Chapter 10

2.3K 62 1
                                    

Trisha's POV

Maaga akong gumising dahil kagabi ko pa nasilayan na wala si Mommy dito sa bahay.

Saan kaya pumupunta si Mommy? Iniisip niya pa kaya ako? Bakit palagi na siyang wala dito? Ayaw na ba niya akong makasama? Baka may mahal na siyang iba. O baka may anak siyang tinatago sa akin.

Kakaiyak naman. Sana mali tong iniisip ko.

Dahil sa kadramahan ng pag-iisip ko, naisip ko na may pasok pa pala ako kaya dali- dali akong pumunta sa kusina.

Inumpisahan ko na ang paglulutk. Una kong sinaing ang kanin dahil yun naman talaga parati ang inuunang lutuin diba.

And then, after I cooked the rice, I cook my favorite food. The adobong manok. Pagkatapos kong magluto ng adobo ay umakyat ako sa taas para maligo.

And after that, bumihis na ako at bumaba ulit.

Hinanda ko na ang pagkain ko para makakain na ako. Pagkatapos ng isang subo ng kutsara ko. Uminom agad ako ng tubig at umalis agad. No toothbrush na, hindi naman ako bad breath eh.

Nag-aabang na ako ng sasakyan sa inaabangan ko and after a few minutes ay naka sakay na ako.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa school. Naglalakad na ako ngayon papuntang classroom namin.

"Ang tahimik ah, wag niyo akong bulahin ha alam kong late na ako" sabi ko sa sarili ko.

Nang nasa tapat na ako ng classroom namin. Hindi pa pala ako late, napakaaga ko pa.
Wala akong magawa kundi tumayo na lamang sa tapat ng pintuan. Ilang minuto na akong naghihintay  peru wala paring niisang studyanteng dumarating.

Ano bang meron ngayon? Hindi naman holiday ah. Bakit wala pa sila.

Naiinip ako kaya naglalakad lakad na lang ako kung saan-saan.
Sa pagka lakwatsera ko ay
nakapunta ako sa isang room na may katabing malaking puno.

"Wait lang, ngayon ko palang to nakikita ah. At akala ko walang puno sa school nato eh meron pala" sabi ko sa sarili ko.

Ano kayang meron sa loob niyan? Papasukin ko kaya yan. Wala naman sigurong multo diyan.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya naisipan kong pumasok na lang.

Lumilingon na muna ako sa paligid bago ako tuluyang pumasok. Dahan-dahan akong naglalakad papasok sa loob. Bubuksan ko na sana ang pinto nang may biglang humawak sa braso ko kaya napalingon agad ako.

"Kenneth? Ah anong ginagawa mo dito?" tanong ko agad sa kanya.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Diba ako una nagtanong niyan, parang binalik mo lang naman sa akin ang tanong ko eh" sabi ko.

"Sige na nga. Nandito ako dahil nakikita kitang pumasok dito sa school. Hindi mo ba narinig ang announcement ng principal nung isang araw?" he asked.

"Hindi. Eh ano ba yun?" pagtataka kong tanong.

"Sabi ng principal, no class today dahil may importanteng gagawin ang mga teachers" he said habang nagkakamot sa kaniyang braso.

"Ganun ba? Buti nalang at dumating ka. Ah s'ya nga pala kenneth, anong meron sa loob niyan? Parang ngayon ko lang yata nakita yan" pagtataka kong tanong.

"Ah hmm halika na baka makita pa tayo ng guard dito papagalitan pa tayo" sabi niy sabay akong hinila paalis sa lugar na 'yon.

Bakit di niya sinagot ang tanong ko? Meron ba siyang tinatago?

Transferee Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now