Chapter 27

1.3K 43 0
                                    

Paglabas ko ng kwarto, yumuko ako habang lumabas.

Pag-angat ko sa aking ulo, nakita ko ang mga mata ni kendrick na lumaki sa nakita.

Binigyan ko siya ng matamis na ngiti kaya napakusot sya sa mata niya.

"Ik-kaw b-aaa yan trisha?"sino sa tingin nya ang nasa harap niya multo? "Hindi hindi si liza soberano to. Syempre naman ako to sino ba naman ang ibang babaeng nakituloy dito diba ako lang aish~"napatawa siya sa sinabi ko. Sabay na kaming bumaba. Pagbaba namin ganun din ang reaksyon nila jacob at derick.

"Tama na ngang reaksyon na yan. Ginawa na yan kanina ni kendrick"sabi ko sa kanila. "Ang ganda mo naman trisha. Para kang princessang anghel"sabat ni jacob.

"Ano ka ba isa lang akong anghel hindi ako princessa haha"nakakatawa talaga sya. "Basta para sa akin para kang princessang anghel"okay okay pagbigyan na nga.

"Tara alis na tayo"pagyaya ni  kendrick. Lumabas na kami ng bahay at sabay na pumasok sa loob ng kotse.

Bumyahe na kami papuntang gym. Doon kasi gaganapin ang acquiantance namin.

Malayo-layo pa ang gym galing dun sa bahay nila kendrick kaya sobra kaming tahimik.

Si derick naman ay inaantok pa sa kakahintay dumating sa gym.
Ako nga rin eh inaantok na peru kailangan kong pigilin tong antok nato kasi sayang kapag nakatulog ako.

Baka pag gising ko nakauwina ko ng bahay na nakagown parin.

And finally were here in front of the gym. Sumigla bigla si derick dahil nakarating na kami.

Una siyang lumabas ng kotse dahil sa sobrang excite.

Dahil nga mataas ang heels ng sandal ko nahirapan akong maglakad. Hindi kasi ako marunong maglakad kapag naka heels.

Pagbaba ko ng kotse dahan-dahan kong binaba ang kanang paa ko.

Nang maibaba ko na ito, binaba ko narin ang kaliwang paa ko.

"Trisha kalma lang sa paglalakad okay. Tiwala ka lang sa sarili mo"sabi ko sa sarili ko habang dahan-dahang humakbang.

Tuloy tuloy na ang paglalakad ko. Parang marunong na yata ako.

Dahil confidence na akong maglakad, hindi ko nakita na may bato pala sa harap ko kaya matutumba sana ako nang biglang hinawakan ni kendrick ang bewang ko. Napalingon ako bigla sa kanya.

"Mag ingat ka kasi"kinikilig na nemen eke hehe...

Hinawakan nya ang kamay ko habang naglalakad papasok ng gym.

Wow ang ganda ng mga disenyo. First time ko pa talagang makita ang mga ganito. Tagaw lang hahah..

Dahan-dahan akong humakbang na hindi nakatingin sa dinaanan. Nakaka attract kasi yung mga disenyo. Super beautiful tama ba yung grammar? Hahaha..

Habang dahan-dahan akong humakbang, may isang lalaking lumapit sa akin. Nagulat ako kasi biglaan eh.

"Hi girl. Sabay ka naman sa amin oh"ako sasabay? Sabayan mo sarili mo hmmp~

"Hindi kita kilala kaya pwede bang bitawan mo ako"pagiinarte kong sabi. Eh bigla biglang humawak eh hindi man lang nagsalita na hahawak siya.

"Hindi mo ako kilala peru kilala kita. Kaya wag kang kj sumabay ka na lang"tigas ng ulo ng lalaking to ah.

"Wala akong pakialam kung kj ako. Hindi kasi ako kagaya sa ibang babae diyan na basta-basta nalang sumasama sa mga lalaking di kilala. Kaya ibahin nyo ako sa kanila. And so bitawan mo na ako"eh nganga ka naman pala eh. Imbes na bitawan nya ang kamay ko, hinigpitan nya ito ng pagkahawak kaya napa aray ako sa sakit.

Transferee Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now