Chapter 59

39.1K 1.2K 237
                                    

Umaga ng linggo ay nag-tungo agad ako sa opisina ni Miguel. What happened last night traumatized me. Parang ayoko nang humawak ulit ng ganun kalaking event. Hindi ko alam kung ang pagkakamali ba namin ang tumakot sakin o ang galit ni Rocco.

"We seriously don't have to give back the money, Dane! Bukod sa malulugi tayo ay hindi naman natin iyon kasalanan! Sinunod lang natin ang nakalagay sa details!" Ani Miguel habang nakatayo sa likod ng kaniyang swivel chair. Labis ang pagtutol niya sa pagbabalik ng pera kay Rocco.

"Pero bakit mo sinabi iyon kay Rocco kagabi?" Naguguluhan kong tanong. Tumalim ang tingin niya na para bang nagbalik ang kaniyang galit nang maalala si Rocco.

"I was just so mad! Sinabi ko lang iyon para ipa-mukha sakaniyang kaya nating ibalik ang milyones niya. Pero kung tutuusin, hindi naman natin kailangan!" Aniya. Pagod akong napa-hilot saking noo at napa-upo sa upuang nasa harap ng kaniyang table.

"Miguel, alam ko. I'm just scared na baka sirain niya ang reputasyon ng C&L dahil sa nangyari at mawalan tayo ng mga kliyente! Rocco is an influential businessman, isang salita niya lang maaapektuhan agad tayo." Sabi ko. Umikot si Miguel at tumayo sa harap ko.

"And what do you think of me, Dane? I'm not influential? Kaya ko siyang labanan!" Inis niyang sabi. Napapikit na lamang ako.

"Hindi iyan ang ibig kong sabihin! Gusto ko lang umiwas sa gulo. Let's just give him what he wants." Pagod kong sabi. Kagabi pa ako pagod. Parang na drain ako sa lahat ng nangyari.

"And that is to give him a compensation? That's unfair, Dane! Nag-trabaho tayo ng maayos! Parang pagkain lang pinapalaki niya pa! Hindi naman nag-reklamo ang mga guests." Hindi makapaniwalang sabi ni Miguel.

"Please, Miguel.. this is our first time to fail a client. I don't know how to solve this. Ang tanging nakikita kong paraan ay ang ibigay ang gusto ni Rocco." Mahina kong sabi.

"Kaya nga! First time 'to! At dapat nating ayusin ng patas at maayos. I don't understand your point." Naiiling niyang sabi. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil-pisil.

"Please..." nagmamakaawang sabi ko. Napa-buntong hininga siya at inis na tumalikod sakin. Bumalik siya sakaniyang upuan at padabog na umupo.

"Bahala ka, Dane! Nagpapa-dala ka sa aroganteng lalaking iyon." Aniya at hindi na ako sinulyapan pa. Itinuon niya na lamang ang kaniyang pansin sa mga papeles niya.

Dahan-dahan akong umatras matapos kong pulutin ang aking bag. Tumitig ako sa busangot na mukha ni Miguel. I know he's mad. Pero hindi naman siya nagtatanim ng galit. Mamaya o bukas lang din ay babalik na iyan sa pagiging pilyo. This is not the first time he got mad at me.

"Sa opisina lang ako.." mahinang sabi ko. Hindi siya sumagot at mas bumusangot pa ang mukha. Tipid na lamang akong ngumiti at tumalikod na upang lumabas ng kaniyang opisina.

Nang nakapasok saking opisina ay agad kong hinalughug ang aking table para hanapin ang mga papers kung saan naroroon ang mga detalye ng event. Binigay iyon ng sekretarya ni Rocco at naaalala ko talagang Spanish cuisine ang nakalagay para sa pagkain.

Nang nakita ko ang mga papers ay dinuoble check ko agad at nakitang Spanish cuisine talaga ang naka-sulat. Sang-ayon at naniniwala naman akong hindi namin iyon kasalanan. At kung madadaan pa sa matinong usapan ay maaari kong ipakita ito sakanila bilang pruweba na totoo ang sinasabi namin. At baka hindi na rin namin kailangang isauli ang bayad nila.

Sinuri ko pa ang lahat ng detalye at nakitang na-sunod naman namin lahat. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinag-didiinan ni Rocco na pumalpak kami sa pagkain. Magaling naman ang Caterer na kinuha namin. At tama si Miguel na wala namang reklamo galing sa guests. Bakit, Rocco? Ginagantihan mo ba ako?

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon