Chapter 43

1K 31 0
                                    

Hindi ko talaga malimutan ang pag-aalaga sa akin ni kendrick nung isang araw. Sana palagi na lang sumasakit ang puson ko para palagi nya akong inaalagaan. Hihihih

Rest day namin ngayon kaya nandito ako ngayon sa bahay nina kendrick nakatulalang nanood ng tv.

Nawala ang pagkatulala ko dahil bigla akong ginulat ni tita maria.

"Ayy hello tita. Saan po kayo galing?"

"Galing ako sa bahay nyo. Nag-uusap kami ng mommy mo"

"Tungkol saan naman po?"

"Tungkol sa kasal nyong dalawa ng anak ko"

"Hahah wag nyo po munang aalahanin yan. Marami pa pong araw na kailangan nyong mag usap ng mabuti"

"Nag usap naman kami ng mabuti kanina. Kaya nga ako natagalan ng uwi eh. Naisipan namin na sa sususnod na buwan kayo ikakasal. Sobrang tagal nyo ng magkasama tapos hindi pa kayo kasal. Nagmamahalan naman kayo diba"

"Hihih. Ahm.. hindi pa po nagprupose sa akin si kendrick. Hintayin na lang po natin sya"

"Mas mabuti yan. Peru kailangan sa susunod na buwan na ang kasal nyo ha. Hindi na aabutin sa ikalawang buwan dahil sobrang busy na ako nyan"

"Ok po tita"

"Hihih sige bihis na muna ako. Patuloy ka lang sa panonood. Ito panoorin mo oh"sabi nya sabay kuha ng remote sa kamay ko at nilipat sa cartoons.

"Hahaha tita talaga eh"

     
        Kendrick's POV

Narinig ko ang lahat ng pinag-uusapan nina mommy at trisha. Kasi papasok na sana ako ng bahay nang saktong narinig ko ang word na kasal kaya napahinto ako.

Kailan ko kaya balak magprupose kay trisha? Bukas ba o ngayon?

Sobrang halata namang narinig ko kung bukas o ngayon ako magpuprupose diba.

Hmm...? Ngayong linggo nalang ako magpupropose sa kanya. Para exciting diba hihihi.

Nasa kusina ako ngayon uminom ng tubig. Pagkatapos ay pumunta sa sala para tabihan si trisha na nanood.

Inakbayan ko sya at kita sa mukha nya na gulat sya. Lumingon sya sa akin at ngumiti. Agad naman nya itong binawi at nagpatuloy sa panonood.

"Bakit cartoons ang pinanood mo? Sobrang mo naman kung manood ah"

"Si tita kasi eh nilipat nyan. Eh hindi ko naman alam kung anong channel yung pinanood ko kaya pinanood ko nalang yan. Maganda naman eh"sabi ko sabay ngiti.

"Oo nga maganda naman. Gutom ka ba?"tanong ko.

"Hindi masyado bakit ililibre mo ako?"

"Pwede rin. Kait tayo ng street foods"

"Sige sige gusto ko yan. Wait lang papatayin ko muna ang tv"tumayo na sya at agad itong pinatay. May napansin ako sa likod ng pantalon nya kaya napakunot ang noo ko.

"Trisha. Ano yan nasa likod mo?"

"Ha anong meron?"tinignan nya ito at bigla syang nagsalita.

"Omo! Bakit ngayon pa!"sigaw nya.

"May dalaw ka ngayon?"

"Kita mo sa likod ko diba. Nagtatanong ka pa"

"Hmmp~ sungit mo. Ganyan talaga ang mga babae noh kapag may dalaw sobrang sungit"

"Tama ka peru hindi naman ako gaano ka sungit eh. Wag mo lang painitin ulo ko ha"

"Ewan ko ba kung masusunod ko yang sinasabi mo"

Transferee Girl (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ