Chapter 34

1.1K 40 1
                                    

2 months na akong naka stay ng korea kaya tapos na ang pagbabakasyon ko dito. Babalik na ako ng pilipinas.

Ngayon na ang balik ko sa pilipinas. Kasalukuyan na akong nakasakay ngayon ng airplane.

At makalipas ang 4 na oras nakarating na ako sa airport. Bumaba na ako ng plane at tuluyan ng umalis ng airport.

Hindi ako nagpaalam kina mommy na uuwi ako ngayon dahil gusto ko silang masurprisa.

Malapit na akong makarating sa bahay namin. Isang liko na lang darating na kami.

Nang makaratong na ako, agad akong bumaba at kinuha ang mga bagahe sa likod ng taxi.

Bitbit ko ang bag at ang iba hinila ko. Pagpasok ko sa loob nakita ko si mommy at tito joseph na nagkikiliti.
Napangiti ako sa ginagawa nila.

Lumapit ako sa kanila at dun na nila ako nakita.

"Trisha! Anak ko. Bakit hindi mo sinabi sa akin na uuwi ka pala. Sana sinabi mo para masundo ka namin sa airport"

"Gusto ko kasi kayong surprisahin Mom eh heheh. Marami po akong binili dun para sa inyong dalawa ni tito joseph mom. Tingnan nyo lang dyan sa bag aakyat muna ako para magbihis"

"Sige anak salamat"tuluyan na akong umakyat sa taas dala ang isa kong bagahe.

Bukas trabaho na naman ako. Parang wala na akong ganang pumasok bukas.

"Inaantok na ako. Matutulog na nga ako"humiga ako sa kama at niramdam ang pagod para makatulog agad. Makalipas ang ilang sandali ay naipikit ko na ang mga mata ko at tuluyan nang natulog.

Kasalukuyan akong may katawag sa telepono. Nabigla na lang ako nang hinila ako ng dalawang tao. Hindi ko sila nakilala dahil nakatalikod sila.

Pagharap nila sa akin si derick pala at jacob.

"Derick? Jacob? Why did you do this? Don't you see Im too busy. Dinisturbo nyo ko. Bakit nyo ba ako hinila?"tanong ko sa kanila.

"Trisha Im so sorry kung nadisturbo ka namin. Itong araw na kasi eh"

"Anong araw na'to?"kunot noo kong tanong. Hindi ko sila maintindihan eh.

"Itong araw na'to ang kasal ni kendrick"

"Soss yan lang naman pala. Ikakasal na.... what??!! Ngayon na? Nakakalungkot naman, sana masaya sya sa araw nato"

"Ano bang pinagsasabi mo? Halika nga dito"sabi ni derick sabay hila.

"Aray, saan nyo ako dadalhin?"

"Dadalhin ka namin sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nya"

"Please naman wag na tayong makigulo. Baka makulong pa tayo wala akong pampyansa"

"Tanga ka rin eh no. Diba nangako kami sayo na sisirain namin ang kasal nya para lang hindi matuloy. Kaya its our shine to do it now"

"Sigurado ba kayo sa gagawin nyo?"

"Aba oo naman. Planado kaya lahat to. Diba jacob"

"Oo nga trisha. Para malaman mo kami ang tumulong kay kendrick na manligaw sayo. Diba umoo ka nun, kaya for now Im sure hindi kami papalpak sa gagawin namin heheh"

"Sige na nga sasama na ako sa inyo. Peru wag nyo akong idamay sa kalukuhan nyo ha"

"Sos yan lang pala. Sure! Tara baka mahuli pa tayo"dali-dali kaming pumasok ng kotse. Si derick ang nagda-drive dahil si jacob kain ng kain sa dala nyang tinapay. Hanggang ngayon lakas parin lumamon peru hindi naman tumataba. Nakakainggit ang katawan nya.

Nakarating na kami sa simbahan makalipas ang 15 minuto. Agad kaming bumaba ng kotse. Hila-hila lang ni derick ang kamay ko habang nasa likod ko naman si jacob.

Saktong-sakto pagdating namin kakaumpisa lang ng kasal nila. Nang makita ko sila agad akong tumakbo papasok sa simbahan. Tinigilan ako ni derick peru hindi ako nakinig.

"Kendrick! Wag mong ituloy nandito na ako!"sigaw ko habang tumakbo papasok.

"Trisha? Trisha!"

"Baby Kendrick where are you going?!"sigaw nung babae.

"Trisha. Akala ko di na kita makikita pa ulit. Buti dumating ka at sinira ang kasal"

"Hindi ko kasi kayang mawala ka sa buhay ko. At- - - - - - - agghhhh.."sinunggaban ako ng matalim na kutsilyo ng babae.

"Trisha!"

*End of my dream*

"Bigla akong nagising dahil sa weirdo kong panaginip. Akala ko totoo na na sinaksak ako ng kutsilyo. Wala na sana ako ngayon. Jusko po hindi sana to mangyayari. Ayoko pang mamatay. Hindi pa ako ready"

Itutuloy...

Transferee Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon