Chapter 40

47.7K 1.2K 117
                                    

Wala sa sariling napa-kapit ako sa braso ni Rocco. Labis man ang aking gulat ay hindi ko ipinahalata at sinalubong ang mapanuring tingin ni Megan sakin. Sinalubong nila Ross ang kanilang mga girlfriends. Si Third ay dumiretso sa high chair sa may bar counter at si Megan naman ay tahimik na nakaupo sa gitna ng apat na babae.

"Hi, Rocs!" Bati ng tingin ko ay girlfriend ni Troy. Tumango lang si Rocco. Bumati din ang ibang babae at ganun lang din ang reaksyon ni Rocco.

"Who's he?" Rinig kong tanong nang katabing babae ni Ash. Bumulong si Ash dito at kita ko ang pag-awang ng mga labi ng babae at manghang napatingin sakin.

Tumingala ako kay Rocco at sinuklian niya lang ako ng maingat na tingin. Huminga ako ng malalim at binalik ang tingin sa limang babaeng nasa akin ang tingin.

"H-hi.. Ako si Dwayne." Ngumiti ako sakanila. Nag-taas ng kilay si Megan at bumaba ang tingin niya sa kamay ni Rocco na nasa beywang ko.

"Hello! I'm Tasha." Lumapit ang babaeng tingin ko rin ay girlfriend ni Ash sakin. Kinuha niya ang kamay ko at shinake ito.

"Nice to meet you." Sabi ko. Matamis siyang ngumiti at nabigla ako ng tumayo rin ang tatlong babae at lumapit sakin.

"Hi, Dwayne! Ako si Ruth." Pakilala ng girlfriend ni Troy. Tumango ako sakaniya at ngumiti.

"Vivian." Nag-lahad ng kamay ang babaeng katabi kanina ni Drew. Tinanggap ko ito ng buong puso at ngumiti.

"And I'm the sexiest, Nica." Sabat ng girlfriend ni Ross at kumindat sakin. Mahina akong natawa.

"Nice meeting you all." Tumango ulit ako sakanila. Nag-ngisihan lang sila at sabay silang nag-lipat ng tingin kay Rocco at tinaasan ito ng kilay.

"My girlfriend." Maangas na tumango si Rocco sakanila. Tila nagmamayabang. Kita ko ang pag-awang ng mga bibig nila at sabay na naghagikhikan.

"We know! We're just waiting for you to say it!" Bulalas ni Tasha. Nanlaki ang mga mata ko sakanila. Nakita ni Nica ang reaksyon ko pero kumindat lang ulit ito.

"Finally! After years, naipakilala mo rin samin si Dwayne." Sabi ni Ruth. Napatingala lang ulit ako kay Rocco na may ngisi sa mga labi.

"Nag-pumilit, eh." Aniya at tinaasan ako ng kilay. Sinimangutan ko lang siya.

"Dapat lang din, Rocs. We now have a new member." Sabi ng medyo seryosong si Vivian. Nailang ako sa titig niya.

"Yeah! Dapat i-welcome natin siya mamaya, girls!" Masayang sabi ni Nica at nag-apiran sila. Napangiti ako dahil katulad lang din sila ng mga boyfriends nilang makukulit.

Nag-usap pa kami saglit bago kami inaya ni Troy na magtanghalian na. Malaki ang Dining Room ng bahay at sobrang lawak din ng long table. Maraming nakahandang pagkain sa lamesa at hindi na nila pinatagal pa at nag-simula na kaming kumain.

Kaharap ko si Megan na maarteng kumakain habang paminsan-minsan ay tumitingin samin ni Rocco. Katabi niya si Third na inosenteng kumakain.

Ibinaba ko ang mga kubyertos at pa-simpleng bumulong sa tahimik na si Rocco.

"Bakit hindi mo sinabing nandito ang ex mo?" Mahina ngunit may diin kong bulong. Natigilan siya at masama akong tiningnan.

"She's not my ex." Halos hindi bumubuka ang bibig niya habang nag-sasalita. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakita nga siya nandito?"

"Hindi ko rin alam. I will ask Troy later." Aniya. Napahinga ako ng malalim at tumitig sakaniya.

"Hindi ka ba naiilang?" Tanong ko.

"Why would I? She's nothing." Bored niyang sagot at lumamon ng ulam. Napapikit na lang ako at kumain ng tahimik.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon