Chapter 36

1.1K 44 0
                                    

Kinabukasan nagmamadali akong nagbihis dahil late na akong nagising. Hating gabi na kasi kami nakauwi kagabi eh kaya ayan tuloy na late ng gising.

Kasalukuyan na akong nag-aayos ngayon sa sarili ko sa harap ng salamin.

Pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko sa kama at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Nakita ko si mommy at tito na masayang kumakain sa kusina.

"Mommy! Tito! Aalis na po ako. Papasok na po ako sa trabaho!"sigaw ko.

"Peru anak hindi ka pa kumain!"

"Oo nga trisha kumain ka na muna dito"

"Doon na lang po. Late na po kasi ako. Sige po bye. Love you both"sigaw ko at tuluyan ng umalis.

Sumakay na ako sa kotse ko at sa ilang sandali ay pinaandar na.
Pagdating ko, agad akong lumabas at kinuha ang bag sa kabilang upuan at nagmamadaling pumasok sa loob.

Pagpasok ko, naabutan ko ang Sir namin.

"Ah.. hi sir god morning. Sorry Im late sir. Hindi na mauulit"

"Talagang hindi na mauulit. Go inside!"

"Thank you sir"agad na akong pumasok sa room namin kung saan kami nakapwesto. Marami kami dun mga 20 plus.

Agad akong umupo at nilagay ang headset sa dalawang tenga.

Kasalukuyan na akong nagsasalita dahil may katawag ako. Grabe yung pag eenglish ko peru nabigla ako dahil may biglang humila sa akin palabas.

Hindi ko alam kung sino sila. Gulat na gulat ang mga katrabaho ko. Paglabas namin dun ko nalang nalaman na si derick at jacob pala ito.

"Derick? Jacob? What are you doing? Don't you see Im too busy with my work. Bakit nyo ako hinila?"sigaw ko.

"Im sorry kung nadisturbo ka namin. Gusto ka lang sana namin isama"sabi ni derick.

"At saan nyo naman ako dadalhin?"taray kong tanong.

"Basta sumama ka lang"

"Ayoko. Hindi ako sasama kapag hindi nyo sinabi sa akin"

"Sige na nga. Ngayon na ang araw ng kasal ni kendrick. Kaya plano ka naming samahan dun sa simbahan"sabi ni derick.

"Sos yan lang naman pala. Ikakasal lang pala si.... what?! As in now? Ah.. oh nga pala wala na sya sa buhay ko. I hope masaya sya ngayon"

"Ano bang pinagsasabi mo? Halika nga dito"sabi ni derick sabay hila.

"Aray, saan nyo ako dadalhin?"

"Dadalhin ka namin sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nya"

"Please naman wag na tayong makigulo. Baka makulong pa tayo wala  pa naman akong pampyansa"

"Tanga ka rin eh no. Diba nangako kami sayo na sisirain namin ang kasal nya para lang hindi matuloy. Kaya its our shine to do it now"

"Sigurado ba kayo sa gagawin nyo?"

"Aba oo naman. Planado kaya lahat to. Diba jacob"

"Oo nga trisha. Para malaman mo kami ang tumulong kay kendrick na manligaw sayo. Diba umoo ka nun, kaya for now Im sure hindi kami papalpak sa gagawin namin heheh"

"Sige na nga sasama na ako sa inyo. Peru wag nyo akong idamay sa kalukuhan nyo ha"

"Sos yan lang pala. Sure! Tara baka mahuli pa tayo"dali-dali kaming pumasok ng kotse. Si derick ang nagda-drive dahil si jacob kain ng kain sa dala nyang tinapay. Hanggang ngayon lakas parin lumamon peru hindi naman tumataba. Nakakainggit ang katawan nya.

Transferee Girl (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें