Chapter 25

1.4K 49 1
                                    

"Magpahinga ka na dito. Kukunin ko muna ang medicine kit sa kwarto ko para gamutin yang mga sugat mo"tatayo na sana ako nang hinawakan nya ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Kendrick salamat. Sa pagkakataong to niligtas mo na naman ako. Lage mo akong sinigurong ligtas"umiyak syang sabihin yun. Niyakap ko sya at umalis na ng kwarto.

Pagbalik ko tulig na sya.

Gagamutin ko parin ang sugat nya kahit tulog na sya.

Ang daming sugat sa paa, braso at leeg niya. Peru gasgas lang naman.

Dahil tulog naman sya lalagyan ko ng alcohol ang sugat nya para mawala ang dumi ng sugat nya.

Hindi naman nya maramdaman ang hapdi dahil tulog nga sya.

Pagkatapos ko itong ginamot, nilagyan ko ito ng bandage.

Trisha's POV

Pag gising ko nanakit ang buong katawan ko.

Nahirapan akong tumayo.

Hinawakan ko na lang ang bewang ko at dahan-dahang tumayo.

Saktong-sakto pagtayo ko may pumasok.

Akala ko si kendrick hindi pala. Mommy nya ang pumasok.

Kinabahan ako dahil baka papaligatan nya ako.

"Hello po tita"bumati ako sa kanya. Dahan-dahan syang humakbang palapit sa akin.

"Kumusta na ang kalagayan mo?"bakit nya naitanong yun? Alam ba nya ang nangyari sa akin?

"Ok lang naman po ako. Ikaw po kumusta ka?"

"Naku ikaw talaga. Ok lang din ako. Sinabi sa akin ni kendrick kagabi ang lahat ng nangyari. Kaya I was so shock nang malaman yun"hihi akala ko papagalitan na nya ako.

"Ganun po ba. Sobrang thankful po ako sa anak nyo dahil hindi nya po ako pinababayaan"tumawa sya ng malakas. Hindi ko alam kong bakit. May nasabi ba akong nakakatawa?

"Hindi mo ba alam iha? Lagi kang kinukuwento ni kendrick sa akin. Sabi nya na inlove daw sya sayo since nung first day of school nyo. Tumatawa lang ako nun dahil first time kong nalaman na nainlove sya"haha totoo ba yun? Na inlove sa akin si kendrick nung first day of school namin? Haha tama ang mommy niya nakakatawa nga.

Ngumiti lang ako sa kanya.

Matagal kaming nag-uusap. Pinaligaya niya ang buhay ko ngayon.

Nakakasaya ang ganitong klaseng ina.

Pumunta ako ng pool. Malamig kasi ang hangin dun.

Umupo ako sa upuang pangpahingaan.

Unti-unti kong naipikit ang mga mata ko.

Nang nakaramdam na ako ng sobrang init agad akong tumayo at dali-dali pumasok sa loob.

"Ang init!"idiniit ko ang braso ko. Sobrang init. Natagalan kasi akong nabilad sa init.

"Oh anong nagyari sayo? Ba't namumula yang balat mo?"hinarapan ko sya. Nakatingin lang sya sa braso ko na namumula.

"Ano kasi nabilad ako sa araw sa labas"

"Bakit ka kasi nagbilad dun"

"Hindi pa naman mainit kanina kaya lumabas ako. Nakatulog ako kaya hindi ko namalayan na sobrang init na pala"paliwanag ko. Umalis sya agad  papuntang kusina.

"Bakit umalis yun? Totoo naman ang sinasabi ko ah. Hmmp~"

Umupo ako sa sofa. Gusto kong humiga dahil sa bigat ng katawan ko.

Transferee Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now