Chapter 50

2.9K 48 7
                                    

3 months later malaki na ang tiyan ko. Malapit na akong manganganak.

Laging hinanda ni kendrick, mommy ni kendrick, mommy ko, tito joseph at daniel ang kanilang sarili para sa panganganak ko.

Baka kasi biglang sasakit ang tiyan ko tapos hindi sila handa kaya nag-uusap sila na dapat palagi silang handa.

At sabi rin nila na may magbabantay sa akin kahit isa lang sa kanila dahil incase na manganganak na ako may hihingi ng tulong o kaya'y tatawag.

Ngayon nasa work si kendrick at mommy niya. Si daniel naman ay nasa park nagpapalamig. At si mommy ay umuwi saglit sa bahay dahil may kukuning gamit nya.

Mag isa lang ako ngayon sa bahay. Meron sina nanay tosing dito kaso kakaalis lang nila papuntang palengke.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakasandal sa kama. Ramdam na ramdam ko ang pagkagutom ko kaya bumaba ako para kumuha ng makakain ko.

Dahan-dahan akong lumakad papuntang kusina. Kumuha ako sa ref ng donuts.

Pagkatapos kong kumuha ng isa, hahakbang na sana ako at akmang kainin na sana ang kinuha kong donut nang biglang sumakit ang tiyan ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng dahan-dahan at tiniis ang sakit peru nang paakyat na ako sa hagdan, sumakit ito ng sobra kaya nabitawan ko ang dala kong donut.

Kinabahan ako ng sobra. Hindi nagtagal ay may lumabas na dugo. Napahawak ako sa binti ko at dumanak ang dugo.

Sa tingin ko itong araw na 'to ang panganganak ko.

Bad timing talaga. Wala akong kasama sa bahay. Paano na 'to? Wala akong mahihinging tulong. Ano na'ng gagawin ko? Diyos ko ikaw na ang bahala sa akin.

Tumulo na ang luha ko sa mga mata ko. Dahan-dahan akong lumakad palabas ng bahay habang hinahawakan ang tiyan ko. Baka sakaling may makakita sa akin at tulungan ako.

Nasa labas na ako ngayon ng bahay. Gusto kong sumigaw peru hindi ko makaya. Gusto kong magmaneho papuntang hospital kaso hindi ko rin kaya. Sa tingin ko ngayon na ang katapusan ko.

Nakadapa na ako sa sahig dahil hindi ko na kayang tumayo. Sumigaw ako ng isang beses at hindi ko alam kung may nakarinig ba sa sigaw ko.

Unti-unti na akong nanghina.

Kenneth's POV

Naglalakad lakad ako ngayon kahit saan. Wala kasi akong ibang magawa eh. Habang naglalakad ako bigla kong naisip na dalawin at kamustahin si trisha.

Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa bahay nila.

Isang liko nalang makarating na ako sa bahay nila.

Nakaliko na ako kaya dumiretso akong pumasok sa kanila dahil bukas naman ang gate nila.

Tumitingin pa ako sa paligid bago ako pumasok. Napansin ng mga mata ko na may isang babaeng nakadapa sa sahig. Kaya unti-unti ko itong tinignan.

Nang nakatingin na ang mata ko sa baba nagulat ako dahil si trisha pala yung nakadapa. Dali-dali ko siyang nilapitan.

"Trisha si kenneth to gumising ka!"

"Kenneth? Tulungan mo ako"mahina niyang sabi. Wala na akong ibang ginawa kundi binuhat sya. Nag aabang ako ng taxi at hindi nagtagal ay nakasakay na kami.

"Manong pwede pakibilisan"sabi ko sa driver.

"Trisha lakasan mo lang loob mo ha. Makakaabot rin tayo sa hospital. Makakapanganak ka rin ha. Tiwala lang nandito lang ako sa tabi mo"

Transferee Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon