Chapter 33

39.1K 1.1K 102
                                    

Hikbi ng hikbi si Nanay habang kine-kwento ko sakanila ang lahat. Si Nanay, Nanay Mercy, Ana at ako lang ang natitira sa loob ng kwarto. Wala akong ibang nagawa kundi ang sabihin ang totoo at lahat lahat tungkol samin ni Rocco.

Natatakot na ako. Natatakot sa maaaring mangyari pagkatapos ng lahat ng ito. Mukhang labis ang pagtutol ni Nanay pero hindi naman na siya nag-sasalita pa. Si Ana ay tahimik na naka-yuko sa tabi at si Nanay Mercy ay malamyos na hinahaplos ang kamay ko.

Walang ibang nagsasalita kundi ako lang. Walang sumabat. Tila hinahayaan akong magsalita. Mas lalo akong kinakabahan sa ganito. Mas mabuti pa iyong may sinusumbat si Nanay kesa sa ganitong tahimik lang siya. Hindi ko alam ang maaaring iniisip niya ngayon. Napapikit ako sabay nang pag-usal ng mahinang dasal.

"Mabuti pa't pag-usapan niyo na lang itong mag-ina mamaya, papanhik na ako sa kusina't paniguradong dumating na si Nielo." Sabi ni Nanay Mercy at tumayo na. Inalalayan siya ni Ana. Sinulyapan niya ito at tumango.

"Sumunod ka na lang, Ana." Si Nanay Mercy. Tumango si Ana at sumulyap sakin.

Napatingin ako kay Nanay na naka-upo sa kama namin. Problemado ang mukha kaya naramdaman ko agad ang pag-kirot ng puso ko. Hindi ko kayang isipin na ako ang dahilan nang lungkot niya. Hindi ko matanggap na sa kabila ng lahat ng ginawa niya para sakin ay ito lang ang isusukli ko.

Nagulat ako nang biglang tumayo si Nanay at walang paalam na lumabas ng silid. Natulala na lang ako sa pintong nilabasan niya. Napapikit ako sa sakit.

"D-dwayne..." mahinang tawag ni Ana. Nanghihina akong napatingin sakaniya. Namumugto ang mga mata at puno nang pag-sisisi ang mukha. Umiwas ako ng tingin.

"P-pasensya na, Dwayne. H-hindi ko akalaing hahantong sa g-ganito..." hikbi ni Ana. Parang nilakumos ang dibdib ko. Humantong na nga. Humantong na ang kinatatakutan ko.

"H-hindi ka na sana nakialam pa." Mariing sabi ko. Bahagyang napalakas ang hikbi niya.

"Nakakalat kasi i-iyon sa kama ni Rocco." Sabi niya. Parang nagsisisi na yata akong hayaan si Rocco sa desisyon niya noon. Ang desisyon niyang patigilin na ako sa paglilinis ng kwarto niya at i-utos na lang ito sa iba. Pero huli na. Nangyari na.

"U-umakyat si Ate Delya upang t-tawagin ka sana k-kasi galing siya nang t-tiangge... may binili siyang b-bagong damit mo. Hindi n-niya alam na h-hindi ka pa d-dumating." Sabi ni Ana. Nanginginig na ang mga labi ko sa pagpipigil ng hikbi. Ang mga luha ko ay tahimik na tumutulo ngunit ang puso ko'y maingay na kumakabog.

"D-dahil nga palagi ka n-namang nag-lalagi sa kwarto n-ni Rocco, a-akala niya siguro nandun k-ka na. T-tapos... nakita niya a-akong hawak i-iyon. P-pero maniwala ka, Dwayne. H-hindi ko ibig na ibuking ka. Kayo ni Rocco." Lumapit si Ana sakin at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay at namamawis.

"M-matagal k-ko nang napapansin, ako at ni N-nina pero h-hindi kami k-kailanman kumibo. T-tinuturing ka na n-naming parang b-bunsong kapatid, Dwayne..." mahigpit na mahigpit ang hawak ni Ana sa kamay ko at tila takot sa maaari kong isumbat sakaniya.

Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang magalit sakaniya. O kahit sa sinumang kasambahay. Kahit iyong humusga at nandiri sakin. Kahit iyong tumutol. Hindi ko magawa. Kasi naiintindihan ko sila. Naiintindihan ko ang tadhana. Naiintindihan kong darating ang panahong ito, gaano ko man gustong pigilan at kinakatakutan. Tanggap ko ang pananaw ng mundo sa bagay na ito.

Pero ang hindi ko matanggap ay iyong sakit na dulot ng lahat. At hindi ko kailanman maiintindihan kung bakit kailangang masaktan habang nag-mamahal.

Simula pa lang alam ko na ang mga maaaring kahahantungan nito. Sa loob nang dalawang taon ay hinahanda ko na ang sarili ko sa mga posibilad kahit takot ako. Na baka pina-subok lamang sa akin ito at hindi rin magtatagal. Noon, naiintindihan ko, tanggap ko. Pero ngayong harap-harapan nang nangyayari, ngayong konti na lang ang bibilangin at maaaring mangyari ang bagay na kinatatakutan ko, tila hindi ko matanggap. Ayoko. Hindi maaari. Parang gusto kong itulak paatras ang oras para lang hindi mangyari ang bagay na iyon.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon