Chapter 8

37.7K 1.3K 156
                                    

Napamaang ako sa galit niya. Bakit ba siya nagkakaganito? Ang sama ng ugali. Palibhasa, sanay na laging nakukuha ang gusto kaya pag inayawan mo, nagagalit.

Umatras si Nielo ng makitang parang magwawala ang kuya niya sa galit. Tsk. Bakit pa kasi siya sumali dito? Ayan tuloy nadamay siya sa topak ng kuya niya.

"B-bakit naman?" Naguguluhang tanong ni Nielo tsaka palipat lipat ang tingin saming dalawa ni Rocco.

"Basta hindi! Pag sinabi kong hindi. Hindi!" Parang haring sabi niya.

"A-ah.. Nielo, mag-uusap lang kami ni Rocco. Usap na lang tayo mamaya." Pagdidismisa ko sakaniya. Kailangan niya munang umalis dahil napapansin kong palagi na lang siyang pinagbubuntungan ng galit ni Rocco. Ang sama talaga nito.

Tumango naman si Nielo at dahan-dahang umalis ng kusina. Nang kami na lang dalawa ay inis kong binalingan si Rocco.

"Bakit ba ang sama-sama mo sa kapatid mo? Eh nagtatanong lang naman iyon." Sabi ko sabay pameywang. Matalim niya akong tinitigan.

"Anong pakialam mo? Bakit ba? Concern na concern ka yata sakaniya." Maangas siyang tumango tsaka umabante palapit sakin. Kahit kinakabahan, hindi ako umatras at sinalubong ang tingin niya.

"Oo naman! Kaibigan ko iyon! Inaaway mo eh wala namang ginagawang masama si Nielo. At kung galit ka, wag mong ibunton sakaniya!" Sabi ko. Pansin kong kumuyom ang kamao niya kaya namutla ako.

"Ang ayaw ko sa lahat, iyong nakikialam!" Aniya.

Pagod akong napasinghap at umiwas ng tingin. Bakit nga ba kami nandito at nag-aaway? Parang naubos ang lakas ko sa lalaking ito.

"Basta. Hindi na magbabago ang desisyon ko. Ayaw mo pa non? Mas malilinisan ng mabuti iyang kwarto mo pag sina Ana na ang maglilinis. At saka, malapit na rin ang closing kaya magiging abala na ako sa paaralan." Kinuha ko ang pitsel ng tubig at ibinalik iyon sa loob ng ref.

"Kung anong ikinalambot ng mukha at kilos mo, siya namang ikinatigas niyang ulo mo! Damn." Bulong niya pero rinig na rinig ko iyon sa katahimikan ng kusina. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko sa hindi malamang kadahilanan. Maang na napalingon ako sakaniya. Naabutan ko siyang kalmado na at namumungay ang mga matang nakatingin sakin.

Para akong tinakasan ng ulirat ng may nakita ako sa mga mata niya. Paanong tinitingnan niya ako ng ganito? Paghanga. Iyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Pero may iba pa na hindi na kayang intindihin ng isip ko.

Lumapit siya sakin at nilagay ang isang kamay sa ref, ibabaw ng ulo ko. Nakasandal ako sa ref kaya para niya na akong ikinukulong ngayon. Para akong nauubusan ng hininga sa sobrang lapit niya sakin.

"Stop being stubborn and do as I say... Please..." Tila nagmamakaawang aniya. May kumirot sa puso ko. Ang marinig siyang nagsasalita ng ganito sakin ay nakakapanibago.

"Ayoko nang maulit ang nangyari." Nabasag ang boses ko. Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. Ipinilig niya ang kaniyang ulo. Tila tinatantiya ang aking ekspresyon.

"Ayoko nang masigawan mo... Ayokong naririnig kang nagmumura dahil sakin... Ayokong.." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tumulo na ang luha ko. Na trauma na yata ako ng halos magwala siya dahil sa nangyari kahapon. Iyong tipong halos magwala siya dahil lang sa ginawa ko. At takot na akong mangyari pa ulit iyon.

"Sshhh... Hindi na mauulit iyon." Bulong niya. Pinunasan ko ang luhang lumandas. Bakit ba ang iyakin ko?

"T-talaga? Pumapayag ka na sa gusto ko?" Lumiwanag ang mukha ko. Bigla namang tumigas ang mukha niya at nagsalubong ang kilay.

"No. I mean, hindi na mauulit iyong paninigaw ko at pagmumura." Aniya. Hindi ako nakasagot. Akala ko pa naman pumapayag na siya. Kung makatawag siya sakin ng matigas ang ulo, eh siya rin naman, sobrang tigas. Tsk.

"Pipilitin ko. Basta wag mo lang akong gagalitin." Dagdag niya at umayos ng tayo. Kumunot ang noo ko.

"Hindi naman kita ginagalit ah?" Tanong ko. Umiwas siya ng tingin tila may gustong sabihin pero hindi masabi.

"Bukas, pupuntahan kita sa school mo. Hintayin mo ako." Aniya. Nanlaki ang mga mata ko at napaayos ng tayo.

"Huh? Bakit? Anong gagawin mo dun?" Tanong ko at nameywang. Nginisihan niya lang ako.

"Ibibili kita ng manika. Peace offering." Sabi niya. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Ayan! Nang-aasar na naman.

"Loko ka!"

Humalakhak siya at kinamot ang kilay. Napatitig na naman ako dun. Ugali niya na talaga siguro iyon.

"Di. Seryoso. Ibibili kita ng kahit anong gusto mo." Sabi niya at ngumiti. Kung kanina, halos hindi ako makahinga. Ngayon, parang hihimatayin yata ako. Ano ba itong nararamdaman ko?

"Kahit huwag na. Basta huwag mo na lang ulitin iyong kahapon." Sabi ko at ngumiti rin. Kita kong bumaba ang tingin niya sa labi ko at nagtagal dun ang mga mata niya.

"No. Ibibili kita. Wag nang matigas ang ulo. Okay?" Sabi niya na para bang nakikipag-usap siya sa isang bata. Inosente na lang akong napatango. Napangisi siya at tumango din.

"Good girl." Sabi niya at tumawa ng malakas. Sumimangot ako sa pang-aasar niya.

"Ewan ko sayo."

Sumapit ang hapunan at kumakain kaming lahat dito sa malaking lamesa sa Maid's quarter. May sarili kasing kainan ang mga kasambahay dito. Tapos ng kumain ang magkapatid. Hindi ako lumabas habang kumakain sila. Ayokong makita si Rocco, nahihiya kasi ako. Isipin ko pa lang na pupuntahan niya ako bukas ay parang kinukuryente na ako. Ngayon pa kaya na sariwa pa ang mga nangyari kanina?

"Naku! Parang himala talaga." Namamanghang sabi ni Ana tungkol sa anumang pinag-uusapan nila ni Ate Pasing.

"Talaga ba? Himala nga kung ganoon." Ani naman ni Ate Pasing.

"Kanina nga nung inutusan ako, ang kalmado ng boses! Nakangiti pa." Natatawang sabi ni Ana. Kumunot ang noo ko sa pinag-uusapan nila.

"Kanina rin! Hindi niya ako sinungitan. Ano kayang nakain ng batang iyon at biglang bumait?" Sabi ng isa pang medyo may katandaang kasambahay.

"Sino ba iyan, Juleng?" Kuryusong tanong ni Nanay Mercy.

"Si Rocco!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo. Namilog ang mga mata ko. Siya pala?

"Oh, eh di dapat matuwa kayo! Hindi iyang pinagtatakhan niyo." Umiling si Nanay Mercy.

"Oo nga. Baka bukas makalawa, bugnutin na naman iyon." Tumawa ang isang kasambahay.

Siniko ako ni Mama na katabi ko. "Ikaw ba? Inaaway ka pa rin non?" Tanong niya. Umiling naman ako at yumuko.

"Huwag kang maglalapit don." Aniya.

Hindi na lang ako sumagot. Gustohin ko man ngunit parang may pwersang pilit pinaglalapit kaming dalawa. Lalo pa't ayaw non pumayag sa gusto kong tumigil na sa paglilinis ng kwarto niya. Kaya, Nay, paano ko iiwasan ang mokong na iyon?

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon