Chapter 9

2.4K 72 3
                                    


Kendrick's POV

Sa lahat ng lalaki sa mundo ako pa ang ginawang pinaka pogi. Minsan nahihirapan na talaga ako dahil sa mga babaeng sunod ng sunod sa akin. Nakakainis tignan kapag sumusobra na sa kaartehan.

Kahit pupunta lang ako ng Mall at kapag nakita nila ako susundin nila ako sa bawat hakbang na lalakarin ko, kakainis

Ang hirap talagang maging Famous. Laging binabantayan. At laging inaabangan.

"Bakit kaya ganyan ang mga babae? Hindi naman ako artista ah. Baka may kamukha lang akong artista kaya sila baliw na baliw sa akin. Sino naman kaya ang kamukha ko? "

Im here now in my room. Nag fa- facebook dahil bored ako. Kanina nung inopen ko ang account ko sa facebook, maraming babaeng nag memessage sa akin at nag friend request. Lahat sila maganda peru ayoko sa kanila.

Habang tinitignan ko ang mga larawan ng mga friends ko sa facebook, meron akong nakitang ibang larawan kaya tinignan ko ito ng mabuti.

"Si Trisha ba 'to? May facebook account pala siya, akala ko wala. Ganito ba talaga siya nag seselfie? Pa cute? Sabagay cute din naman talaga siya"

Dahil namalayan ng mga babaeng na online  ako, agad nila akong tinadtad ng chat.
Nag out ako agad dahil sunod-sunod ang mga message nila sa akin.

"Akala ko 'di nila ako napansin"

Lumabas nalang ako ng bahay para maglakad-lakad nalang kung saan- saan. Naka hood ako para hindi ako mapansin ng ibang tao.

Pumunta ako sa Park. Dito ako nagpapahangin sa tuwing wala akong ginagawa.

Nakaupo ako ngayon habang sinisilip ang paligid.

Sa nakita ko parang hindi  naman medyo marami ang tao kaya niramdam ko lang ang malamig na simoy ng hangin.

Unti-unting pumikit ang mga mata ko. Peru dinilat ko ito agad baka kasi makatulog pa ako dito nakakahiya.

Naisipan kong magkape nalang muna para hindi ako maantok. Dahil sa lamig ng simoy ng hangin ay siguradong maantok ako.

Naglalakad naman ako papuntang coffe shop. At nang makarating na ako dun ay pumasok agad sa loob at pumili ako ng masarap na kape sa menu. Napili ko ang  capuccino kasi matatanggal antok ko dito.

Habang naghihintay ako sa kape ko, inikot ko ang paningin ko dito sa loob. Walang nakapansin sa akin kaya tinanggal ko ang hood ko dahil naiinitan na ako.

Nang dumating na ang waiter, nilagay niya agad ang kape sa table ko.

"Pwede bang balutin mo nalang ang kape ko, sa labas ko nalang to iinumin" sabi ko.

"Sige po sir. Hintayin n'yo lang po ako" sabi ng waiter at tuluyan ng umalis.

Makalipas ang ilang sandali ay inabit na niya sa akin ang nakabalot na kape at pagkatapos ay agad na akong lumabas. Naglalakad lakad ako sa gilid ng kalsada habang umiinom ng capuccino. Naglalakad ako na parang wala sa sarili at nakatuon lang ang pansin sa kape.

May isang babaeng tumakbo parang nagmamadali yata kaya nabangga niya ako at sumigaw kaming dalawa dahil natapunan kaming dalawa ng kape na hawak-hawak ko.

"Sir sorry p-- Kendrick? Naku Kendrick pasensya na hindi ko sinasadya. Ah diyan ka lang ha papalitan ko lang ang kape mo. Wag kang aalis dyan" tarantang sabi ng babae.

"Anong meron sa babaeng yun? She's acting so weird" sabi ko sa sarili ko.

"Eto na po kape mo. Sorry nga pala ulit sa nagawa ko.
" sabi niya.

"Wag na, nainitan naman ang tiyan ko" pagtatangi ko.

"Ano ka ba. Sigurado akong kunti lang na inom mo kaya tanggapin mo na to" sabi niya sabay pilit iniabot ang kape sa akin.

Tinanggap ko nalang ang kape na binigay niya. Wala na akong ibang choice eh.

"Itong jacket ko gamitin mo. Maraming kapeng natapon sayo kaya takpan mo nalang"  sabi niya sabay abot ng jacket niya.

"Wag na. Hindi ako nag susuot ng ibang damit kaya Thank you nalang" pagtatanggi ko ulit sa kanya.

"Eh hindi naman to damit eh, jacket to kaya gamitin mo na" pamimilit niya.

"Ayo------

"Wag ka nang mag inarte diyan. Ako na nga lang ang susuot sayo" sabi niya

"Naku naman. Para naman akong bakla nito" sabi ko sa isip ko.

Napanganga ako sa ginawa niya. Ganyan ba talaga ugali niya o drama lang niya yan para maka bawi.

"Teka nga Trisha, bakit mo ginagawa to? Nagda drama ka lang ba para maka bawi sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Ano,hindi ah, agh oo pala, ginagawa ko to para maka bawi sayo dahil sa nagawa ko peru hindi ito drama noh. Totoo tong pinag gagawa ko" pagaamin niya sa akin.

"Eh yung binangga mo ako kanina, sinadya mo ba yun?tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi rin ah. Masaya nga ako dahil nabangga kita para maka bawi na ako sayo. Inamoy ko ang kape sa mula sa damit ko para malaman ko kung anong kape ang iniinom mo" paliwanag niya sa akin.

"Okay" yan lang ang tangi kong sinabi sa kanya.

Naglalakad kami ngayon sa gilid ng Park. Nagulat ako dahil nasa tabi ko parin siya. Akala ko aalis na siya pagkatapos niya akong bigyan ng kape.

"Ah kendrick, saan ka pupunta?" bigla siyang nagtanong.

"Uuwi na. Eh ikaw, ba't sunod ng sunod kapa sa akin?" sungit kong tanong.

"Ah uuwi narin ako eh. Nakisabay lang ako sayo dahil same lang tayo ng dadaanin" sabi niya. Ewan ko kung palusot lang niya yan sa akin dahil baka nahiya siya kasi akala niya gagala pa ako. Haha nagkakamali siya.

Sa totoo lang masaya akong nakasama siya ngayon dahil parang buo na ang araw ko kapag nakita ko siya.

Ano bang meron sa kanya na wala sa ibang babae? Maganda naman sila, sexy  samantalang si Trisha ay simple lang at hindi masyadong payat. Bakit ako nagkakagusto sa isang tulad niya? Baka ginayuma niya ako.

Kailangan ko tong itigil ang nararamdaman ko sa kanya. Starting now, baliwalain ko na siya sa buhay ko.

"Kendrick babye. Salamat sa time na nakasama kita" pag gagalak niyang sabi.

Nilingon ko lamang siya at nang tumalikod na siya ay tumalikod na rin ako.

Malapit na ako sa bahay namin.

"Guys si baby natin oh"

"Oo nga. Baby nandito kami!"

"Kahit ganyan ang suot niya, napaka gwapo niya parin. Nakakainlove lalo"

Kinuha ko ang antipara ko sa bulsa ko at sinuot ko ito sabay tumakbo ng mabilis para hindi nila ako maabutan.















Itutuloy...

Transferee Girl (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя