Chapter 38

1.1K 36 0
                                    

Kendrick's POV

Excited akong makasama si trisha sa araw na 'to. Susulitin ko na 'to para sa kanya, para hindi sya magsawang makasama ako.

Naisipan kong ipasyal sa magandang lugar para naman makita ko syang ngumiti.

Namiss ko na kasi ang mukha nyang nakangiti. Gusto ko tuloy ibalik ang panahon na wala pang namagitan sa aming dalawa.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa restaurant. Itong kinainan namin ay paboritong restaurant ni trisha.

May dumi sa gilid ng bibig nya nang sinubo nya ang spaghetti kaya pinunasan ko ito para mawala.

Yung pinunasan ko ito, parang nag slowmo ang paningin ko sa kanya. Para bang bumalik yung una ko syang nakita sa school.

Nagslowmo rin kasi ang paningin ko nung lumapit sya sa akin para magtanong.

"Hoy, hahah okay ka lang?"patatawang nyang tanong.

"Ha..ah Oo okay lang ako. Sige kain ka pa. Wag kang masyadong magpakabusog ha kasi marami pa tayong puntahan"

"Uhhmm.. tapos na ako"sabi nya habang punong-puno ng pagkain ang bibig nya.

"Hahah.. tara na nga. Waiter ito bayad namin salamat"umalis agad kami pagkatapos kong inabot ang bayad.

Sumakay kami sa kotse ko at agad humarorot. Dadalhin ko sya sa zoo. Mahilig kasi sya sa mga hayop kaya naisipan ko syang dalhin dun.

"Kendrick saan tayo pupunta?"

"Basta maghintay ka lang. Ito shades gamitin mo para hindi masyadong sumakit ang mata mo"

"Salamat"ibinaling ko na ang tingin ko sa daan para hindi kami maaksidente. Sayang kasi kapag kami ay mamamatay ng maaga. Malungkot ang ending ng story na to kung hindi ako mag iingat diba hahahaha.

Ilang minuto ay nakarating na kami. Nakatulog sya kaya bumaba muna ako saka sya ginising.

"Trisha nandito na tayo gising na. I know you'll love it here"

"Nandito na tayo? Nasan tayo kendrick?"

"Nasa zoo tayo"nagulat sya nang marinig nya ang sinabi ko.

"Zoo? Talaga? Tara pasok na tayo. Excited na akong makita ang mga hayop"excited nga sya.

"Teka teka teka. Dahan-dahan naman sa paglalakad baka madapa ka"nagpatuloy na kami sa paglalakad. Ilang hakbang ay nakapasok na kami.

Tuwang tuwa ako dahil sobrang saya ni trisha nang makita ang mga iba't-ibang hayop.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagpapasyal. Naka ramdam na kami ng pagod kaya nagpahinga muna kami sa ilalim ng puno.

Sumandal ang ulo ni trisha sa balikat ko kaya sumandal rin ako sa ulo nya. Sampung minuto kaming nagpapahinga dun kaya nakatulog kami pareho.

Sa ilang sandali ay sabay naman naming dinilat ang aming mga mata. Tumayo ako samantalang si trisha ay nanatiling umupo.

"Kendrick nauuhaw ako"sabi nya.

"Sige dyan ka lang muna bibili muna ako ng maiinom"sabi ko sabay alis. Pumunta ako sa tindahan at bumili ng isang mineral water at dalawang softdrinks. Pagbalik ko wala na sya dun.

"Nasan kaya yung babaeng yun? Baka pumunta na naman yun kahit saan. Hayys .."

Umupo nalang ako at hinitay na bumalik sya. Ilang sandali ay may narinig akong sigaw ng babae.

"Kendrick!"naku si trisha ba yun?

"Trisha! Nasan ka!"sigaw ko sabay takbo.

"Nandito ako kendrick tulong"

"Nasan ka nga! Sabihin mo naman!"

Malapit ko ng makita si trisha dahil rinig na rinig ko na kung saan galing ang sigaw nya.

At nang nakita ko na sya, sobra talaga akong nagulat dahil nasa taas sya ng puno at may isang tigreng humarang sa baba. Gustuhin ko mang tumakbo peru hindi ko magawa dahil nanigas ang katawan ko.

"Kendrick tumakbo ka baka mapano ka pa! Sige na"wala na akong magawa kundi tumakbo. Safe naman sya dahil nasa taas sya samantalang ako nasa bababa lang pwede akong mahabol ng tigreng yun.

Nagmamadali akong lumakad. Hindi ko alam na nasa likod ko na pala ang tigre. Napatalon ako at humarorot tumakbo. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa hindi na ako mahabol ng tigre.

Huminto ako sa tapat ng bahay ng unggoy. Hindi na sya naka sunod. Tinawag ko ang nagmamay-ari nito para makulong na ulit ang tigre.

Pagkatapos ko silang tinawag agad nilang pinuntahan ang tigre at hindi nagtagal ay nakulong na ito. Pinuntahan ko si trisha at nanatili parin sya dun.

"Trisha baba ka na. Wala na yung tigre pinatay ko na"

"Ano ? Bakit mo pinatay baka pagalitan ka nyan"

"Joke lang ito naman daling mabiro. Baba ka na"

"Paano ako bababa? Saluin mo ako"

Sinalo ko sya at kumunot noo ko nang nasalo ko na sya kasi sobrang bigat nya.

Niyakap nya ako ng mahigpit dahil aobra syang kinabahan sa nangyari kanina. Hindi kaya madali yung dinaranas nya kanina diba. Ikaw kaya ang habulin ng tigre hindi kaba kakabahan at matataranta.

Itutuloy...

Transferee Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now