Chapter 5

3.4K 92 1
                                    

                   

Nandito ako ngayon sa gilid ng kalsada. Naglalakad pauwi kasi pinapauwi kami ng Teacher namin. Ewan ko ba kung bakit.

Kung nagtataka kayo kung bakit ako naglalakad kahit alam niyo naman na malayo ang bahay namin sa school, naglalakad ako kasi gusto kong maka save ng pamasahe. Nasayangan kasi ako sa pera kapag isasakay ko pa. Pwede namang maglakad diba. Bahala na kung malayo basta maka uwi lang ako.

Makalipas ang tatlumpong minuto ay nakarating na ako sa bahay namin. Pagtingin ko sa bahay ay bukas ang pinto kaya nagtaka ako kung bakit ito bukas.
Baka may taong magnanakaw na pumasok sa loob. Patay ako nito.

-signing the cross-
Lord tulungan mo ako. Gabayan mo sana ako sa bawat hakbang na dadaanin ko baka kasi mapahamak ako.

Dahan-dahan na akong pumasok sa loob. Ang bilis ng tibok ng puso ko parang na inlove na hindi naiintindihan ang nararamdaman.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, tinawag ko si Mommy baka kasi nasa loob lang siya. Pabalik-balik na akong tumatawag kay Mommy subalit hindi siya sumasagot.

Kahapon naabutan ko siya ditong wala, pati ba naman ngayon wala siya. Buhay talaga.

Nanginginig na ang mga paa ko sa kaba. Parang hindi na ako makagalaw sa nginig. At tumutulo pa ang mga pawis ko.

Nagulat nalang ako bigla dahil may malakas na ibang tunog sa taas kaya nadagdagan ang kaba ko.
Napasigaw ako sa gulat.

Hindi ko na kaya to. Baka multo yun. Ayoko na surrender na ako dito. Dito na lang ako sa labas. Hihintayin ko nalang si Mommy na dumaing baka kasi multohin pa ako.

Lalabas na sana ako ng makita ko si Kendrick at Kenneth at dalawa nilang kasama na naglalakad.

Lumaki ang mata ko nang makita ko sila. Pumasok agad ako sa bahay at sinara ko ang pinto para di nila ako makita.

"Bakit sila nandito? Sinundan ba nila ako? Hala. Baka sila yung nasa taas. Peru paano eh hindi nila kayang tumalon sa bintana. Ang taas kaya nun"

May iba namang tunog na narinig ko sa taas kaya kinabahan na naman ako.

Ano ba yan. Tama na please kinabahan na talaga ako. Hindi magandang laro to.

Para matapos na ang kaba ko, naisipan kong pupunta nalang ako sa taas.

Dahan-dahan akong naglalakad paakyat sa taas. Nang may nakita akong baseball bat ay agad ko itong kinuha. Nilagay ko ang bag ko sa sahig at nag umpisa nang lumakad papunta sa taas.

Hindi ako maka concentrate sa paglalakad ko kasi nanginginig ang mga paa ko.
Tiniis ko nalang ang panginginig at kaba ko para matapos na ang lahat ng 'to

Pag dating ko sa taas, inuna kong puntahan ang kwarto ni Mommy dahil sa kwarto niya ang narinig kong tumunog.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nagulat ako na may halong takot ang nararamdaman nang may nakita akong isang lalaki na nagtatago sa ilalim ng kama. Sumigaw ako ng malakas at nadagdagan pa ang sigaw ko nang tumayo ito. Tumakbo ako pababa at nadulas ako sa sahig kaya umiikot ikot ako sa hagdan pababa. Nakaramdam ako ng sakit pero tiniis ko ito at tumakbo ako palabas.

Kendrick: Tol narinig niyo ba ang naririnig ko?

Jacob: Bakit ikaw lang ba ang may tenga?

Derick: Oo tol narinig namin 'yon.

Kenneth: Saan galing yun?

Kendrick: Parang dun yata oh.

Transferee Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now