Chapter 16

38.2K 1.2K 61
                                    

Lumipas ang ilang araw at ganun pa rin ang inaakto ni Rocco. Naging mailap siya at tila ba iniiwasan ako. Hindi niya na ako pinaglinis ng kwarto niya. Sa 'twing magkakasalubong kami ay parang hangin niya lang akong lalagpasan. Hindi niya rin ako kinompronta tungkol dun sa ginawa nila ng babae niya. Parang kinalimutan niya lang lahat. Kabilang na ako dun.

Dumating na din si Nielo galing Canada. Ang dami nga niyang pasalubong sa'kin eh. Sa loob ng ilang araw ay natuwa ulit ako dahil nakita ko na siya.

"He kept on asking us to buy you pasalubong, Dwayne." Nakangiting sabi ni Ma'am Remilyn sa akin. Nahihiya naman akong ngumiti.

"Naku, salamat po. Ang rami po nito." Sinulyapan ko ang mga paperbags na nakalatag sa carpeted floor. Tumawa lang ng mahina si Ma'am Remilyn.

"You're of the same age and I heard pareho kayong nasa Grade 8 na." Sabi naman ni Sir Alfonso. Nakaakbay ito sa asawa. Nakaupo silang dalawa sa malaking sofa habang pinagmamasdan kaming dalawa ni Nielo. Pagkarating kasi nila ay pinatawag agad ako ni Nielo at ito ang bumungad sa akin.

"Opo, Sir." Tumango ako. Namamangha akong nakatingin sakanila. Hindi din naman kasi sila palaging namamalagi dito kaya ang makita silang prente lang na nakaupo at nag-ngingitian ay nakakapanibago.

"Marami pa talaga sana 'to, Dwayne. But I know you will not accept kaya..." nagkibit balikat si Nielo at inilahad ang mga paperbags.

"Salamat, Nielo. Salamat po, Ma'am, Sir." Bahagya akong yumuko.

"It's nothing, Dwayne. Palagi kang kinikwento ni Nielo sa amin." Nakangiti si Ma'am Remilyn sa akin.

Sa loob ng ilang taon ay ngayon lang nila ako napansin. Kaya ng malaman nilang nakakasundo ko ang kanilang bunsong anak ay tuwang-tuwang sila.

"I never knew na ikaw pala iyong pinagpa-alam ni Delya sa aking anak niyang dadalhin niya dito." Sabi ni Ma'am Remilyn sa akin. Mestiza ito at mahinhin. Kasalungat ng asawa niyang moreno at matigas ang itsura pero mabait naman. Ang gaganda ng lahi nila. Hindi na nakakagulat kung bakit ganun na lang ang itsura ni Rocco at Nielo.

"At alam mo, Mom? Ang talino po ni Dwayne, tinuturuan niya ako sa mga lessons ko. Pero minsan lang. Ayaw kasi siyang ipahiram sa'kin ni Kuya." Madaldal na sabi ni Nielo. Natigilan ako sa sinabi niya at nag-iwas ng tingin. Bumilis ang kabog ng dibdib ko.

"Oh really? You're friends with our Rocco too?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Ma'am Remilyn. Hindi ko alam kung iiling ba ako o tatango.

"Yes, Mom. He's Kuya's personal assistant." Tumawa si Nielo. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Tumawa din ang Mommy niya at bakas ang saya sa mukha ng tumingin sa akin.

"Where's that boy, anyway?" Tanong ni Sir Alfonso. Luminga-linga pa ito upang hanapin ang panganay na anak.

"He's probably upstairs. Hayaan mo na, at his age now, madalas talagang matulog 'yan. No wonder why he's so tall now." Naiiling na sabi ni Ma'am Remilyn.

Hinila ako ni Nielo at pina-upo sa kabilang sofa. Binitbit niya ang mga paperbags at dun ay pinanood niya akong buksan isa-isa ang mga pasalubong niya.

Nang mag-hapunan ay wala si Rocco sa hapag. Masinsinang nag-uusap ang mag-asawang Del Francia at tahimik namang kumakain ang kulot na si Nielo. Pagkatapos kong mailapag ang isang ulam ay pumwesto na ako sa gilid katabi ni Nina at ilang kasambahay na naghihintay ng utos.

"Rocco's classmates are going to have dinner here." Narinig kong sabi ni Ma'am Remilyn. Para namang humaba ang mga teynga ko sa narinig.

"Then where are they now?" Tanong naman ni Sir Alfonso.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon