Chapter 42

1K 37 1
                                    

Kinabukasan nagising nalang ako na parang walang nangyari kagabi. Peru sumakit ang ulo ko. Bumangon na ako habang hawak-hawak ang masakit kong ulo.

Bumaba ako at tumungo sa kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos kong uminom may naramdaman akong kakaiba sa lower part ko.

Tinignan ko ito at nagulat ako dahil wala akong short na sinuot. Lumingon ako sa likod at nakita ko dun si kendrick na nakatulalang nakatingin sa akin.

Buti na lang mahaba ang damit ko dahil kung hindi siguro na kita na ang wow legs ko ni kendrick. Hahah

"Oyy bakit ka nakatulala dyan?"

"Ha.. ah wala magbihis ka nga. Nakakairitang tignan eh"

"Sos maarte hmmp~"

Padabog akong umakyat sa taas. Nakakainis kasi si kendrick eh. Ayaw aminin na gusto nyang makita ang legs ko. Hmmp~

Pag-akyat ko agaf akong bumihis. At pagkatapos ay bumaba agad.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko ang mesa na nakahanda na ang pagkain peru wala dun si kendrick. Nasan kaya sya?

Pumunta ako sa sala para tignan sya. Peru wala sya dun. Lumabas ako  ng bahay peru wala sya dun. Asan kaya yung lalaking yun?
Hmmp~ bahala na nga sya. Mauna nalang akong kakain.

Bumalik na ako sa kusina upang kumain. Pagpunta ko dun nakaupo na si kendrick at dahan-dahang kumain.

"San ka ba galing? Hindi naman kita nakita kanina dito ah"

"Pumunta ako saglit sa kwarto ko. Bakit namiss mo ako"

"Hmmp~ bakit naman kita mamimiss eh parati naman kitang kasama"

"Kahit na. Aminin mo nalang na ayaw mo akong mawala sa tabi mo"

"Oo na ayokong mawala ka sa tabi ko. Ano may tanong ka pa? Kakainis!"

"Pati din naman ako eh. Ayokong mawala ka sa tabi ko"

"Kain na nga tayo nagugutom na ako"

Sumunod nalang sya sa sinabi ko. Tahimik kaming kumakain para bang walang tao.

Pagkatapos naming kumain naisipan kong magdilig ng halaman. Umikot ako sa likuran para kunin ang hose.

Sinimulan ko na ang pagdilig ng halaman. Habang si derick naman ay parang boss kung umupo sa gilid ng pool.

Hinayaan ko nalang sya dun. Nagtaka ako kung bakit wala si tita kaya lumapit ako sa kanya para tanungin.

"Ken- - - nasan si tita?"

"Nasa bahay nyo gusto raw kasi nyang maka usap ang mommy mo"

"Ganun. Okay"

Bumalik na ako sa kinatatayuan ko kanina. Ilang sandali ay nakita ko si hannah na naglalakad at may kasama syang lalaki. Lumabas ako ng gate at agad syang ginulat.

"Boohhh! Hahah saan kayu pupunta? At sino sya?"tanong ko.

Lumapit sya sa akin at bumulong.

"Boyfriend ko sya"

"Sooss boyfriend lang pala. Bakiy binubulong mo pa. Ikinahihiya mo ba sya. Suss grabe ka hannah"

"Grabe ka naman magsalita trisha. Para namang hindi mo ako kaibigan"nakasimangoy nyang sabi.

"Syempre joke lang yun. Lab lab kaya kita hihih"sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Sige trish alis na kami ha"

"Sige ingat kayu"

Pinanood ko muna silang umalis saka pumasok sa loob ng bahay.
Pagbukas ko sa pinto, bigla na lang sumakit ang puson ko kaya napahawak ako nito at ngumingiwi sa sakit.

"Ooouucchh! Ang sakit naman! Kaya mo 'to trisha kaya mo 'to. Uhh... uuhh.. aray!"napasigaw na talaga ako dahil sobrang sakit na. Dali-daling lumapit sa akin si kendrick galing sa labas.

"Trisha? Anong nangyari sayo? Hoy!"

"Masakit yung puson ko. Aray.."

"Dadalhim kita sa hospital"

"Wag na. Iinom na lang ako ng gamit. Mawawala naman to agad eh. Kunting pahinga lang"

"Ganun ba. Ano bang gamot ba ang iinumin mo para mabilhan kita"

"Try mong bumili ng buscopan"

"Sige sige. Hatid muna kita sa kwarto mo"

Dahan-dahan kaming humakbang paakyat dahil sa bawat hakbang ko ay sumasakit ang puson ko.

Nang makarating na kami sa kwarto, agad nya akong pinahiga sa kama at agad nagpaalam para bumili gamot.

Ako na lang mag-isa ngayon sa kwarto. Kinumot ko na ang unan kasi nadagdagan pa ang sakit nito. Gusto kong taniman ng bomba ang tiyan ko para mawala na ang sakit. Huhuhhu..

At dahil sa sakit, bumagsak na ako sa sahig dahil sa hindi ko mapigilang lumikot. Sa ilang sandali ay nakarating na si kendrick na may dalang baso na may lamang tubig at gamot.

Pagbukas nya sa pinto nakita nya akong nakahandusay sa sahig habang hinahawakan ang tiyan, dali-dali nyang nilagay sa mesa ang hawak nya at agad akong tinulungang tumayo.

"Sobrang sakit ba?"

"Oo kendrick. Hindi ko kaya"sabi ko habang tumutulo ang luha.

"Kaya mo yan trisha. Nandito naman ako sa tabi mo eh. Hinding-hindi kita pababayaan pangako yan"

"Nasan na ang gamot?"

"Ayy eto pala"

Pagkatapos kong ininom ang gamot dahan-dahan akong humiga. Nasa tabi ko si kendrick na hinawakan ang bimpo na may lamang ice cube sa puson ko.

Sobrang swerte ko talaga sa kanya. Kahit minsan nagtatalo kami inaalagaan nya parin ako. At kahit minsan hindi kami nagkaintindihan mahal nya parin ako. Kaya ko sya mahal dahil sa lambing at maalagain nyang tao.

"Nabawas bawasan na ba ang sakit?"tanong nya.

"Oo. Salamat kendrick"

"Wag ka ngang magpasalamat. Responsibility kong alagaan ka dahil girlfriend kita. Kaya maswerte ka dahil ako ang naging boyfriend mo dahil kung hindi. Aba baka patay ka na ngayon"tinapik ko sya sa braso." Grabe ka ha. Lahat naman siguro ng mga lalaki maalagain"

"Hindi kaya. Kaya nga kita piniling maging kasintahan ko diba dahil alam kong araw-araw mong kailangan ng tulong"tinapik ko na naman sya sa braso." Grabe ka hindi naman araw-araw noh"sabi ko.

"Hahaha joke lang yun. Gusto ko lang na pagalitin ka para makatulog ka na"

"Bakit gusto mo akong makatulog ha?"

"Para pag gising mo wala nang sakit na nararamdaman mo sa puson mon okay"

"Okay sweet b"sabi ko sabay ngiti.

"Anong sweet b?"

"Sweet boyfriend hihih"

"Hahaha matulog ka na nga. Utusan ko muna si nanay tosing na mag luto ng lugaw mo"

"Sige sweet b"

"Aissh~ sweet b ka dyan. Sige labas na ako"tuluyan na syang lumabas ng kwarto. Gaya ng sinabi nya kailangan kong matulog para pag gising ko mawala na ang sakit sa puson ko.

Itutuloy...

Transferee Girl (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora