Chapter 11

2K 54 2
                                    

After one month na naging kaibigan ko si Kenneth, hindi na ako kailanman nahihiya sa kanya. Feeling ko parang kuya ko na siya, kasi parati na kaming magkasama at parati rin niya akong kinukulit. Marami ngang mga babaeng naiinggit sa amin tuwing magkasama kami.

Sa totoo lang, gusto ko talaga na may kapatid akong lalaki kasi sa buong buhay ko wala akong lalaking nakasama sa bahay except kay Papa. Si Papa kasi noon parating wala sa bahay so hindi ko naramdaman na nasa tabi namin siya.

At sa school naman kung saan ako nag aaral noon, parati akong pinagbawalan ni Mama na sumama sa mga lalaki kaya wala akong niisang lalaking naging kaibigan dun.

Kaya ang saya-saya ko sa taon na to dahil may kaibigan akong gwapo, mabait at maalagang lalaki. Napaka swerte kong kaibigan sa kanya.

Nandito ako ngayon sa loob ng classroom. Nagbabasa while nag heheadset.

Kung iniisip nyo na nerd ako, well Im not. Im just a normal girl. Yes Im reading books but Im not wearing antipara. Malinaw pa kaya ang mga mata ko.

Sa ilang minuto akong nagbabasa sa table ko, may isang babaeng lumapit sa akin at may mga kasama siya. At wow nag model pose pa.

"Hi girl" sarcastic niyang bati sa akin.

"What do you want?" tanong ko.

"Taray! Nag eenglish pala tong kumag na'to. Hahaha" sabi niya sabay tawa.

"Bakit kayo lang ba ang may karapatang mag ingles?" inis kong tanong.

"Did we say that? Hahaha think before you say it stupid girl" sabi niya.

"Ano bang kailangan nyo?" galit kong tanong.

"Sa tingin mo may kailangan kami sayo? How poor you are girl. We will never do that. We're here in front of you coz I just wanted to say that stay away from our baby boy!" sabi niya.

"Baby boy? Ang assuming niyo naman. Do you think Kenneth likes you all? Hahah what assuming you are. Alam niyo bang marami ng nasasaktan, umiyak nang dahil sa pag aassume. Kaya kung ayaw mong masaktan wag kang mag assume! Nakakairita kasi!" pagngingiwi kong sabi.

Lahat ng mga kaklase namin ay nanood sa amin. Pati narin ng ibang estufuabtr sa nag iibang sections. Nag uusap sila tungkol sa amin habang nanonood.

"Hoy babae ka! Kung magsalita ka akala mo kung sino kang maganda para lapitan at magustuhan ni Kenneth. Sa tingin mo kami lang ang nag aassume? Well nagkakamali ka! Bago ka pa lang dito pero ang tapang-tapang mo na. Makinig ka, hindi mo alam ang mga ugali ng mga students dito kaya mag ingat ka!" inis niyang sinabi.

"Hindi ako natatakot sa inyo. Dahil alam kong palaban kayo lahat at FEELINGERA pa!" sigaw ko. Akmang aalis na sana ako nang bigla niyang hinila ang buhok ko kaya napaatras ako.

Hindi ako magpapatalo kaya sinabunutan ko din ang buhok niya. Napaka unfair kasi kapag siya lang ang manakit.

Lahat ay nagsisigawan sa pag aaway naming dalawa. At hindi nagtagal ay pinagtutulungan nila ako. Sumasakit na ang ulo ko sa kakahila ng buhok ko.

Makalipas ang ilang mga minuto ay dumating sina kendrick kasama ang tatlo niyang kaibigan.
Nang makita ako ni Kenneth na nakipag away, agad siyang tumakbo para itigil kami.

"Trisha tama na yan"sigaw ni Kenneth habang hinahawakan ang balikat ko upang makalayo sa babaeng nakaaway ko

"Oyy girl si Kenneth oh"

"Oo si kenneth nga"

"Trisha, ok ka lang?" alalang tanong ni Kenneth.

Transferee Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon