Chapter 47

998 21 1
                                    

Limang minuto kaming bumyahe. Nang karating na kami dahan-dahan akong lumabas ng kotse. Hinawakan naman nya ang bewang ko.

Pumasok na kami sa loob ng hospital. Magtatanong sana kami kaso bigla kaming tinawag ni tito.

"Nasan si mommy?"

"Andun hali kayo"

Sinundan namin si tito. Nakarating na kami kaya pumasok kami agad.

"Mommy"

"Anak"

"Mommy, bakit po kayo naaksidente?"

"Galing kasi ako kanina sa palengke. Bumili ako ng pagkain namin ng tito mo. Tumawid ako nun sa kalsada nang biglang humarorot yung motor at nasagasaan ako"

"Nasan yung driver?! Papatayin ko!"

"Anak uminahon ka lang. Nakakulong na sya. Naisipan nya kasing tumakas pagkatapos nya akong sinagasa"

"Mag ingat po kasi kayo"

"Oo anak mag iingat na ako. Ang mabuti pa anak umuwi na kayo gabi na at baka lalamigin yang baby mo"

"Baka jacket naman ako mommy"

"Kahit na. Sige na wag nang matigas ang ulo. Si tito joseph mo nalang ang babantay sa akin. Okay naman ako eh"

"Sige po mom alis na kami. Tito alis na po kami"

"Sige ingat kayo"

"Salamat po"

"Kendrick"tawag ni mommy.

"Po?"

"Bantayan mo anak ko ha"

"Opo pangako po. Sige ho alis na kami"

Tuluyan na kaming lumabas ng kwarto. Niyakap ako ni kendrick saka naglakad palabas ng hospital.

Matapos ang sampung minuto ay naka uwi na kami ng bahay.

Sabay kaming umakyat sa taas.

"Trisha wag ka ng malungkot. Okay naman si tita eh"

"Kinabahan lang kasi ako kanina. Akala ko kasi grabe yung sugat nya at akala ko wala na siyang malay. Hindi ko talaga kakayin kapag mawala sya. Siya nalang ang magulang na meron ako tapos mawawala pa"

"Wag ka nang malungkot. Lagi namang binabantayan si tita ng tito joseph mo diba kaya okay lang yan. Ang mabuti pa matulog na tayo"hindi na ako nagsalita pa at pumasok na sa kwarto.

Hindi ko pa pala nasabi sa inyo. Iisang kwarto na kami natutulog ni kendrick. Dahil incase na sasakit na ang tiyan ko mamamalayan ni kendrick kesa ako lang mag isa sa kwarto. Peru dun sya nagbibihis sa kabilang kwarto.

Matapos ang mga pangyayari na yun ay palagi na talagang busy sa trabaho si kendrick. Wala na siyang oras para magtanong pa sa akin kung nakakain na ba ako.

Palagi syang ginagabo ng pag uwi. At napaka aga pang pumasok sa trabho sa umaga kaya nawalan ako ng gana na kumain minsan.

Bumalik ang dati kong pag-uugali na laging natutulog at ginabihan na nang pag gsising.

Peru kapag nagising na ako sa gabi. Hindi pa nakakauwi ng bahay si kendrick. Ang tangi lang magawa no kendrick kapag nakauwi sya sa bahay na tulog na ako ay hinalikan nya lang ang noo ko. Gabi-gabi kong nararamdaman ang halik nya sa noo ko.

Isang araw naabutan niya akong nanood ng tv sa sala habang nakatulog.

Nag sumbong naman si nanay tosing sa mga pinag gagawa ko kaya agad akong ginising ni kendrick.

"Trisha!"

"Oh bakit?"

"Bakit bumalik ka na naman sa dati ha? Lagi ka nalang natutulog, hindi ka pa kumakaim tapos hindi mo pa iniinom ang gatas mo. Ano bang gusto mong gawin ko para tumino ka? Pagod na pagod na ako sa trabaho tapos mababalitaan ko ang mga pinag gagawa mong 'to. Gusto mo bang patayin ang baby natin ha? Trisha hirap na hirap na ako tapos dadagdagan mo pa ang hirap ko!"sigaw nya sa akin. Hahakbang na sana sya paakyat kaso niyakap ko sya sa likod kaya napahinto sya.

"Sorry kendrick kaya ko naman ginagawa 'to dahil iniisip ko na wala ka nang oras para sa akin. Iniisip ko hindi na ako mahalaga sayo"

"Shh... wag ka ngang magsalita ng ganyan. Kaya nga kita pinakasalan dahil sobra kang mahalaga sa akin. Inaalagaan kita ng maayos para maging okay ang anak natin. Tulungan  mo din naman sarili mo oh. Hindi lang ikaw ang mawawalan ng anak kung mag gaganyan ka pati rin ako"

"Oo kendrick magtitino na ako. Sorry na talaga. Pangako aalagaan ko na ang sarili ko"

"Mabuti yan. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa hinintay kasi kita"

"Hindi mo na sana ako hinintay pa kasi alam mo namang ginagabi ako ng pag uwi diba"

"Gusto kasi kitang masabay sa pagkain. Kahit gabi-gabi lang"

"Sige mauna ka na sa kusina magbibihis lang ako sandali"

"Okay"

Kinabukasan hindi na ako natutulog pa dahil lagi kong iniisip ang sinasabi ni kendrick sa akin kagabi.

Naisipan kong paglutuan si kendrick ng ulam. Gusto ko syang patikman sa luto ko mismo.

Nagluto ako ng adobong manok. Favorite nya kasi yun.

"Oh trisha bakit ikaw ang nagluto? Sana tinawag mo kami"

"Okay lang po nay. Sinadya ko talagang magluto para kay kendrick. Ahh.. nay tikman nyo po masarap na po ba?"

"Mmmm... ang sarap naman. Ang galing nyo naman po palang magluto trisha"

"Hihihi thank you po nay"sabi ko sabay yakap sa kanya.

Hinanda ko na sa lamesa ang adobo. Inamoy ko ito ng inamoy at sa narinig kong bumukas ang pinto.

"Si kendrick na yata yun"dali-dali ko itong tinignan at tama ako si kendrick nga.

"Hai kendrick"sabi ko sabay ngiti at niyakap sya.

"Mukhang masaya ka ngayon ah"

"Hihihi.. Oo masaya ako dahil umuwi ka ng maaga"

"Bakit naman?"

"Mamaya ko na sasabihin. Hali ka"

"*sniffmmm... ang bango. Wow mu favorite. Ikaw ba nagluto nyan?"

"Oo tikman mo masarap yan"kinuha niya ang kutsara mula sa pinggan at tinikman niya ang niluto ko.

"Pweehh.. ang pait"

"Anong pait?"

"Joke lang. Ang sarap mo palang magluto"

"Hihihihi"

"Halika sabayan mo ako dito"

"Sige wait lang"

Itutuloy...


Transferee Girl (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora