Chapter 4

3.9K 97 2
                                    


Trisha's POV

Late na akong naka uwi sa bahay dahil dumiretso ako sa palengke galing school.
Pagdating ko sa bahay ay wala si Mommy. Sumisigaw-sigaw ako baka kasi nasa kwarto lang siya.

"Mommy? Mommy, nandito na ako!" sigaw ko.

Bakit 'di siya sumasagot?
Umakyat ako sa taas para puntahan sa kwarto niya.
Pag pasok ko sa kwarto ni Mommy ay wala siya dun.
Nasan kaya siya?

"Hay, bahala na siya. Kung umalis siya eh marunong naman yun umuwi. Pupunta nalang ako sa kwarto ko" sabi ko sa sarili ko. Pumunta na ako sa kwarto ko at agad akong humiga sa kama.

Inaalala ko ang mga ginawa at nangyari kanina sa school. Habang tahimik akong nag iisio ay bigla nalang pumasok sa isipan ko ang pangyayaring lumapit sa akin si feeler boy. Hindi ko namalayan na naka ngiti na pala ako sa kakaisip.

Oyy Trisha hindi mo siya type diba. Pinahiya ka nga niya kanina sa maraming tao. Psh! Feeler Boy!
Naalala ko tuloy ang nangyari nung sinapid niya ko. Sa kakaalala ko ay nakatulog na pala ako. Hindi na ako nakakain ng hapunan.

Naglalakad ako mag isa sa hallway sa school. May biglang humila sa aking lalaki at yun pala ay si Feeler Boy.

Nung hinila niya ako ay hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pagkatapos ay nilagay niya sa likod ko ang kamay niya at POOOOOFFFFFF
Hinalikan niya ako.

Nagising ako mula sa napaka imposibble kong panaginip.

Hindi yun totoo, hindi yun totoo!
Ano kaba trisha hindi nga yun totoo. Panaginip lang yun.

"Hay, akala ko totoo na. Pero bakit napanaginipan ko siya? At hinalikan pa niya ako. Anong ibig sabihin nun?"

"Wag ka nang mag isip trisha. Baka kung ano nang mangyari sa susunod" sabi ko sa sarili ko.

Dumiretso na ako sa banyo. Nang makarating ako dun ay hindi ko na tiningnan ang oras para hindi ako matataranta.

Pagkatapos kong lumigo ay ginagawa ko na naman ang dati kong gawi.
Nagbihis ako pagkatapos ay lumabas sa kwarto at bumaba na. Pagbaba ko ay nakita ko si Mommy na naghahanda ng pagkain sa mesa.

"Mommy san ka galing kagabi?" tanong ko sa kanya.

"Dito lang sa bahay anak, bakit?" sabi niya.

"Weh sigurado po kaya Mom? Nilibot ko nga ang bahay bahay kagabi at wala ka dito sa bahay" Hindi ko naman talaga nilibot ang bahay. Kwarto lang niya ang tiningnan ko.

"Ah anak almost 7 na oh. Umalis kana baka ma late ka pa" change topic niya.

"Mommy hindi pa ako kumain" sabi ko.

"Doon ka na kumain sa school anak baka kasi mahuli kapa" sabi niya.

"Agh! Sige na nga. Alis na po ako" pamamaalam ko.

"Bye anak I Love You!" sigaw niya. Hindi ko sinagot si Mommy kasi yun yung ginawa kong kapalit nung hindi niya ako sinagot na nag I love you ako sa kanya.

Nag aabang na ako ngayon ng masasakyan ko. At hindi nagtagal ay may nakita akong jeep kaya pinara ko ito. Sumakay na ako at makalipas ang sampung minuto nakarating na ako.

Pag pasok ko sa gate ay wala akong nakitang tao.

"Ang aga ko pala eh" sabi ko sa sarili ko.

Dumiresto na ako sa classroom. Dahan-dahan akong naglalakad habang naka headset.
Pag dating ko sa tapat ng classroom namin ay hindi pa pala maaga, late na pala ako. Agad kong tinanggal ang headset ko. At bumati ako sa teacher namin.

"Good Morning Maam" bati ko sabay yumuko.

"Are you new here?" tanong ni Ma'am.

"Ah opo Ma'am" sagot ko ng pahinhin.

"Sige pumasok ka na. Pero sa susunod na ma lalate ka sa klase may punishment ka na, okay" sabi niya.

"Opo Maam. Sorry po"

"Ok lang yun. Sige umupo ka na"

"Thank you po"

Umupo na ako sa upuan ko sa gilid ng bintana att nag patuloy ng pag didiscuss si Ma'am.

Blah.. blahh.. blahh...

*kring-kring*

"Since its already time study page 24 because we will be having quiz tomorrow. Ok bye class" sabi ni Ma'am at tuluyan ng lumabas ng room.

"Bye Maam Gretchen" pamamaalam naming lahat.

Lumabas na ako at pumunta na sa canteen. Canteen pa ang una kong alam puntahan. Madali lang kasi makita basta pagkain.

Woah ang dami namang tao. Paano ako makakabili nito?

Gagawin ko ba yung ginawa ko kahapon? Yung maglalakad ako sa ilalim para makaabot sa unahan.
Maganda to. Inihanda ko ang sarili ko. Tatakbo na sana ako nang may biglang humawak sa braso ko kaya napatigil ako.
Nakaramdam ako ng kunting sakit kaya napa sigaw ako.

"Aray!" sigaw ko.

"Ay sorry nasaktan ka ba?" tanong ng gwapong lalaki sa akin.

"Ha ah hin-di ok l-ang ak-o" utal kong sabi sa gwapong lalaki na nasa harapan ko.

"Ganun ba. Bibigyan sana kita ng pagkain" sabi niya.

"Ah wag na. Bibili naman ako eh" pagtanggi ko.

"Hindi ka makakabili niyan. Ang daming tao oh. Sige na tanggapin mo na to"

"Ah salamat" sabi ko sabay ngiti.

"Kinikilig ako. Trisha pigilan mo yan" sabi ko sa sarili ko.

Habang nagmomomment ako sa gwapong lalaking 'to ay may bigla nalang sumingit sa aming dalawa ni ewan.

"Tol!" sigaw ni kendrick.

"Ano ka ba Kendrick ginulat mo 'ko eh" sabi nung lalaki.

Kendrick? So, kendrick pala ang pangalan niya.

"Wait diba  si Trisha yan Kenneth" sabi ni kendrick.

At kenneth ang pangalan ng lalaking kaharap ko. Ngayon alam ko na ang pangalan nilang dalawa.

"Oo siya nga yan ken" sagot ni Kenneth.

"Ikaw ha. Ang bilis mo talagang kumilos" sabi ni Kendrick kaya napakunot noo ko.

"Wag ka ngang maingay" sabi ni Kenneth.

"Ah Trisha gusto mo bang sumabay sa amin?" tanong ni Kenneth.

"What? Kenneth naman. Hindi pwedeng may kasama tayong iba dun" pag ngingiwi ni Kendrick.

"Ah ok lang kenneth. Sa totoo lang kanina pa ako gustong gumamit ng banyo. Naiihi na kasi ako eh" Yun na lamang ang tangi kong sinabi para makaalis sa harapan nila.

"Ganun ba sige mauna na kami" sabi niya.

"Sige mauna na rin ako" sabi ko.

Pumunta agad ako sa classroom namin. Doon ko nilabas ang kilig na nararamdaman ko.

"OMG! AAAAHH! Hindi ako maka paniwalang binigyan niya ako ng pagkain. Ang sweet niya talaga. Namumula na ang pisngi ko" kilig kong sabi sa sarili ko. Naka ngiti lang ako habang nagsasalita sa isip ko.


















Itutuloy...

Transferee Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now