Chapter 15

1.6K 53 3
                                    


      Trisha's POV

Maaga akong nagising dahil sa weird kong panaginip. Nakakatakot peru may halong kilig. Kinikilig ako kunti. HEHEHE

Agad na akong pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako.

Bumaba na ako peru hindi ko nakita si Mommy sa sala para paghandaan man lang ako ng pagkain.

Tumungo ako sa ref para maghanap ng makakain ko.

Gutom si tummy ko eh.

Pagbukas ko sa ref may nakita akong maraming pagkain peru kailangan pang lutuin.

Kinuha ko nalang ang loaf bread at ladys choice para yun nalang ang kainin ko.

Baka ma late pa ako kung magluluto pa ako.

Nang nasa kalagitnaan na ako ng pagkakain ko, narinig ko ang footsteps ni Mommy na pababa ng hagdan.

Nang naka baba na siya tumungo siya sa sala.

"Bakit yan lang ang kinain mo?"tanong niya habang kinakati ang ulo.

"Eh hindi ka nagluto ng pagkain eh. Kaya ito nalang kinain ko"taray kong sinabi sa kanya at kumain parin ng kumain.

"Sana ginising mo ako para paglutuin ka"sabi niya habang lumalapit sa akin. Tinalikuran ko siya at akma ng umalis.

"I need to go now. Im late"taray kong sabi habang kinuha ang bag na pinatong ko sa lamesa. Nag aabang na ako ng masasakyan at sa ilang minuto ay naka sakay na.

Pagbaba ko sa tapat ng school, nakita ko yung lalaking nanakit sa akin kahapon kaya tumakbo ako ng mabilis para matakasan siya.

Baka kasi uulitin pa niya ang pananakit niya sa akin kahapon.

Ang totoo nyan hindi ko pinaalam ni Mommy ang nangyari kahapon kasi alam ko na susugod sya dito at ipapahiya lang ako sa mga mayayamang estudyante.

Kaya tumahimik na lang ako.

Nang nasa loob na ako ng classroom uupo na sana ako nang may humila sa aking braso.

Napalingon ako agad sa kanya.

Si beatrice na naman. Bakit ba lagi niya akong pagtripan. Wala naman akong ginagawa sa kanya ah.

"I saw you and paulo yesterday. The two of you are fighting. How are you now? Do you feel pain in your head?"tanong nya habang hawak pa ang braso ko.

Tinapik ko ang kamay nya para mapahiwalay ang kamay nya sa pagkahawak ng braso ko.

"I thought you never concern. Bakit mo ako kinamusta?"sarcastic kong tanong sa kanya habang tinaasan siya ng kilay.

"Well as you said I also concern kaya hindi mo lang nakikita. Concern lang ak- - -"hindi ko sya pinapatuloy sa pagsasalita dahil alam kong lahat ng sinabi nya hindi totoo.

"Please nga beatrice leave me alone!"sigaw ko sa kanya at akmang lalabas na sana nang hinila niya naman ang braso ko.

Bakit braso ko palagi mong hinihila? Nainggit kaba sa laki ng muscle ko? Eh ikaw kasi hipon!

"Wag mo akong pagsisigawan ha! You didn't know what my personality is"bumilog ang mata niya at hinigpitan pa ang pagkahawak sa braso ko kaya napa aray ako.

"Aray! Beatrice masakit bitawan mo ako!"sigaw ko habang nasasaktan na sa pagkahigpit ng pagkahawak nya.

"Oh you really hurt? I thought your strong. Ilabas mo ang tapang mo! Babae na ang nasa harap mo at hindi na lalaki kaya ilabas mo na ang tapang mo!"sigaw nya na akmang sasampalin na sana nang pigilin sya ng kaibigan nya.

"Beatrice stop it! Hayaan mona siya hindi ka naman niya inaano diba"galit na sabi ni sheryl.

"Hmmp!"umalis si beatrice sa harap ko at nasalubong niya si professor sa pinto kaya napa takbo sya pabalik sa upuan nya.

Pumunta agad si professor sa harap.

"Good morning students. May ipakilala ako sa inyo now. Iha halika pasok ka na"rinig namin na may tinatawag siya sa labas.

"Ito nga pala si hannah. She's new here in our school. So I want you to respect her as a part of our school okay"sabi nya at akmang aalis na sana nang may nakalimutan syang sasabihin kaya nagpatuloy sya sa kanyang sasabihin.

"Ah may bakante bang upuan dyan?"tanong ni sir na naghahanap ng upuan na hindi ginamit o walang umupo.

Nilibot ko rin ang paningin.

Sa gilid ko lang ang bankante kaya tumayo ako.

"Ah sir dito nalang po siya sa tabi ko. Wala po kasi akong katabi"sabi ko habang dahan-dahan ng umupo.

"Sige iha dun ka sa tabi ni Trisha. Trisha bantayan mo siya ha. Sige I have to go na may emergency meeting lang kami sandali"sabi nya at agad nang umalis.

Naglakad na si hannah palapit sa akin kaya inayos ko ang upuan nya.

"Salamat Trisha"sabi nya sabay ngiti.

"Ba't mo nalaman pangalan ko?"agad kong tanong sa kanya.

"Tinawag ni sir yung name mo kanina diba"sabi niya habay inayos ang pag-upo.

"Ayy oh nga pala. Ang tanga ko. HEHEHE"nahiya ako kaya napangisi na lang ako.

Ilalagay ko na sana ang headset ko sa tenga ko ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"Trisha?"sabi nya.

"Bakit?"

"May kailangan ka?"dagdag ko.

"Ah wala. Gusto ko lang sanang makipag friend sayo kung ok lang sayo. Hindi naman ako mahiyan eh"sabi nya sabay ngiti.

"Naku yan lang pala. Oh naman. Friend?"ngumiti ako at nakipag shake hands sa kanya. Kitang kita sa mukha nya hindi sya mahiyain. Baka makulit tong babaeng to. HAHAHA..

Itutuloy....

Transferee Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon