Chapter 13

1.7K 61 2
                                    


            
             Trisha's POV

Maaga akong napa bangon dahil rinig na rinig sa loob ng kwarto ko ang ingay sa baba kaya bumaba ako upang makita kung sino ang nag ingay.

Nang nasa sala na ako, nakita ko si Mommy na may kasamang lalaki. Yung lalaking kaibigan raw nya.. si Joseph..

Lasing na lasing si Mommy pati rin yung lalaki kaya sila nag ingay.

At yung lalaki naman naka yakap lang kay Mommy.

"Ano kaya ang namamagitan sa dalawang lasinggero at lasinggera na'to?
Makaduda sila ha"sabi ko sarili ko nang naka kapit sa hagdan.

Matapos ko silang nakita, umakyat agad ako sa kwarto ko para maligo na.

Pumasok ako sa banyo at naligo. Pagkatapos nun ay nagbihis na ng uniporme at umalis na.

Wala na akong balak na kumain ng agahan dahil na bu-bwesit ako sa kanilang dalawa. Sarap sapakin ang dalawang to.

At hayun naka sakay na ako ng jeep and after 8 minutes nasa tapat na ako ng gate.

Huminga ako ng malalim saka pumasok.

Nang makapasok na ako, sobrang ingay ng mga babae sa unahan. Pati na rin sa gilid.

Ewan ko ba kung bakit sila sumisigaw.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad peru kanina pa talaga sila sumisigaw. Hindi ko kayang di malaman kung bakit sila sigaw ng sigaw. Napansin ko na nasa likod ko ang pinag sisigawan nila.

Huminto ako sandali at sinilipan ko ng dahan sa likod ko at OH NO!

Ang po-pogi nila. Maka hearteu naman ang kapogihan nila.

Gusto nyong malaman kung sino yung mga lalaking tinutukoy ko?

Ang tinutukoy ko ay yung grupo nila Kendrick. Biglang gumwapo eh hindi manlang nagtext. HAHAHA CHARRR..

Nang ma statua ako sa kapogihan nila lumapit sa akin si Kenneth at huminga ng malalim.

"Hi Trisha"bati nya at hinawakan ang balikat ko.

Umuuntog na ang heart ko. Please help nyo naman ako.

Baka mauutal pa ako nito.

"A-a-ah  he-hello"sabi ko nga ba eh mauutal ako. Bakit pa kasi sya bumati sa akin.

"Ba't nauutal ka? Do you want water?"sabi niya sabay bigay sa akin ng mineral water.

"A-ahm di hindi ko ka-kailangan ng tu-big may gamot ako dito. Salamat nalang"umalis agad ako sa harap niya kasi sobra na talaga akong nahihiya sa pag-uutal kong pagkasabi sa kanya.

Jusko Lord bakit?bakit?
Bakit 'di mo ako tinulungan kanina? Sobra talaga akong kinabahan.

Nakaupo lang ako ngayon sa chair habang hawak-hawak ang puso ko.

Nasa isip ko parin ang nangyari kanina kaya hindi ko mapigilang lumikot.

"Bakit nya ginawa yun?"napa isip ako bigla. "Hala oh nga. Magkaibigan pala kami no. Bakit ako nagka ganun? Maraming araw na kaming magkasama noon peru hindi naman ako nauutal na kumausap sa kanya ah. Ayoko nang mag-isip pa ng kung ano-anu baka masira pa ang pagkakaibigan namin"

Walang teacher na pumasok sa amin ngayon kaya umingay lang sila ng umingay.

Ako naman naka headset lang while reading books.

Napakunot ang noo ko sa lalaking kumuha ng libro ko.

Ang bastos nito. Kita niya na nagbabasa ako kinuha pa. Wow galing mang distract.

"Bakit mo kinuha? Kita mo namang nagbabasa ako diba"taas kilay ko siyang sinabihan peru napakunot ang noo nya at tinapon niya ito sa mukha ko.

"Ba't mo ginawa yun? May ginawa ba akong mali sayo?"tumayo akong sinabihan siya.

"Anong pake mo? Ano matapang ka?"malakas niyang sinabi kaya napatingin silang lahat sa amin.

"Ulol karin eh no. Alam mo namang babaeng hinaharap mo at hindi lalaki. Kaya obvious na hindi ako matapang sa pakikipag away"nilakasan ko rin boses ko para quits na kami.

"Alam kong babae ka. Eh matapang ka diba k- - - -"hindi ko siya pinatapos dahil gago eh.

"Gusto mong makipag away sa babae? Aba eh bakla ka naman pala eh. Pumatol ka sa babae para malaman nila na matapang ka"gago nya pala eh. Baka natatakot lang siyang pumatol sa lalaki dahil hindi sya gaano ka tapang.

"Anong sabi mo? Bakla ako?!"tinaasan nya ako ng boses at tinulak pa nya ako kaya napa upo ako sa upuan.

Masakit ang pwet ko sa pagka upo dahil napabagsak ako.

"Pumatol ka talaga ah"tinulak ko rin sya gaya ng pagka tulak niya sa akin. Bumagsak sya sa sahig at dali-daling bumangon para gumanti.

Aalis sana ako nang hilain nya ang braso ko at sinampal ng malakas.

Nagulat ang lahat sa ginawa niya.
Hinawakan ko ang pisngi kong namumula.

"Ano? Matapang ka pa?!"galit niyang tanong.

Hindi ko hahayaang saktan niya ako ng ganun.

Tumayo ako, lumapit ako sa kanya at pinagsusuntok ang braso niya peru walang epik sa kanya.

Napatulo nalang ang luha kong pinagsusuntok siya kahit hindi naman siya nasasaktan.

Tinulak nya ako ng malakas kaya nabagok ang ulo ko sa sahig at nawalan ako ng malay.

Kendrick's POV

Magkasam kami ng mga utol ko sa canteen kasi nagugutom yung isa si Jacob.

Lakas lumamon nito eh.

Pagkatapos niyang kumain, bumalik na kami sa classroom namin.

Napansin naming maraming estudyanteng tumitingin sa classroom namin kaya dali-dali kaming tumakbo.

Nakita naming sinampal ng lalaki si trisha.

Susugod na sana si Kenneth peru pinigilan siya ni derick.

Nagpatuloy lang ako sa panonood. Naawa ako sa kanya. Niisa wala man lang tumulong sa kanya.

Lumapit si trisha sa lalaki at pinag suntok ang braso nito. Peru hindi nasasaktan yung lalaki.

Umaagos na ang luha ni trisha.

Nagulat kaming lahat nang tinulak ng lalaki si trisha at nabagok ang ulo nya sa sahig.

Hindi ko na kaya to!

Pumasok kami at sinuntok ni Kenneth ang lalaki. Natumba ang lalaki kaya sinipa niya ito.

Nilapitan ko si trisha at kinarga para dalhin sa clinic.

Nawalan sya ng malay.

Naka sunod lang sa akin si jacob habang si kenneth at derick naman ay busy sa pag bubogbog ng lalaki at yung kasama nya.

Nasa clinic na kami. Pinahiga ko siya sa kama.

"What happen to her?"alalang tanong nung nurse. Hinawakan niya ang pulse beat ni trisha sa leeg.

"Nabagok po yung ulo niya sa sahig dahil tinulak po sya"sabi ko habang naka hawak sa kamay ni trisha.

"Ah ganun ba. Hayaan muna natin syang magpahinga. At tatawagin ko lang kayo kung gising na siya"mahinang sabi nung nurse habang hawak-hawak ang plastic bottle.

Magsalita na sana kami kaso biglang pumasok si Kenneth at Derick.

"Kumusta sya?"hingal na tanong ni kenneth saka lumapit kay trisha.

"She's fine. She need more rest now kenneth. Tatawagin lang tayo ng nurse if she's awake "sabi ko na naka sandal sa dingding.

"Dito muna ako. I will take care of her"hawak-hawak niya ang kamay ni trisha at tinitignan pa nya ito.

"Sige tol una na kami"pamamaalam namin kay kenneth. Lumabas na kami sa clinic at bumalik na sa room namin.

Itutuloy...




Transferee Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now