Chapter 19

44.9K 1.3K 112
                                    

Napapikit ako ng madama ang kaniyang mainit na labi sa noo ko. May kiliti din akong naramdaman na bumaba at nanatili iyon sa bandang tiyan ko. Pero nang lubos ko na iyong naintindihan ay malakas ko siyang naitulak palayo sa akin.

Gulat akong nakatingin kay Rocco. Siya naman ay pagod lang akong tiningnan. Ano iyon? Hinalikan niya ako! Bakit niya ako hinalikan? Anong motibo niya? 'Diba may girlfriend siya? Nag-puyos ang damdamin ko.

"Itigil mo na ang pagtuturo sa lalaking 'yon." Mariin niyang sabi matapos ang nakakabinging katahimikan. Inirapan ko siya.

"At anong pakialam mo? Anong magagawa mo kung gusto ko talagang turuan siya?" Matapang kong tanong. Nagbalik naman agad ang galit sa mukha niya.

"Sige! Subukan mo! Nang makita mo talaga..." pabitin niyang sabi. May tunog banta sa boses niya kaya kinabahan ako. Pero agad ko iyong iwinaglit.

Hindi ko siya maintindihan. Ang gulo niya! Andun na ako sa ayaw niya ang ginagawa ko dahil labag iyon sa pagtratrabaho ko sakanila. Pero bakit parang may nakikita akong kakaiba sa galit niya? Parang may iba pa siyang ikina-gagalit? At iyong halik? Ano iyon?

Uminit ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin.

"B-bakit mo pala a-ako hinalikan?" Nakayukong tanong ko. Narinig ko ang buntong hininga niya. Lumapit ulit siya sa akin.

"Bawal ba?" Tanong niya at hinila ang upuan ng study table niya. Umupo siya sa harap ko, sobrang lapit niya sa akin. Kinulong ng mga binti niya ang tuhod ko. At yumukod sa akin.

Nanlaban ako sa titigan. May pawis sa noo niya at namumula ang tungki ng ilong. Ang makapal na kilay ay nagulo dahil sa kanina niya pang pagkakamot dito.

"Bakit nga? Hindi ka dapat basta-bastang nanghahalik!" Bulyaw ko.

Hindi niya ako sinagot. Nakatitig lang siya sa akin na para bang hinahayaan niya akong mag-litanya.

"T-tsaka... may girlfriend ka! Ano na lang ang iisipin at mararamdaman nun 'pag nalaman niyang h-hinalikan mo ako... ako... ako sa noo?" Nanginginig ang labi ko. Bumalik sa isip ko ang mga iilang eksenang nakita ko silang magkasama at sobrang sweet. Kahit may pait akong nararamdaman dun ay hindi ko pa rin gusto ang ginawa niya. Dahil kung ako ang nasa sitwasyon ng babae, masasaktan din ako. Sobrang masasaktan.

"H-huwag mong sabihing nanghahalik ka lang ng kung sinu-sino?" Bulalas ko ng maisip na posibleng ginawa niya rin ito sa iba. At ang masaklap pa ay baka higit pa roon ang nagawa niya! Tinaliman ko siya ng tingin.

"Tama nga ang sinabi ng Mommy mo! Playboy ka katulad ng Daddy mo!" Naiinis kong sabi. At mas lalo pa akong nainis ng pumangalumbaba lang siya habang mariing nakatitig sa mukha ko. Talagang hinahayaan niya lang akong magsalita! Ni hindi man lang siya nagre-react.

Nang nainip ay tinulak ko ang mga binti niya palayo sa akin at tumayo. Doon siya parang natauhan. Hindi pa ako nakakahakbang ay mabilis niyang hinarang ang isang braso niya sa akin. Masama niya akong tiningnan.

"Upo." Ma awtoridad niyang utos. Iwinaksi ko ang braso niya pero ginamitan niya na ako ng pang-lalaking lakas kaya pabagsak akong napa-upo pabalik sa kama. Inirapan ko siya.

"Kanina ka pa nang-iirap, ah?" Maangas siyang tumango. Iirapan ko sana ulit siya pero pinigilan ko na lang. Baka sumabog.

"Aalis na ako! Tutal mukhang tapos ka naman siguro, diba?" Sarkastiko kong sabi. Mariin pa rin ang titig niya sa akin.

"'Tsaka gusto ko ng mag bihis! Nanlalagkit na ako!" Reklamo ko at ngumuso. Tiningnan ko ang polo ko at nakitang may mga dumi na doon.

Tumikhim siya at tumayo. Lumapit siya sa side table ng kama at may kinuha sa drawer nito. Nakita kong isa iyong cellphone. Iyong dati niyang cellphone na minsan niyang naiwan sa sofa noon. Umiwas ako ng tingin.

Umupo ulit siya sa silya sa tapat ko at mas umusog palapit sa akin. Kinalikot niya ang cellphone at habang ginagawa niya iyon ay nagkaroon ako ng pagkakataong titigan siya. Seryoso ang mukha at kunot ang noo niya habang may ginagawa sa cellphone niya. Ang itim na mata ay lumiliwanag dahil sa ilaw ng cellphone. Magka-salubong ang kilay na tila may iniisip. Ang matangos niyang ilong ay may konting bilugang pawis at namumula ito. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang mapula at ang mga papatubong bigote dito.

"Listen..." biglang anas niya kaya halos napatalon ako. Kumunot ang noo niya sa reaksyon ko at pinag-taasan ako ng kilay. Tsk. Sungit.

"Ibibigay ko sa'yo to. Ite-text kita bukas 'pag nasa labas na ako ng school mo." Mabilis niyang sabi. Napaawang ang bibig ko sa narinig. Ano daw?

"A-ano? Anong ibibgay mo 'yan sa'kin? At ano? Pupunta ka ng school?" Naguguluhan kong tanong. Umigting ang panga niya.

"You'll use this phone whether you like it or not. And yes, pupunta ako sa school niyo. I'll make sure you're not accompanied by that dipshit anymore." Matigas niyang sabi.

Napahilot ako sa noo ko. Parang sumasakit yata ang ulo ko! Ano ba 'to? Huminga ako ng malalim at pilit kinalma ang sarili.

"Rocco, hindi mo na kailangan-"

"Sumunod ka na lang, Dwayne!" Putol niya sa sasabihin ko. Uminit ang ulo ko sakaniya.

"Okay! Sige! Ano pa nga bang magagawa ko? Eh amo kita at katulong mo lang ako, diba?" Sarkastiko kong sabi at umiwas ng tingin.

"Good. Let's go." Aniya at tumayo na. Lumabas siya ng kwarto ng hindi man lang ako hinintay. Nagmamadali kong pinulot ang bag kong natapon pala sa sahig at sumunod na.

Paglabas ko ay nakatayo na si Rocco sa may hagdanan at nakapamulsa. Naglakad ako at nilagpasan siya. Nakayuko lang ako habang bumababa at nabigla sa nag-aalalang boses ni Nielo.

"Dwayney!" Mabilis na tumayo si Nielo mula sa sofa at lumapit sa akin. Tulad ko ay hindi rin siya nakakapag-bihis pa. Sumulyap siya kay Rocco sa likod ko.

"What happened? Did Kuya hurt you?!" Natatarantang tanong niya. Hindi pa ako nakakasagot ay tinaliman niya na ng tingin ang Kuya niya. Sinugod niya ito at hinila ang polo ni Rocco pataas.

"Anong ginawa mo?!" Galit niyang tanong. Parang wala lang si Rocco habang nakatingin sa kapatid niya. Halos magkasing-tangkad na sila pero lumalamang pa rin talaga si Rocco.

"Noon ko pa napapansin iyang pag-trato mo kay Dwayne, Kuya! You don't just drag someone just like that! Lalo na kay Dwayne!" Sigaw niya. May iilan na akong nakikitang katulong na dumudungaw sa komosyong nagaganap dito. Yumuko ako sa hiya. Ako ang dahilan nito kaya paniguradong may matatanggap akong sermon galing sa Mayordoma at kay Nanay nito mamaya.

"Mind your own fucking business, Nielo." Matigas na sabi ni Rocco at inisang waksi lang ang mga kamay ni Nielo.

"Dwayne is my business!"

Tumalim ang tingin ni Rocco kay Nielo. Sinugod ito ni Rocco at kinwelyohan.

"Bakit ba ang hilig hilig mong makialam, ha?" Galit na si Rocco. Na-alarma ako dahil parang hindi aatras si Nielo. Natatakot akong baka mag-suntukan na lang sila bigla!

Marahas na binitawan ni Rocco si Nielo kaya muntik na itong matumba. Mabilis ang hininga ni Nielo kaya nilapitan ko na ito.

"Nielo, tama na. Ayos lang. Hindi niya naman ako sinaktan." Inalo ko siya at hinawakan sa likod. Agad naman iyong tinanggal ni Rocco.

"Mag-bihis ka na." Malamig niyang sabi at hinila na ako palayo kay Nielo. Marahan niya akong tinulak patungo sa Maid's Quarter. Narinig ko agad ang galit na daing ni Nielo.

Nilingon ko sila. Pareho silang nakatingin sa akin. Galit ang mukha ni Nielo habang wala namang emosyon si Rocco. Nagtagal ang tingin ko sakaniya at tiningnan ko siya na para bang sinasabi kong huwag niya nang papatulan si Nielo. Tipid siyang ngumiti at tumango sa akin.

"Damn you, Kuya! Damn you!" Mura ni Nielo. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Rocco at tumakbo na ako patungong kwarto.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon