Chapter 22

1.4K 48 0
                                    

        
Trisha's POV

Unang mulat ko sa aking mata sa umaga ay bumalik sa isipan ko ang nangyari kagabi.

That was my first kiss.

And napaka laking gulat ko pa dahil si kendrick ang kumuha ng first kiss ko.

Ano bang gagawin ko?
Kikiligin, iiyak o magagalit?

Aish~ bakit nya ba ginawa yun?

Kinikilig tuloy ako. HEHEHE

Bumangon na ako at agad pumunta ng banyo para maligo.

Pagkatapos ay nagbihis na ako.

Lumabas na ako nh kwarto.

Nakita ko na sabay kaming lumabas ng kwarto ni kendrick.

Nagkatitigan kaming dalawa.

Agad ko namang pinikit ang mata ko at nag umpisa nang maglakad pababa.

So weird talaga. Pagkatapos ng nangyari kagabi ganito na kami ka weirdo ngayon? Ugh!

Pumunta ako ng sala para umupo muna.

Narinig ko nalang na nagsalita sya.

"Wala ka bang plano kumain?"tanong nya habang papunta sa mesa.

Tumayo ako at agad sumunod sa kanya.

Tahimik kaming kumakain.

"Ahem"nagkukunwari akong nabulunan at sabay tayo papuntang ref para kumuha ng tubig.

Umuubo ako habang umiinom ng tubig.

"Weird"rinig kong sabi nya.

Ako weird? Baka ikaw hmmp!

Kahit hindi pa ako tapos sa pagkain niligpit ko na ito para mauna nang pumasok sa school.

Naglalakad lang ako dahil ayokong sumabay sa kanya.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad.

Naarinig kong may bumusina at agad akong napalingon sa likod.

Kotse ni kendrick ang nakita ko.

Dahan-dahang bumukas ang bintana ng kotse.

"Sumakay ka na"tanging sinabi nya na hindi humaharap sa akin.

Sabagay masakit na yung paa ko. Ayoko nang mag inarte pa. Sasakay nalang ako.

Humarorot ang kotse kaya ako napahawak sa dibdib ko.

Sa ilang minuto ay dumating na kami.

Maraming babaeng sumigaw at nasipag lapitan.

"Wag ka munang lalabas"sabi nya sabay tanggal ng seatbelt nya.

"Bakit naman?"kunot noo kong tanong.

"Basta. Sundin mo lang ang sinasabi ko"sabi nya sabay labas ng kotse.

Bakit naman kaya nya ako iniwan? Ano na naman ba ang gagawin nya?

Tinignan ko lang sya sa labas.

Pumunta sa isip ko kung bakit ayaw nya akong ipalabas ng kotse.

Dahil baka makikita ako ng mga babae at tutuksuhin pa ako.

Ayaw siguro nyang masaktan ako.
Wew grabe yung pag-iisip ko noh. HAHAHA...

Nang sumunod na yung mga babae kay kendrick, dahan-dahan na akong lumabas ng kotse.

Paglabas ko agad akong tumakbo para waalang makakit sa akin na galing ako sa kotse ni kendrick.

Transferee Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon