Chapter 10

39.1K 1.3K 91
                                    

Lulan na kami ng tricycle ngayon. Katabi ko ang driver. Si Rocco naman ang malapit sa pintuan ng tricycle. Papunta na kasi kaming tiangge, natatawa nga ako kasi parang nahihirapan si Rocco sa posisyon niya. Bahagya siyang nakayuko dahil nga maliit lang naman ang tricycle at matangkad siya. Naaawa ako na natutuwa. Ginusto niya ito eh. Bahala siya diyan.

Pagkatapos ko siyang paulit-ulit na tanungin kung nag-cutting ba talaga siya, ay nanahimik na lang ako. Ayaw niya talagang umamin kahit halata naman. Sabi niya huwag ko na raw sirain ang lakad namin dahil naghanda siya para rito. Ewan ko nga at biglang may kiliti akong naramdaman sa tiyan ko at mga tuhod.

"Malayo pa ba tayo?" Bulong niya. Napatingin ako sakaniya. Nakangiwi siya habang nakayuko. Tumutulo ang pawis sa noo niya. Namumula rin ang pisngi niya dahil sa init. Gusto ko tuloy matawa. Ang cute.

"Oo. Mga limang minuto na lang." Sabi ko at itinuon na ang atensyon sa tinatahak naming daan. Nakakakita na ako ng mga tao at mga tindahan. Konti na lang at aabot na kami sa sentro. Kung saan naroroon ang tiangge.

"Sabi ng sa mall na lang, eh." Bulong niya pero rinig ko pa rin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Malayo nga. Tsaka, ayaw mo non? Mas mura dito." Sabi ko. Sumimangot naman siya.

"Don't mind the price! Sagot ko naman eh." Aniya at pinahid ang pawis sa noo niya gamit ang likod ng kaniyang palad. Ngumisi ako.

"Dami mong reklamo. Maghintay ka na lang, makikita mo. Ang saya kaya sa tiangge."

Hindi niya na ako sinagot pero naririnig ko siyang bumubulong-bulong. Sinamaan ko siya ng tingin. Inirapan niya lang ako at kumapit ng maayos sa bakal.

Maya-maya lang ay huminto na rin ang tricycle. Nag-abot si Rocco ng isang daan at nagmamadaling lumabas. Nag-inat agad siya ng makatayo na. Kumunot naman ang noo niya ng makitang hindi pa rin ako bumababa.

"Baba ka na!" Inip niyang sabi at nameywang. Nginisihan ko lang siya.

"May sukli pa." Tipid kong sagot. Umawang naman ang bibig niya, tila hindi makapaniwala.

Inabot sakin ng driver ang sukli at nagpasalamat na ako. Bumaba ako at agad namang kumaripas ng takbo ang tricycle. Sinundan ni Rocco ng tingin iyon. Natawa ako. Parang tanga.

"Hoy!" Sinundot ko ang braso niya. Tumingin naman siya sakin ng nakakunot ang noo.

"May sukli pa iyon? Bakit?" Tanong niya, na para bang ang laking problema non at hindi kayang solusyonan ng 'oo' at 'hindi'. Inikotan ko siya ng mata. Palibhasa kasi!

"Syempre! Eh syete lang naman ang pamasaje dun. Eh di may sukli pa!" Ani ko at binigay sakaniya ang sukli, tinanggap niya naman. Kita kong namangha siya.

"Wow... That's so cheap! Sasakay ulit ako don!" Parang batang sabi niya. Nakakapanibago siya tingnan ngayon. Kasi bukod sa parang masaya siya eh ang aliwalas din ng mukha niya ngayon. Hindi katulad ng palaging madilim niyang awra.

"Halika na nga! Rumarami na ang tao. Magkaka-siksikan na." Hinawakan ko ang pulsuhan niya at sinimulan na siyang hilahin. Ang bigat naman nitong lalaking ito. Ano kayang kinakakain nito?

Tumitingin tingin ako sa mga tindahan. Maraming magagandang damit, gamit sa paaralan, laruan, sapatos, tsinelas, bag at kung ano ano pa. Nalilibang ako sa kakatingin ng mga paninda. Nilingon ko si Rocco na hila-hila ko pa rin para sana alamin kung nalilibang din ba siya pero iba ang naabutan ko. Mataman siyang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa bisig niya. Titig na titig siya na hindi niya alintana na medyo masikip na dahil rumarami na ang tao. Bahagya kong kinurot ang bisig niya gamit ang kamay kong nakahawak dito. Napangiwi naman siya.

"Tulala ka diyan! Tumingin-tingin ka naman. Ayan na oh!" Nginuso ko ang mga paninda. Tsaka naman siya kumurap-kurap at bumaling sa mga iyon. Nilibot ng kaniyang mga mata ang buong lugar. Halatang naninibago siya. Alam ko naman iyon eh. Alam kong sa mga malls siya sanay at hindi dito. Pero sabi niya bibili niya ako ng peace offering. Eh nandito yung mga gusto ko. Ayaw ko naman dun sa mahal. Nakakahiya kaya.

"There! Let's go there." May tinuro siya pero hindi ako dun napatingin. Kung hindi sa kamay niyang nakahawak naman ngayon sa bisig ko. Siya na naman ang humila sakin papunta sa kung saang tindahan. Bahagya akong napangiwi dahil masyadong mahigpit ang hawak niya sa bisig ko. Ang laki pa naman ng kamay niya.

Hinila niya ako papunta dun sa mga school supplies. Maraming gamit pang-eskwela. Napatingala ako sa kaniya.

"M-may bibilhin ka?" Litong tanong ko. Umiling siya at inayos ang pagkakasabit ng bag niya sakaniyang likod.

"Eh bakit tayo nandito?" Pumalibot ulit ang mga mata ko sa buong tindahan. Maraming magagandang gamit at nakaka-engganyo ang mga iyon.

"Para bumili ng mga gamit mo?" Patanong din niyang sagot. Napasinghap ako.

"Eh may mga gamit naman na ako!" Ani ko. Umirap naman siya at nilahad ang kamay sa mga paninda.

"Basta bumili ka ng kung anong wala ka." Sabi niya. Napatingin ako sa isang batang babae na nasa loob. Katabi ng isang may edad ng babae. Siguro anak niya. Nakatingin siya kay Rocco at may matamis na ngiti sa labi. Tumingin ulit ako kay Rocco at nakitang parang hindi niya naman napapansin iyon. At dahil siguro hindi pa rin ako gumagalaw ay siya na mismo ang nagtingin-tingin doon.

Lumapit na rin ako. Dun ako sa mga papel dumiretso. Naisip kong paubos na ang one half paper ko. Kumuha ako ng isa. Nakakita rin ako ng mga ballpen. Kumuha ako ng isang red ballpen dahil gamit iyon lalo na sa checking.

Sumulyap ulit ako sa babae at nanlaki ang mga mata ko ng nasa gilid na siya ni Rocco. May tinitingnan si Rocco at nasa gilid niya ang babae na parang isang tinderang naghihintay kung anong bibilhin ng costumer. Hindi naman siya pinapansin ni Rocco pero nainis ako sa nakita. Sus! Kahit kelan, kahit saan talaga. Alindog ng lalaking ito! Inirapan ko ng patago ang babae at nagpatuloy na lang sa pagtingin.

Inis kong kinuha ang isang balot ng construction paper. Marami pa naman ako nito pero iyong kay Rocco paubos na. Para ito sakaniya para maidagdag ko sa mga gamit niya sa study table niya.

Hindi naman siguro siya magagalit kung hahaloan ko ng mumurahing gamit ang mga gamit niya diba? Tsaka hindi niya rin iyon mahahalata kasi ako lagi gumagawa ng projects at portfolio niya. Tss.

"Dwayne!" Tawag ni Rocco. Napalingon ako sakaniya. Humahakbang siya palapit sakin, tiningnan ko ang kaniyang likod. At nandoon ang babae, naiwan sa pwesto nila kanina. Buti nga!

Nang nakalapit ay napansin kong may hawak siyang kulay pink na bagay. Gusto kong matawa dahil hindi bagay sakaniya ang magbitbit ng pang-babaeng kulay. Inilahad niya sakin iyon.

"Here." Aniya. Isa iyong pencil case na may Barbie at pink feathers na disenyo. Parang nag-ningning naman ang mga mata ko sa nakita. Kinuha ko iyon sa mga kamay niya at hinaplos-haplos.

"Ang ganda..." Sabi ko.

"Yeah." Tumingin ako sakaniya at naabutan siyang matamang nakatitig sa mukha ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Naiilang ako sa titig niyang iyan. Napaiwas ako ng tingin at tumikhim.

"Use that one instead of Nielo's gift to you." Mariing sabi niya. Agad naman akong napatingin sakaniya. Ano daw?!

"Hah?"

"Huwag mo iyong gamitin." Dagdag niya pa. Napakunot na ang noo ko.

"Eh anong gagawin ko don? Maganda naman iyon ah?" Naguguluhan ako sakaniya. Hindi mo rin talaga maintindihan to minsan eh.

"Itapon mo! Tsaka mas maganda iyan, diba?"

"Grabe ka naman! Itapon agad? Sige, hindi ko na gagamitin pero hindi ko rin itatapon." Sabi ko. Hindi na siya pumalag.

"Tapos ka na pumili?"

Tumango ako. Iminuwestra niya ang kahera.

"Halika na." Tinalikuran niya na ako at nagsimulang maglakad papunta sa kahera. Susunod na sana ako ng matigilan dahil sa nakita. Iyong babaeng bata ang nasa kahera at malisyosang nakangiti sa papalapit na si Rocco.


The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon