Chapter 12

1.7K 61 4
                                    

Nang gumising na ako, agad akong bumangon para hanapin si Kendrick.

"Kendrick? Kendrick nasan ka? Nasan na ba yung lalaking 'yon"

Umabot na ako sa sala sa kakahanap kay Kendrick peru hindi ko parin siya nakita, lumabas ako baka sakaling andun siya.

"Kendrick? Kendrick, magpakita ka na please"

May nakita akong isang babae na nakaupo malapit sa pool. Habang nakatayo ako ay bigla siyanh lumingon sa akin. Hindi ko alam kung sino yung babaeng 'yon.

"Ah, nakita nyo po ba si Kendrick?" tanong ko sabay humakbang palapit sa kanya.

"Why? Who are you?" tanong niya sa akin.

"Kaibigan nya po ako. Dinala po niya kasi ako dito ...." Hindi ko natapos ang pagsasaliya ko nang bigla siyang sumingit.

"Girlfriend ka ba ng anak ko?" tanong niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Po? Hindi po. Kaibigan lang po nya ako. Hindi naman type ni Kendrick ang isang tulad ko" Mama niya pala 'tong kausap ko.

"Ah okay akala ko girlfriend ka nya. You know iha, bagay kayo" sabi niya sabay ngiti.

"Hahaha hindi po kami bagay kasi tao po kami. Peru sa totoo lang po panget po ako tsaka magaganda lang ang nagugustuhan ni Kendrick "sabi ko sabay ngumiti ng peki.

"Oo hindi kayo bagay kasi meant to be kayong dalawa. And who told you that you're ugly? If you only said that on your own, well that's not true, walang panget sa mundo maliban yung taong masasama at tsaka kitang kita ko naman sayo na mabait kang tao" sabi niya ng buong puso.

"Ah, salamat po" pasasalamat ko. Akala ko suplada Mama niya kagaya niya kaso hindi pala.
Pinapasok niya ako sa loob para mag-uusap ng kung ano-anu. 

Sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa kasi sobrang nakakatawa ang pinagsasabi ng Mama ni Kendrick.

Habang tawa kami ng tawa ay
kumuha siya ng wine sa ref nika at kumuha rin siya ng baso sa lamesa.
Nang nasa tabi ko na siya habang hawak-hawak ang wine at baso, binuksan nya ang wine at nilagyan ang baso sabay itong binigay sa akin.

Habang busy'ng busy kami sa kakatawa at kakakwento, lasing na kaming dalawa. Kung anu ano na ang pinagsasabi naming dalawa.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Kendrick. Nanlaki mata niya sa nakita niya. Lumapit siya aming dalawa.

"Oh nandito na pala anak ko. Kendrick anak, kanina ka pa hinahanap ng girlfriend mo" sabi nya sabay tawa.

"Mommy? Bakit kayo umiinom? Tsaka pinainom mo pa si Trisha. Mommy, baka pagalitan pa yan ng Mama nya" pag-aalala ni Kendrick.

"Ano ka ba Kendrick, My Mom will never ever get mad at me. Kaya okay lang to. Ang saya palang kasama ng Mama mo eh" sabi ko na parang wala sa sarili.

"Tama na yan. Lasing na kayo oh. Nay tosing!" sigaw ni Kendrick at agad namang dumating yung babae.

"Bakit anak?" tanong ni nung babae.

"Paki hatid si Mommy sa kwarto nya. Ihahatid ko lang si Trisha" utos niya.

"Sige anak. Ma'am hali na po kayo ihahatid na po kita sa kwarto niyo"

"Sino ka? Hahaha Kendrick sino tong matandang to? Nagpapaampon ka ba ng matatanda?"

"Mommy, si nanay tosing yan" sabi ni Kendrick.

Transferee Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon