Chapter 1

10.8K 180 16
                                    

Trisha's POV

*kring-kring*

5:30 ko pina alarm ang alarm clock ko kaya 5:30 ako gumising.
At kaya rin ako nag pa alarm ng umaga kasi kailangan kong maagang pumasok sa new school ko.

Oo nag transfer ako ng ibang school dahil sa family problem. Naghiwalay kasi ang Mommy at Daddy ko dahil lang sa maliit na bagay. Pwede pa naman sanang pag usapan ang problema nila kaso nangibabaw galit nila.

Masakit mang isipin na wala na sa tabi namin ni Mommy si Daddy, kailangan ko tong tiisin para makapag patuloy ako sa pag aaral.

So eto na, habang umiingay ang alarm clock ko bumangon ako na nakapikit ang dalawa kong mata. Inaantok pa kasi ako.

Dahan-dahan akong tumungo sa banyo para maligo. Doon ko na dinilat ang mga mata kong naka pikit.

Pero hindi pa kaya ng mga mata kong idilat ito kaya nakatulog ako doon ng 30 minutes. Habang naghihilik ako, nagulat ako sa sigaw ni mama kaya nagising ako.

"Trisha,gising na! Mahuhuli ka na sa school mo!"sigaw ni mama.

"Mama naman oh, ang aga-agang ang iingay" sabi ko sabay kati sa ulo.

"Anak! Pasado 6:00 na. Diba 7:00 pasok mo" sigaw ulit ni mama.

"Ano? Pasado 6:00 na? Mama bakit ngayon mo pa lang sinabi sa akin? Hayst malalate ako nito sa school"

Agad na akong naligo at pagkatapos ay nag bihis na. Makalipas ang ilang sandali ay bumaba na ako sa sala.

"Ang tagal mong kumilos anak. Ano pa bang ginawa mo sa kwarto mo ha?" tanong ni mama sa akin.

"Ah ano po ma, may binasa lang ang ako ng kunti about sa school na yun, para makapag advance ako diba" pagsisinungaling ba sabi ko.

"Eh bakit ang tagal?"

Heeh mama daming tanong.

"Ewan ko ma basta wag mo nang isipin yun. Papasok na ako ma, mahuhuli pa ako nito" sabi ko.

"Hindi ka pa kumakain anak"

"Sa school nalang po ako kakain. Bye ma I love you" sigaw ko habang tumakbo  palabas ng bahay.

Nag-aabang ako ng sasakyan sa gilid ng kalsada. Naiinis ako kasi limang minuto na akong naghihintay dito pero wala paring dumadating. Malayo layo pa naman ang school dito sa amin.

Makalipas ang sampung minuto, nakasakay rin ako sa wakas. Pero habang naka sakay ako, naka dama ako ng kaba dahil late na talaga ako at tapos hindi ko pa alam kong saan ako tutungo dun sa bago kong school.

Habang pababa na ako ng bus, hindi parin nawala ang kaba ko.

Nanlaki mga mata ko sa nakita ko.

"Wow! Ang laki naman ng school na'to. Sigurado ako pang mayaman talaga tong school na'to"

Habang naglalakad ako papasok sa school campus naka dama parin ako ng kaba.

"Wag kang kabahan Trisha kaya mo 'to" sabi ko sa sarili ko.

Ito na nakapasok na ako. Ang daming tao. Lahat sila magaganda't gwapo. Parang ako lang ang nakahalo dito ah.

Naglalakad ako kung saan-saan para makita ko ang list ng mga students dito.

Habang naglalakad ako, hindi ko namalayan na meron palang tao sa likod ko kaya nabangga ko siya.

"Sorry po miss di ko po sinasadya" sabi ko sa matangkad at magandang babae na may kasamang dalawang kaibigan babae.

"Buta ka ba ha? Wait, bago ka dito noh?" taas kilay niyang tanong sa akin.

"Ah opo tama po kayo" sabi ko.

"Then you shouldn't be here, BASTARD HAHAHAHA" sabi niya sabay tawa.

"I shouldn't be here? Bastard? Ganito ba sila umasta sa mga bago dito?"

Nakakawalan ng ganang magpatuloy dito.
Lalo na sa mga asal nila.

Naglilibot nalang ako sa malaking school nato.

Kung saan saan ako umabot.

Habang naglilibot ako, naka ramdam ako ng pagod. Sa totoo lang pinagod ko lang sarili ko sa paglilibot eh hindi ko pa naman alam kung saan dapat pupunta.

Nakaupo ako ngayon sa isang cottage na parang ako lang ang nakakaalam. Ang tahimik kasi dito tsaka parang wala naman talagang nakakaalam dito.

Ang ganda puntahan dito kapag bored ang isang tao o di kaya kailangang mag isip ng mag isa.

Ang sariwa ng hangin dito. Ang linis pa ng paligid.

Habang nakaupo ako dito at nilalanghap ang priskong hangin, meron akong narinig na nag tatawanan. Boses mga lalaki.

Natakot ako kaya dali-dali kong kinuha ang bag ko at umalis na sa kinauupuan ko.

Tumakbo ako at hindi ko na alam kung saan pabalik sa maraming tao.

"Saan ba ako dumaan kanina? Diba dito naman talaga ako dumaan. Aaahh kakainis naman oh"

Iniisip ko kung saan ako huling dumaan kanina. Sumakit na ang ulo ko sa kakaisip.

Teka, saan ko ba narinig ang tawanan ng mga lalaki? Sigurado akong doon ang daan pabalik sa harap ng school.

Bumalik ako sa cottage na pinuwesto ko kanina pero naka tago ako sa puno para hindi ako makita ng mga lalaking nag uusap at nagtatawanan.

Nag-iisip ako kung ano ang gagawin ko para hindi ako mapansin ng mga lalaki.

Pero kahit anong gawin ko, makikita parin nila ako dahil maluwag ang ground na 'to at wala pang punong naka tayo dito.

Napag-isipan kong tatakbo nalang at hindi ko na sila pansinin kung sakaling  tawagin nila ako.

Bumilang ako ng tatlo at pag abot ng tatlo ay tumakbo na ako ng mabilis.
Peru kahit anong bilis ng pagtakbo ko ay nahuli parin nila ako.

"Hoy babae tigil!" sigaw ng lalaki pero hindi ko ito pinansin at tuluyan na akong naka sibat.

Humihingal ako sa kakatakbo para matakasan lang ang mga lalaking yun.

"My god hahanapin ko pa pala  classroom ko. Ano na naman ba ang gagawin ko?
Alam ko na, magtatanong na lang ako.










Itutuloy...

Transferee Girl (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن