"Nadatnan kitang sinasambit ang pangalan ko habang natutulog ka. Anong ibig sabihin non?" Nanunuya talaga siya. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa. Para kasing hindi siya bagay maging mapaglaro, siguro nasanay lang ako sa palaging pagsusungit niya. Nakakapanibago.

Itinigil ko ang ginagawa at tumingin sakaniya. Naiinis akong tingnan ang nakangisi niyang mukha. Tinaasan ko siya ng kilay at ngumiti.

"Bakit? Ikaw lang ba ang nag-iisang Rocco sa mundo?" Sabi ko. Kitang kita ko ang pagkawala ng mapaglarong ngisi sa mukha niya. Tumigas ang kaniyang mukha at umayos ng tayo.

"Bakit? Sino bang Rocco ang napanaginipan mo?" Mariin niyang tanong. Nahintakutan ako sa ekspresyon ng mukha niya kaya napaiwas ako ng tingin. Galit na naman siya.

"A-ah eh... Wala. Nagtatanong lang naman ako." Nanginginig ang boses ko habang dinidikit ang huling dalawang piraso ng mga gagamba.

"Siguraduhin mo lang." Malamig niyang ani at nilampasan na ako. Lumabas siya ng kwarto at malakas na sinara ang pinto. Napapitlag ako sa ingay.

Nang matapos ako ay bumaba na ako para tumulong sa paghahanda ng hapunan. Linggo ngayon kaya maagang uuwi ang mag-asawang del Francia. Kadalasan kasi, lalo na pag weekdays, matagal silang nakakauwi dahil sa trabaho. Kaya palaging si Rocco at Nielo lang ang nagsasalo sa hapunan.

"Hugasan mo na itong mga pechay ng mahalo ko na sa niluluto ko." Utos ni Nanay Mercy sakin ng makita akong naghihintay ng utos. Kinuha ko ang mga iyon at hinugasan.

Habang hinuhugasan ko ang mga pechay ay nakita kong pumasok ng kusina si Ate Pasing kasama ang isang pang kasambahay. Nag-uusap sila. Napansin kong parang takot at balisa ang kasambahay at hinahaplos naman ni Ate Pasing ang balikat niya.

"Oh? Anong nangyare diyan, Pasing?" Tumigil sa paghahalo si Nanay Mercy ng kaniyang niluluto at hinarap ang dalawang kasambahay.

"Nasigawan ho ni Rocco, Nay." Naiiling na sabi ni Ate Pasing. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Pinatay ko na ang gripo at nilagay sa plato ang hinugasang pechay.

"Baka naman hindi nagawa ng maayos ang inutos sayo, Ana? Napaka partikular pa naman ng batang iyon." Sabi ni Nanay Mercy at kinuha ang mga pechay para ilagay na sa niluluto niyang sabaw.

"N-nagawa ko naman po. Mukhang mainit lang talaga ang ulo ni ser." Nakayuko lang si Ate Ana na para bang na trauma sa nangyari.

"Hayaan mo na. Masasanay ka rin. Halos lahat ng kasambahay dito pinagdaanan na iyan." Ani Nanay Mercy. Napasimangot ako sa narinig. Subukan niya lang sigaw-sigawan ang Nanay ko at babaliin ko talaga lahat ng mga bastos niyang cd!

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon