Chapter 23

1.2K 46 0
                                    

Kinabukasan late na akong nagising.

Hindi ko alam na 10 beses na pala akong ginigising ni nanay tosing.

Bumangon na ako. Napunta na naman sa isipan ko si trisha.

Hindi talaga ako mapakali kagabi. Big-bigla na lang syang nawawala.

Today is wednesday. Malapit na ang acquaintance namin. Excited na ako na parang hindi.

Hindi ko pa kasi alam kung nasan talaga si trisha.

Baka kung may nangyari na ng masama sa kanya.

Hindi ko talaga hahayaan na masasaktan sya.

Kasalukuyan na akong nagbibihis ng school uniform ko.

Pagkatapos ay pinapabanguhan ko ang katawan ko.

Bumaba na ako at dumiretso sa mesa kung saan may pagkain na nakahanda.

Agad akong umupo. Umalis na si mommy papuntang trabaho.

Maagang gumigising si mommy dahil sa work nya.

Samantalang ako naghihintay lang na may gumising.

Nakasimangot ako ngayon dahil nga wala si trisha.

Sya kasi ang nagpapangiti sa labi ko.

Sya rin ang nagpapatibok ng puso ko.

Tapos na akong kumain. Nagpaalam na ako kay nanay tosing at agad lumabas papunta sa kotse ko.

Pumasok na ako sa loob at pinaandar na ito.

Makalipas ang 10 minuto, nakarating na ako.

Sinalubong ako ng mga kaibigan ko.

Paglabas ko ng kotse, bigla nalang akong tinapik ni jacob kaya napaaray ako.

"Masakit yun ah. Ano bang nakain mo?"sigaw ko sa kanya habang hawak-hawak ang likod ko.

"Arte mo naman. Mahina lang yun"sabi ni jacob.

Tumahimik na lang ako at nilagpasan na sila.

Hinabol nila ako at agad niyakap sa balikat.

"Bakit ka ba nakasimangot? May nangyari ba? Ayy oh nga pala tol si trisha hindi na pumapasok. May alam ka ba kung bakit hindi na sya pumapasok?"tanong ni derick.
Tinapik ko ang kamay nya sa pagkayakap sa balikat ko.

Napa isip tuloy ako sa sinabi nya. Sasabihin ko ba sa kanila ang totoo kung bakit ako nakasimangot ngayon?

"Yun na nga tol ang problema ko. Simula kahapon hindi ko na sya nakikita. Nag-aalala ako sa kanya kasi baka may nangyari na ng masama sa kanya"nakasimangot kong sabi sa kanila.

"Baka nandun lang sya sa bahay nila"sabi ni jacob.

"Wala sya dun. Nagpunta ako kahapon dun sa kanila"sabi ko.

"Teka tol bakit mo naman na isip na pumunta sa kanila?"gulong tanong ni derick.

Huminga muna ako ng malalim saka nagsalita.

"Ganito kasi yun. Pinatira ko si trisha sa bahay namin dahil umalis sya sa bahay nila"

"Bakit naman sya umalis?"tanong ni derick.

"Noong isang linggo, gabi yun nag cha-chat kami ni trisha. May kumatok sa bahay nila kaya binuksan nya ito. Ilang minuto nang ang nakalipas hindi pa sya bumalik. Parang napindot nya yung video call. Narinig kong sumisigaw sya kaya agad akong pumunta sa kanila. At muntik na syang ma rape"paliwanag ko.

"Kawawa niya naman. Buti dumating ka. Kasi kung hindi may dinadala na sana syang bata ngayon sa tyan niya"sabi ni jacob sabay tayo sa pagkaupo sa gilid ng puno.

"Pasok na tayo"yaya ko sa kanila.

Naglakad na kami papuntang room.

Sakto pagpasok namin nag bell na kaya nasipag upuan ang lahat.

Lahat ng mga babae kinikilig na tumitingim sa akin.

Hindi ko sila nilingon. Bumilog lang ang mata ko sa kakaisip kay trisha.

Makalipas ang ilang mintuo pumasok na ang proffesor namin.

Bumati kaming lahat.

Blah blah blah blah blah....

Tapos na ang discussion nya. Nagpaalam na sya.

Pumunta kami ng canteen ni jacob at derick.

Wala si kenneth dahil hindi sya pumasok. Hindi namin alam kung bakit.

Pagdating namin dun agad kaming umupo. Omorder si jacob ng pagkain.

Habang si derick naman ay tingin ng tingin sa akin.

"Tol okay ka lang ba talaga? Kanina ka pas kasi ganyan eh"alalang tanong ni derick.

"Hindi ako okay tol. Nag-alala ako kay trisha"nakasimangot kong sabi.

"Wag kang mag-alala tol. Tutulungan ka naming hanapin si trisha"sabi derick sabay hawak sa balikat ko.

"Salamat tol"

"Ito na ang food natin. Ito sayo, ito naman sayo at ito sa akin"sabi nya sabay ngiti.

Kumain na kami. Tahimik lang akong nanood sa kanilang masayang nagbibiruan.

*after school*

Pauwi na ako ng bahay. Simangot parin ang mukha ko.

Agad akong umakyat sa taas papuntang kwarto.

Binagsak ko ang cellphone ko sa kama.

Papasok na sana ako ng banyo nang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko ito at tinignan.

From: Unknown number

Hi cendrick. Kumusta sa pag-aalala. Nag enjoy ka ba? Hahaha.
Kung gusto mong makita si trisha na buhay pwes puntahan mo siya. Kailangan bukas in 6:30 you're here na. And one thing don't call police because if you do. Hindi mo na sya makikiyang buhay. Good luck.

"Sino ba tong hayop na dumukot kay trisha?"galit kong tanong sa sarili ko.

Bukas na bukas pupuntahan ko si trisha para iligtas sya.

Itutuloy...

Transferee Girl (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara