Chapter 39

47K 1.2K 187
                                    

Pinunasan ko ang tumulong pawis sa noo ko gamit ang likod ng aking palad. Ginamitan ko nang pwersa ang pagsuk-sok ng shorts ko sa travelling bag na ipinahiram ni Rocco. Pagkatapos ay inabot ko naman ang panibagong damit at ipinasok sa bag.

Napa-buga ako ng hangin nang sa wakas ay natapos ako sa pag-iimpake. Alas kwatro pa lang ng umaga ay gising na ako. Pagkatapos kong maligo ay dali-dali kong inimpake ang mga gamit na dadalhin ko sa Batangas. Hindi kasi ako nagkaroon ng oras kagabi kasi tinulungan ko si Rocco na mag-impake ng mga gamit niya.

Atsaka, sabi niya huwag na daw akong magdala nang maraming damit dahil papahiramin niya na lang daw ako. Kaya konting damit na lang ang inimpake ko ngayon.

Biyernes ngayon at mamayang alas siyete ang byahe namin patungong Batangas. Hanggang umaga ng linggo ang bakasyon namin dun kaya nae-excite talaga ako.

Bumukas ang pinto at pumasok si Nanay. Lumapit siya sakin at sinuri ang travelling bag ko.

"Ito lang ba ang dadalhin mo?" Tanong niya. Tumango ako.

"Opo, Nay."

Nakapag-paalam na din ako kay Nanay. Sabay kami ni Rocco'ng nag-paalam. Marami pang binilin si Nanay kay Rocco na hindi ko na narinig. Kung ano ang mga iyon ay silang dalawa na lang ang nakakaalam.

"Siya, pumanhik ka na. Maga-alas sais na." Aniya at niligpit ang mga munting kalat ko sa kwarto. Binitbit ko ang bag at lumapit kay Nanay upang mahalikan siya sa pisngi.

"Bye, Nay." Niyakap ko siya pagkatapos. Hinaplos niya ang ulo ko at ngumiti.

"Sige na. Baka naghihintay na si Rocco sayo." Niyakap ko pa siya ng ilang sandali bago tuluyang lumabas na ng kwarto.

Pagkarating ko nang kwarto ni Rocco ay naabutan ko siyang nagsu-suot ng polo shirt. Naka khaki shorts lang din siya kagaya ko. Pero mas maikli lang ng kaonti ang akin. Binili niya ito nang mag-punta kami ng mall noong lunes. At sabi niya ay ito daw ang susuotin namin ngayon.

"Good morning." Ngumiti ako ng malapad sakaniya. Seryoso niya naman akong tiningnan pero nakikita ko ang galak sa mga mata niya.

"Morning." Tipid niyang tugon. Lumapit ako sa kama niya kung saan naroroon ang malaking travelling bag niya at isang kulay itim na backpack.

"Are you ready?" Tanong niya habang inaayos ang mangas ng polo niya. Ngumisi ako.

"Oo."

"Are you excited?"

"Super!"

Naningkit ang mga mata niya saglit pero agad ding nag-iwas ng tingin. Ayan na naman siya! Ayaw niya kasi talagang sumama kami sa bakasyon na ito. Sabi niya kung gusto ko raw ng bakasyon, pwede daw kaming mag-bakasyon dun sa sarili nilang private resort sa Bulacan. Kaming dalawa lang daw. Pero hindi ako pumayag.

Bumaba ang tingin niya sa travelling bag ko. Na sakaniya naman talaga. Yumukod siya at hinila iyon. Kumunot ang noo ko.

"Uh, konti lang ang dinala kong damit. Gaya ng sabi mo." Anas ko. Tumango siya at tahimik na binuksan ang bag.

Sinuri niya ang loob at nagulat ako nang inilabas niya isa-isa ang mga damit dun. Una niyang nailabas ang manipis kong t-shirt. Itinabi niya iyon pagkatapos suriin.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko. Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa ginagawa niya.

Nailabas niya naman ngayon ang shorts kong nabili ko sa tiangge. Maong iyon at medyo maikli. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Ano 'to?" Naningkit ang mga mata niya sakin. Napa-nganga ako sa gulat.

"Uh, shorts? Pan-ligo?" Patanong kong sagot. Umigting ang panga niya at itinapon ang shorts sa malayong dapit ng kama niya.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon